Digong ‘asar’ sa kupad ng mga mambabatas (2019 national budget nakabitin)

DESMAYADO si Pangulong Rodri­go Duterte sa kabagalan ng mga mam­babatas na maipasa ang 2019 national budget.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Me­dial­dea, malaki ang magi­ging epekto nito para ma­an­tala ang mga pro­yek­tong pang impraes­truk­tura ng administrasyong Duterte.

Umaasa  pa rin aniya ang Palasyo na gagawin ng mga mambabatas ang kanilang constitutional duties at maihabol na maipasa ang 2019 budget bago matapos ang sesyon ng Kongreso ngayong linggo.

Iginiit ni Medialdea na walang pagkukulang si Pangulong Duterte dahil maagap niyang naipasa sa Kongreso katuwang ang kaniyang economic team ang panukalang pambansang budget isang araw matapos ang kaniyang SONA noong Hulyo 2018.

ni ROSE NOVENARIO