Saturday , December 2 2023

Duterte dadalo sa Asean Summit sa Singapore

NAKATUON sa pagpa­palawak ng kaunlaran at seguridad ang 33rd ASEAN at Related Sum­mits sa Singapore na da­dalohan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang world leaders nga­yon.

Aalis ngayong 4:30 ng hapon sa Davao City si Pangulong Duterte upang dumalo at isulong ang mahahalagang usapin sa Filipinas sa ASEAN, na ang tema ngayong taon ay “A Resilient and Innovative ASEAN.”

Kabilang sa mga isyu ng bansa na nais ibahagi ng Pangulo sa summits ay infrastructure develop­ment sa ilalim ng Build, Build, Build, small and medium enterprises, disaster response, climate change, gayondin ang pagbaka sa terorismo at illegal drugs.

Inaasahan din ang pagdalo sa pulong nina Russian President Vla­dimir Putin at US Vice President Mike Pence.

Ayon sa Palasyo, po­sibleng mapag-usapan ang isyu sa West Philip­pine Sea at ang ulat na pagtatayo ng weather station ng China sa lugar.

Hindi pa kompirma­do ngunit may apat hanggang limang leader ang humiling ng pulong kay Pangulong Duterte.

Ang Thailand ang tatayong chairman ng ASEAN Summit sa taong 2019.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …

Bulacan DTI

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *