Sunday , June 16 2024

Pinay DH pinugutan sa Saudi

NAPUGUTAN ang isang 39-anyos Pinay domestic helper matapos hatulan ng kamatayan nitong Martes  sa Saudi Arabia dahil  sa kasong murder, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Elmer Cato, kahapon.

Nagpaabot ang DFA ng pakikiramay sa  pa­milya ng Pinay matapos hatulan ng kamatayan ng Saudi Supreme Judicial Council.

Tumanggi si Cato na magbigay ng karagda­gang detalye sa pagkaka­kilanlan ng Pinay at sa kanyang kaso mtapos humiling ng privacy ang kanyang pamilya.

Ayon kay Ambas­sador Adnan Alonto, hinatulan ng kamatayan ang nabanggit na Pinay domestic helper ng Saudi authorities nang mapa­tunayan guilty sa murder.

Ikinalungkot ng DFA ang sinapit ng Pinay dahil hindi naisalba ang kan­yang buhay ng gobyerno ng Filipino kahit nag-alok ng “blood money.”

Hindi umano ito na-apply sa ilalim ng Shariah Law.

Nagkaloob ang DFA sa pamamagitan ng Embahada ng Filipinas ng abogado para magbi­gay ng  legal assistance sa lahat ng pagdinig sa kaso ng Pinay sa korte, pag­bisita ng kinatawan ng tanggapan at pagbi­bigay ng updates sa pamilya.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *