Sunday , November 24 2024

News

Bitag ni Soros ‘di kinagat ni Duterte (I hear the idiot, another idiot in this planet — Digong)

BOKYA ang inilalatag na bitag ni American-Hungarian billionaire George Soros laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipa-convict siya sa International Criminal Court (ICC) sa pagpapalutang na walang masamang epekto ang shabu kaya mga inosente ang biktima ng kanyang drug war sa pamamagitan ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard. Sa panayam sa Pa-ngulo sa NAIA Terminal 2 bago umalis patungong …

Read More »

2 NBI agents ‘pinagpahinga’ ni Sec. Aguirre (Nasa payola ni Atong Ang)

ITINAPON sa ‘kangkongan’ ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ang dalawang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), sinasabing kabilang sa tumatanggap ng payola mula sa kilalang bigtime gambling lord na si Charlie “Atong” Ang. Pahayag ng kalihim, may nakalap silang matibay na ebidensya, nagpapatunay na kasama ang dalawang ahente ng NBI sa protection racket kay Ang. …

Read More »

Minorya hati sa impeachment vs Morales

HATI ang paninindigan at opinyon ng dalawang opisyal sa minorya kung susuportahan o hindi ang nakaambang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Tindig ni Minority Leader Danilo Suarez, naghihintay lamang siya ng kongresista na mag-eendoso sa reklamo at agad niya itong susuportahan. “Iyong kay Ombudsman, kapag may nag-file na isang kongresista, kasi magmi-meeting na kami sa Monday I will …

Read More »

Medialdea OIC habang wala si Duterte

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si  Executive Secretary Salvador Medialdea bilang Officer-in-Charge ng bansa mula 15-16 Mayo dahil nasa official visit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia, Hong Kong at China hanggang 17 Mayo. Habang mula 11-14 Mayo, ang binuong Careta-ker Committee na kasama sina Department of Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II, Department of Environment and Natural Resources (DENR) …

Read More »

Año ‘di sana matulad kay Lopez — Trillanes

UMAASA si Senador Antonio Trillanes, hindi matutulad si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año kay dating Environment Secretary Gina Lopez, na aniya ay inilaglag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay makaraan iha-yag ng Pangulo na kanya nang nilagdaan ang appointment paper ni Año bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bago …

Read More »

‘Military junta’ buo na — Digong

HINDI na kailangang maglunsad ng kudeta ang militar dahil umiiral na ang ‘military junta’ sa kanyang gabinete. “May isang bakante pa, madagdagan ko pa ng isang military, kompleto na iyong junta natin. Hindi na sila kailangan mag-kudeta. Nandiyan na kayo ngayon ha, ako pagod na ako,” pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ianunsiyo kahapon ang pagpili kay Armed Forces …

Read More »

UN kinontra ni Callamard — PAO chief

BALIKTAD ang paniniwala ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa report ng United Nations Office on Drugs and Crime, na ang shabu ay mapanganib sa kalusugan at isip at sanhi ng pagiging bayolente ng gumagamit. Ito ang buwelta ng Palasyo sa pahayag ni Callamard kamakailan, na ang paggamit ng shabu ay hindi nagdudulot ng pinsala sa utak at hindi sanhi …

Read More »

Seguridad hirit ng Muslim sa Quiapo (Sa pagsapit ng Ramadan)

HINILING ng mga residenteng Muslim sa Quiapo, Maynila, sa pulisya ang dagdag seguridad lalo na’t magsisimula na ang Ramadam sa 26 Mayo. Ito ay dahil matin-ding takot pa rin ang nararamdaman ng mga Muslim sa naturang lugar dahil sa magkakasunod na pagsabog na ikinamatay ng dalawang sibilyan. Nangangamba ang mga Muslim, baka dahil sa takot ay walang mag-enrol na mga …

Read More »

Hudikaturang corrupt sagka sa repormang agraryo

SAGKA sa implementasyon ng repormang agraryo ang korupsiyon sa hudikatura. Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa camp-out sa Mendiola ng mga magbubukid mula sa Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (MARBAI) sa Lapanday Foods Corp. kahapon, nanawagan siya sa mga korte na huwag gawing bisyo ang pagla-labas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang pagpapatupad ng agrarian reform, kapalit …

Read More »

Magulang isabit sa kaso ng minor offender — Solon

MAS pabor ang isang mambabatas na isama sa kaso ang mga magulang o guardian ng isang minor offender kaysa pababain ang minimum age ng criminal liability sa 9-anyos o 12-anyos. Ayon kay Rep. Jose Panganiban, parusahan ang mga magulang o guardian ng batang masasangkot sa krimen, pati na rin ang mga taong gumagamit sa kanila. “Personally, instead of lowering the …

Read More »

Imelda Marcos: Buhay pa ako

Imelda Marcos

PERSONAL na nagpakita si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa mababang kapulungan ng Kongreso, kasunod ng mga ulat hinggil sa kanyang pagkamatay. Kabilang si Marcos sa mga unang dumating sa plenary session kahapon. “Eto, buhay pa. Ganoon pa rin. Eto, nakakapasok pa ‘ko sa Congress saka nangunguna kami,” pahayag niya sa mga reporter. Nang …

Read More »

Cimatu bagong DENR secretary

NANUMPA kay Pangulong Rodrigo Duterte si retired military general Roy Cimatu kahapon, bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kapalit ni Gina Lopez. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Cimatu ay dating Special Envoy of the President to the Countries in the Middle East. Kompiyansa aniya ang Palasyo na tapat na manunungkulan si Cimatu para …

Read More »

Callamard pro-shabu (Kritiko ng drug war ni Duterte)

NANINIWALA si UN Special Rapporteur Agnes Callamard, ang shabu ay hindi nagdudulot ng pinsala sa utak at hindi rin umano sanhi ng bayolenteng tendensiya sa mga gumagamit nito. Umani ng batikos sa netizens si Callamard dahil sa kontrobersiyal niyang mensahe sa Tweeter “Prof Carl Hart: there is no evidence Shabu leads to violence or causes brain damage #Philippines drug policy …

Read More »

Solons desmayado sa absuwelto kay Napoles

DESMAYADO ang mga mambabatas sa pagpapawalang sala ng Court of Appeals kay pork barrel queen Janet Lim Napoles, sa kasong serious illegal detention. Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat magbantay at sabayan ng protesta ng taong-bayan ang mga nakapanlulumong pangyayaring ito. Para kay Akbayan Party List Rep. Tom Villarin, nasasaksihan na ngayon ang pagsisimula nang pagpapawalang-sala sa …

Read More »

Gen. Bato nag-sorry sa Quiapo blasts

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa naganap na pagsabog sa Quiapo. “We are very sorry… Nalusutan tayo,” pahayag ni dela Rosa sa press conference makaraan ang PNP flag-raising ceremony kahapon. Naganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong Sabado, ikinamatay ng dalawa katao, kinilala ang isa na si Mohamad Bainga …

Read More »

Intel officers magpaliwanag (Sa Quiapo blasts) — Pimentel

PINAGPAPALIWA-NAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan  sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao. Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng …

Read More »

Bomb sender sa Quiapo tukoy na

INIHAYAG ng mga imbestigador, batid na nila ang pagkakakilanlan ng taong nagpadala ng bomba sa courier service para ihatid sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao nitong Sabado. “Mayroon po tayong iniimbestigahan diyan. Of course, mayroon pong log iyan, at ‘yan ang iniimbestigahan natin,” pahayag ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Police Regional Police Office. Ayon kay …

Read More »

Suspek sa april 28 Quiapo blast hawak na ng PNP

HAWAK na ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pagsabog sa Quiapo, Maynila, noong 28 Abril. Iniharap sa media ng Manila Police District ang suspek na si Abel Maca-raya, sinampahan ng kasong multiple frustrated murder at illegal possession of explosives. Sa nasabing pagsabog noong 28 Abril, 13 katao ang nasugatan sa insidenteng paghihiganti ang motibo laban sa stall owner …

Read More »

Janet napoles inabsuwelto ng CA (Sa kasong illegal detention)

INABSUWELTO ng  Court of Appeals (CA) si Janet Lim Napoles sa illegal detention case na inihain ng whistleblower na si Benhur Luy. Binigyang-diin ang “reasonable doubt,” binaligtad ng CA ang desis-yon ng Makati Regional Trial Court, at iniutos ang agarang pagpapalaya kay Napoles. Gayonman, si Napoles ay nahaharap sa iba pang non-bailable cases. Ang desisyon ng CA ay makalipas ang …

Read More »

Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ

HAHARANGIN ng Department of Justice (DoJ) ang ano mang hakbang para pahintulutan ang detinidong si Sen. Leila de Lima sa paglahok sa mga pagdinig kaugnay sa death penalty bill. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang pagtutol ng DoJ ay dahil sa katotohanang si De Lima ay nakakulong. “When one is incarcerated, some of your rights and privileges are …

Read More »

Lobby money sa CA iginiit ng Palasyo (Hindi lahat, pero meron)

HINDI nilahat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na bumubuo ng Commission on Appointments (CA), nang isiwalat niya na tumanggap ng lobby money para ilaglag ang kompirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR). Paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa lobby money ay nagpatampok sa pag-iral …

Read More »

Alvarez, Fariñas batugang tandem sa Kamara

REFILED pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalarga ang priority bills na sinertipikahan ng Palasyo gaya ng freedom of information, panukala para tuluyang magwakas ang political dynasties, at karagdagang pension sa mga miyembro ng SSS, itinuturing na magiging landmark at legacy ng administrasyon ni Pangulong  Rodrigo “Digong” Duterte. “Tamad kasi at batugan ang liderato nina House Speaker Pantaleon Alvarez …

Read More »

HR chief Gascon, shabu gustong gawing legal (Gaya ni Leni at matapos maging bisita si Callamard)

SUPORTADO ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon ang panukala ni Vice President Leni Robredo na gawing legal ang paggamit ng illegal drugs upang lumuwag ang mga bilangguan gaya sa mga bansa sa Europa. Kombinsido si Gascon na dapat baguhin ang pagtingin ng goyerno sa problema sa illegal drugs, hindi aniya patas na itambak sa kulungan ang drug …

Read More »

Shiite Muslim cleric na BIR officer target sa Quiapo blast

NANINIWALA ang pulisya na isang Shiite Muslim cleric ang puntirya sa pagpapasabaog na ikinamatay ng dalawa katao sa Quiapo, Maynila, nitong Sabado ng gabi, at mariing itinanggi ang pagkakasangkot ng mga terorista sa insidente. Anim katao ang nasugatan sa dalawang pagsabog sa opisina ng imam na si Nasser Abinal, sa Quiapo district. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, …

Read More »