Saturday , January 11 2025

News

Balangiga Bells ibalik ninyo — Digong sa US (Sa ikalawang SONA)

“IBALIK ninyo ang Balangiga bells, amin iyon.” Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) kahapon, sa ninakaw na Balangiga bells ng mga sundalong Amerikano noong 1901 sa panahon ng Fil-Am war. “The church bells of Balangiga were seized by the Americans as spoils of war. Give us back those …

Read More »

5 patay sa bus vs van sa Tarlac

road accident

TARLAC – Lima ang patay nang magbanggaan ang isang bus at van sa Brgy. Aguso, Tarlac City sa lalawigang ito, nitong Linggo. Pasado 4:00 am nang sumalpok ang bus sa gilid ng kasalubong na van, ayon kay Supt. Bayani Razalan, hepe ng Tarlac City police. Nagkayupi-yupi ang unahang bahagi ng van dahil sa lakas ng salpukan. Pawang mga pasahero ng …

Read More »

Sundalo patay, 11 sugatan sa atake ng NPA sa Bukidnon

dead gun police

PATAY ang isang sundalo habang 11 iba pa ang sugatan makaraan atakehin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bukidnon, nitong Sabado ng gabi. Ayon sa pulisya, lulan ang 25 sundalo at militiamen sa military truck nang atakehin ng mga rebelde sa Brgy. Kitubo, sa bayan ng Kitaotao, dakong 10:30 pm. Napag-alaman, pinasabugan ang military truck ng improvised …

Read More »

Kapalaran ng PH sa 5 taon tampok sa SONA ni Duterte

ILILITANYA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halos isang oras na 15-pahinang State of the Nation Address (SONA) ngayon ang magiging kapalaran ng Filipinas sa susunod na limang taon. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, punong-puno ng pag-asa ang ikalawang SONA ng Pangulo at dapat itong tutukan ng mga mamamayan, lalo ng mahihirap dahil ilalahad ng Punong Ehekutibo kung saan niya …

Read More »

Seguridad sa SONA hinigpitan (Kasunod ng NPA attacks)

HINIGPITAN ng pulisya at militar ang seguridad para sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng mga pag-atake ng rebeldeng komunista, ayon sa pulisya kahapon. Ipinabatid na ng mga awtoridad ang security protocol sa activist groups na magpoprotesta sa SONA, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde. “Nakiusap din po …

Read More »

Anti-drug war ni Duterte ‘negosyo’ ng ‘HR groups’

GINAGAWANG negosyo ng ilang human rights group ang pagbatikos sa drug war ng administrasyong Duterte upang makakalap ng pondo. Sa panayam sa radyo kahapon, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ginagamit sa pag-iingay ng ilang human rights groups ang bintang na paglabag sa karapatang pantao sa isinusulong na drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang makakuha ng pondo mula sa …

Read More »

US congressman hibang — Palasyo

DAPAT sampalin ng isang US lawmaker ang kanyang sarili para mawala ang pagkahibang at magising sa katotohanan na sa Amerika siya mambabatas kaya’t hindi kailangan makialam sa Filipinas. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sa Massachusettes sa Amerika ibinoto si Rep. Jim McGovern at hindi inihalal ng mga botante sa buong mundo kaya wala siyang karapatan na makialam sa ibang …

Read More »

264 katao tiklo sa OTBT ops sa Parañaque at Taguig

arrest posas

  UMABOT sa 264 katao ang hinuli ng mga pulis sa magkahiwalay na One Time Big Time operations sa ilang barangay sa mga lungsod ng Parañaque at Taguig, nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., ang ikinasang OTBT ops ay bilang bahagi ng pagsawata sa posibleng krimen lalo na’t nala-lapit ang …

Read More »

Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush

gun shot

  NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang dating chief of police ng Binangonan PNP, makaraan tambangan habang papasok sa trabaho sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Sa ulat kay S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, kinilala ang biktimang si Supt. Noel Verzosa, kasalukuyang nakatalaga sa personnel division ng PNP Region-IV (Camp Vicente Lim) Laguna. Sa imbestigasyon, dakong 7:00 am …

Read More »

Bebot tinutugis ng PNP-DEG (Nagpadala ng damo sa TNVC express)

TINUTUGIS ng mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang isang babaeng sinasabing nagpa-book sa TNVC express rider para ipadala ang wallet na may lamang marijuana. Si “Marlon,” hindi tunay na pangalan, TNVC express rider, ay nakatanggap ng booking mula sa isang female sender na ang pick-up point ay sa NAIA Terminal 1 Departure Area nitong 17 Hulyo. …

Read More »

Mahihirap na Pinoy nabawasan — SWS

  SA unang pagkakataon sa tatlong quarters, ang porsiyento ng mga Filipino na naniniwalang sila ay mahirap ay bumaba, ayon sa Social Weather Stations (SWS) kahapon, Umabot sa 44 porsiyento ng 1,200 respondents sa June poll ang ikinonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay katumbas ng 10.1 milyong pamilya, ayon sa SWS. Ang self-rated poverty ay bumaba ng 6 …

Read More »

4 adik huli sa OTBT (Sa Maynila)

arrest prison

ARESTADO ang apat na suspek sa isinagawang one time big time operation ng Station Drug Enforcement ng Meisic Police Station (PS-11), sa Binondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Balisi, alyas Roy, 41-anyos, single, kargador, residente sa Area C, Gate 54, Parola Compund; Jonathan Marcellana, 30-anyos, single, resi-dente sa Area H, Gate 62; Jan Robin Robita alyas …

Read More »

Kelot sinaksak ng bebot

knife saksak

  SINAKSAK sa likuran ang isang lalaki ng isang hindi kilalang babae sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Kasalukuyang nagpapaga-ling sa Tondo Medical Center ang biktimang si Cyprince Manipulo, 25-anyos, single, walang trabaho, residente sa Capulong St., Brgy. 97, Tondo, Maynila dahil sa sugat na ni-likha ng pananaksang nang hindi nakilalang babae sa kanyang likuran. Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ronaldo Dueñas …

Read More »

Higit 1-M Pinoy ‘di na nagyoyosi

yosi Cigarette

  MAHIGIT isang milyon Filipino na ang nabawas sa bilang ng mga naninigarilyo sa bansa mula noong 2009 hanggang 2015, ayon sa Department of Health (DoH). Ayon sa ulat, pinuri ng World Health Organization (WHO) ang Filipinas dahil sa mga hakbang nito kontra pagsisigarilyo. Naniniwala ang mga taga-pagtaguyod ng tobacco control, na marami pang puwedeng gawin upang tuluyang itigil ng …

Read More »

PRRD hindi tutuntong sa Amerika

  HINDI tutuntong sa lupain ni Uncle Sam si Pangulong Rodrigo Duterte. “There will never be a time that I will go to America during my term,” buwelta ni Duterte sa pahayag ni Massachusetts Rep. Jim McGovern, chairman ng human rights commission ng US Congress, na pangungunahan ang protesta kapag naging bisita ni President Donald Trump sa White House ang …

Read More »

CoP, 4 pulis patay sa ambush ng NPA sa Negros Oriental

  ISANG chief of police (COP) at apat na pulis ang patay habang dalawa ang sugatan makaraan tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng komunista sa lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental nitong Biyernes. Sinabi ni Col. Elizier Losanes, commander ng Philippine Army 303rd Infantry Brigade, ang Sangguniang Bayan member ay inatake ng hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa …

Read More »

Let’s stop talking, let’s start fighting (Peace talks inabandona) — Duterte sa CPP-NPA-NDF

Duterte CPP-NPA-NDF

  “LET’S stop talking, let’s start fighting. I have decided to abandon the talks.” Ito ang idineklara kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa kanyang talum-pati sa Davao Investment Conference, binig-yang-diin ng Pangulo na tumpak ang pahayag ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison na binu-bully niya ang kilusang komunista. …

Read More »

‘Mole’ ng NPA sa PSG inaalam

  LIHIM na iniimbestigahan ng intelligence community ang posibilidad na may mole o espiya ang mga rebeldeng komunista sa hanay ng militar, lalo sa Presidential Security Group (PSG). Ito ang sinabi ng source sa intelligence community kasunod ng pananambang ng NPA sa convoy ng PSG sa Arakan, North Cotabato noong Martes ng umaga. Aniya, bahagi ng standard operating procedure (SOP) …

Read More »

Mag-iitik na ‘di nagbayad ng rev tax ‘di pinatawad ng NPA

WALANG patawad ang NPA, ultimo maliliit na magsasaka ay kinikikilan taliwas sa propaganda nilang tagapagtanggol ng mga mamamayan. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, kinuwestiyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. ang ideolohiya ng NPA na nasangkot sa iba’t ibang insidente ng karahasan habang nagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Inihalimbawa ni Esperon ang panununog ng NPA sa plantasyon …

Read More »

Babala ni Digong: 20 NDFP consultants ‘madidisgrasya’ kapag ‘di sumuko

  NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa 20 National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants, na posibleng ‘madisgrasya’ kapag hindi sumuko nang maayos sa mga awtoridad. Sa ambush interview kagabi makaraan ang Davao Investment Conference sa Davao City, sinabi ni Duterte, aarestohin ano mang oras ang mga lider-komunista kasunod nang pag-abandona niya sa peace talks sa NDFP, Communist Party …

Read More »

NCRPO handa sa SONA

HANDA ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, 24 Hulyo. Sinabi ni NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, ipapakalat niya ang kanyang mga tauhan partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula sa Quezon City Circle hanggang sa Litex sa Batasan Road sa …

Read More »

Safe conduct pass epektib pa, NDF consultants ‘di balik-hoyo

Malacañan CPP NPA NDF

  HINDI pa tinutuldukan ng administrasyong Duterte ang usapang pangkapayapaan sa kilusang komunista kaya hindi puwedeng ipaaresto at muling ibalik sa bilangguan ang pinalayang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants. Sinabi ni Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III, wala pang basehan ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida, na hihilingin niya sa hukuman na …

Read More »

Pointman sa drug war itinalaga ni Digong

  ISANG “pointman” ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging sentralisado ang mga usapin kaugnay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte. Hinirang kahapon ng Pangulo si Aurora Ignacio bilang “focal person” na tatanggap ng mga kuwestiyon at magbibigay ng karampatang aksiyon sa mga isyu na may kinalaman sa anti-illegal drugs campaign ng kanyang administrasyon. “In the exigency …

Read More »

SALN ng 3 gov’t. off’ls ‘di inilabas ng Palasyo

  HINDI ipinagkaloob sa media ang kopya ng 2016 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng tatlong pinakamalapit na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Walang ibinigay na paliwanag ang Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa Malacañang Press Corps kung bakit nabigo silang magbigay ng kopya ng SALN nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Cabinet Secretary …

Read More »