Tuesday , December 5 2023

P25 wage hike kapos sa kilong NFA rice (Umento sa mininum wage aprobado )

 INAPROBAHAN ng wage board sa National Capital Region ang P25 dag­dag sa sahod para sa mga kumik­ita ng minimum wage, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Lunes.

Sa bisa ng Wage Order No. NCR-22, na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR, magiging P500 hanggang P537 na ang halaga ng minimum wage sa iba’t ibang sektor sa Metro Manila.

Magiging epektibo ang utos 15 araw maka­raan itong mailathala, sabi ni Bello.

Isinama na rin daw sa umento ang P10 cost of living adjustment (COLA).

Magugunitang P334 ang inihirit na dagdag-sahod ng labor group na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa wage board.

Habang iniulat na P20 ang inialok na dagdag-sahod ng grupo ng mga negosyante na Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ngu­nit itinanggi nila ito.

Inianunsiyo rin ng DOLE na magkakaroon ng P10 basic pay increase at P10 per day COLA sa Cagayan Valley, at P12 hanggang P20 umento sa minimum wage sa Mima­ropa (Mindoro, Marin­duque, Romblon, at Palawan) region.

Ibig sabihin, magla­laro sa P320 hanggang P360 ang minimum wage sa Cagayan Valley habang P283 hanggang P320 sa Mimaropa.

Samantala, umapela ang koalisyon ng labor groups nitong Lunes para sa P100 minimum wage increase sa National Capital Region, makaraan kompirmahin ng Depart­ment of Labor and Employ­ment ang P25 dagdag-sahod sa mini­mum wage earners sa Metro Manila.

Magugunitang humi­rit ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philip­pines ng P334 wage increase habang ang Employers Confederation of the Philippines ay nag-alok ng P20 dagdag-sahod.

“‘Yung P25 e baryang-barya ito sa medium and large enterprises,” paha­yag ni ALU-TUCP spokes­person Alan Tanjusay.

“Baka ho puwedeng P100 man lang ‘yung dagdag sa sahod. Kung P25, wala po, hindi ka­yang bumili ng isang kilong NFA rice ‘yan,” aniya.

HATAW News Team

‘Di makatarungan — ALU-TUCP (P25 wage hike)

‘Di makatarungan — ALU-TUCP (P25 wage hike)

About hataw tabloid

Check Also

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *