Sunday , November 24 2024

News

Impeachment vs Digong, Leni istorbo sa Kamara

ISTORBO lang sa legislative works sa Kamara ang inihaing impeachment complaint laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi magtatagumpay ang inihaing impeachment complaint. Sinabi ni Panelo, parehong propaganda lamang ang reklamo. Iginiit niyang noon pa man, malinaw ang pahayag ng Pangulo, na hindi impeachment ang tamang paraan para …

Read More »

Pondo ng PCOO napunta sa isinuka ng TV station

NAWAWALDAS ang pera ng bayan sa pagpapasuweldo sa ilang opisyal at tauhan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na hindi nagtatrabaho at panay lang ang display na animo’y dekorasyon sa mga pagtitipon ng Palasyo. Ayon sa ilang desmayadong kawani at reporters, kaduda-duda ang paghahakot ng mga bagong opisyal at kawani sa PCOO mula sa isang naluluging TV network gayong may …

Read More »

Rebolusyonaryo ‘di natinag kay Sottong bastos

KAHANGA-HANGA ang paninindigan ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa kabila nang harapang pang-iinsulto sa kanya ni Sen. Tito Sotto kaugnay sa pagiging solo parent niya. Para sa Gabriela Party-list group, isang inspirasyon si Taguiwalo sa mga napabayaang kababaihan sa lipunan kaya karapat-dapat siyang makompirma ng Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). …

Read More »

Atong no. 1 target ni Digong (Sa giyera kontra ilegal na sugal) — PCSO

TINUKOY ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang  jai-alai operator na si Atong Ang ang “primary target” ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang Executive Order No. 13 na nagdedeklara ng all-out war sa illegal gambling. Sa isang statement ay binigyang-diin ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz na ang state-sanctioned Small Town Lottery (STL) ang tanging numbers game na …

Read More »

Lopez itatalaga sa ibang posisyon — Palasyo

HINDI isinasantabi ng Palasyo ang posibilidad na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Gina Lopez sa ibang posisyon. Ito ay makaraan ibasura ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Lopez bilang DENR secretary. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa ngayon, nakatutok ang Pangulo sa paghahanap ng maaring pumalit sa puwesto ni Lopez. Una rito, lumutang na ang …

Read More »

Lopez sa DENR tuluyang ibinasura ng CA

TULUYAN nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa pamamagitan ng isang caucus, ginanap ang secret voting ng mga miyembro ng komisyon. Makaraan ang pag-pupulong, inihayag ni Commission on Appointments (CA) chairman, Senator Manny Pacquiao, bigong makuha ni Lopez ang mayoryang boto ng mga miyembro …

Read More »

China dapat pakalmahin si Jong-Un ng NoKor (Nuke war para mapigil) — ASEAN

NAGKAISA ang sampung bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kailangan maging masidhi ang pagkombinsi ng China sa North Korea upang iatras ang pag-uudyok ng nuclear war sa Amerika. “Yes, I think there was an agreement that China has to exert more effort in exercising its influence over DPRK,” sabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Executive Director …

Read More »

Atas ni Digong sa labor groups: Borador ng executive order vs ENDO balangkasin

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labor groups na magbalangkas ng borador ng executive order, na magbabawal sa kontraktuwalisasyon bilang paraan ng pagkuha ng empleyado ng mga kompanya. Layunin ni Pangulong Duterte na tuldukan ang sakit sa ulo ng mga uring manggagawa na ENDO o end of contract, na ginagamit na sistema ng mga kapitalista upang makaiwas sa pagsunod sa …

Read More »

Tanong ng whistleblowers: P8-M ni Robredo galing kanino?

INOBLIGA kahapon ng Whistleblowers Association of the Philippines (WAP) si Bise Presidente Leni Robredo na isapubliko ang tunay na pinag-kuhaan ng P8 milyon na kanyang ipinambayad sa Korte Suprema bilang cash deposit sa counter protest na isinampa niya sa poll complaint ni da-ting Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Si Robredo ay naghabol kahapon ng umaga sa limang araw na palugit …

Read More »

Ilegal ‘di beybi kay Duterte — Aguirre

TINIYAK ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi kailanman kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gawaing ilegal sa kanyang administrasyon. “I believe that PRRD will not tolerate any illegal act,” giit ng Kalihim sa naging mahigpit  na direktiba ng Pangulo laban sa mga ilegal na gawain. Kaugnay nito, binalaan ni Aguirre ang mga patuloy na lumilinya sa ilegal na …

Read More »

P4+ rollback sa LPG ipinatupad

oil lpg money

EPEKTIBO ang rollback sa presyo ng kada kilo ng li-quefied petroleum gas (LPG) dakong 12:01 am kahapon. Ang kompanyang Pet-ron ay may rollback na P4.85  sa kada kilo ng karaniwang gasul at Fiesta Gas o katumbas ng P53.35 sa kada tangke, may bigat na 11 kgs. Papalo sa P2.73 ang rollback sa kada litro ng extreme auto LPG, ang Solane …

Read More »

Pagdurog sa Abu Sayyaf ‘di aabot ng 6-buwan

NAGBABALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa teroristang grupong Abu Sayyaf, na kayang buwagin ng militar ang kanilang puwersa bago pa man matapos ang anim buwan deadline. Naniniwala si AFP chief General Eduardo Año, ang pagkamatay ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ay malaking bagay para tuluyang matalo ang puwersa ng teroristang grupo. Ayon kay Año, si Mi-saya …

Read More »

De Lima dinalaw ng alyadong senador sa PNP detention cell

PERSONAL na dinalaw ng mga kasamahang senador na kanyang alyado, si Sen. Leila de Lima sa detention facility sa Camp Crame, Quezon City. Kabilang sa mga bumisita kay De Lima sina Sen. Antonio Trillanes IV, at Sen. Kiko Pangilinan, habang sumunod sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Sen. Risa Hontiveros. Ilan sa sinasabing napag-usapan sa kanilang pagpupulong ang tungkol …

Read More »

DoLE building nirapido (Sa Araw ng Paggawa)

PINAULANAN ng bala ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang punong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DoLE) kasabay ng Labor Day, sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling araw. Ayon ka MPD PS5 chief, Supt. Emery Abating, dakong 4:15 am nang pagbabarilin ng mga suspek ang DoLE main building sa Muralla Drive kanto ng Gen. Luna St. sa Intramuros. Sa …

Read More »

Washington dumipensa sa imbitasyon ni Trump kay Duterte

WASHINGTON – Ipinaliwanag ng Washington ang intensiyon ng pag-imbita ni US Pres. Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House. Magugunitang makaraan ang ASEAN Leaders’ Summit nitong Sabado, nagsagawa ng ‘friendly call’ kay Pangulong Duterte si Trump at tinalakay ang anti-drug war ng Filipinas at alyansa ng dalawang bansa. Sinabi ni White House chief of staff Reince …

Read More »

Pope Francis: 3rd country dapat mamagitan sa US vs North Korea

DAPAT may mamagitan na third country sa papainit na iringan ng North Korea at US na posibleng humantong sa nuclear war at magdudulot ng delubyo sa sanlibutan. Sinabi ni Pope Francis kamakalawa, nakahanda siyang makipagkita kay US President Donald Trump sa Europe sa su-sunod na buwan. Kailangan aniyang muling igiit ng United Nations ang liderato sa mundo dahil naging ‘malamya’ …

Read More »

Digong psywar at ‘geopolitics’ consultant ni Trump

NAPABILIB ni Pangulong Rodrigo Duterte si US President Donald Trump sa husay niya sa psywar at ‘geopolitics.’ Nang mag-usap ang dalawang leader nitong Sabado ng gabi, ipinayo ni Duterte kay Trump na huwag sindakin si North Korean President Kim Jong-un dahil hindi niya mayayanig sa kanyang firepower. Ikinuwento ni Pangulong Duterte, sinabi niya kay Trump na ang wastong diskarte upang …

Read More »

50,000 contractual employees nabigyan ng regular position – Bello

TINATAYANG 50,000 contractual employees ang nabigyan ng re-gular na posisyon sa ilalim ng Duterte administration. Pagmamalaki ito ni Labor Sec. Silvestre Bello sa Araw ng Paggawa kahapon. Aniya, karamihan sa mga manggagawang nabigyan ng regular na posisyon ay mula sa mga kompanyang tumugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa “endo” o kontraktuwalisasyon. Samantala, dahil kulang umano ang inspector …

Read More »

Iskuwater dumami sa endo

LUMOBO ang bilang ng mga maralitang lungsod dahil binansot ng kontraktuwalisasyon ang kita ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa. “Contractualization has stunted the salaries of millions of workers around the country. With rising prices of basic commodities, they have no hope of economic relief for as long as endo practices continue to remain in place,” anang Labor Day Message ni …

Read More »

10.4-M Pinoys jobless

TINATAYANG 10.4 milyong Filipino ang nanatiling walang trabaho sa unang quarter ng 2017, ayon sa inilabas na resulta ng opinion poll, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa unang Labor Day sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon din sa nasabing survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula 25 hanggang 28 ng Marso, bumaba ang “net optimism” sa …

Read More »

Makabuluhang papel ng obrero kinilala ng Palasyo

KINILALA ng Palasyo ang mahalagang papel ng mga manggagawang Filipino sa pag-iral ng makatao, makabayan at makatarungang lipunan. “Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawang Filipino sa pagsulong ng mga karapatan para sa maka-taong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaang magpahayag ng saloobin. Kinikilala ng ating pamahalaan ang mga karapatang …

Read More »

Kilos protesta humugos sa kalsada (Obrero bigo sa unang Labor Day ni Digong )

SINALUBONG ng mga manggagawa ng kilos-protesta ang pagdiriwang ng Labor Day sa Filipinas. Tinatayang 2,300 miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang nagmartsa patungong Welcome Rotonda mula Agham Road sa Quezon City. Bitbit ng nasabing grupo ang volture na effigy na may disenyong inihalintulad sa watawat ng Estados Unidos. Ayon sa Kadamay, hiling nila sa …

Read More »

Big time oil price rollback sa Martes

oil gas price

PAPALO sa P1 ang rollback ng produktong petrolyo sa Martes. Ayon sa energy sources, maglalaro sa P0.90 hanggang P1 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene. Ang gasolina ay may mas mababang rollback na aabot sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro. Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.

Read More »

NCRPO walang bilib sa pag-ako ng ISIS ( STF sa Quiapo bombing binuo)

KINONTRA ng Philippine National Police (PNP) ang pag-ako ng teroristang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa pagpapasabog sa isang peryahan na ikinasugat ng 14-katao sa Quiapo Maynila, nitong Bi-yernes ng gabi. Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang basehan at walang makapagtuturo na ang teroristang ISIS ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang lugar sa Maynila. …

Read More »

Pulis patay sa atake ng NPA, 2 nasagip (Sa Quirino province)

dead gun police

CAUAYAN CITY – Kompirmadong isang pulis ang namatay sa pagsalakay ng New People’s Army (NPA) sa Maddela Police Station sa Quirino Province, kamakalawa ng gabi. Nabatid na “dead on arrival” sa Maddela District Hospital ang pulis na si PO2 Jerome Cardenas. Nasagip ang dalawang pulis na unang napabalita na dinukot ng rebeldeng grupo. Ngunit inilinaw ng NPA, hindi nila dinukot …

Read More »