Bangkay lumutang sa Pasig river

LULUTANG-LUTANG sa  ilog nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa Pasig riverside Bgy. Cembo Makati City hahapon ng umaga.

Natagpuan nina PO3 Jose Cinco at PO1 Jay Geronimo ng Police Community Precint (PCP) Makati  na malapit sa detachment  dakong 7:00 ng umaga.

Inilarawan ang bik­tima na nakasuot ng itim na polo shirt na may stripe na kulay puti at itim na malong  walang suot na sapatos. Wala naman palatandaan na may sugat sa katawan o sinaktan ang biktima.

Patuloy na iniim­bestigahan at inaalam ng Homicide Section ng Makati police na sina SPO3 Rico Caramat at SPO2 Jason David ang pagkakakilanlan ng bik­tima.  (JAJA GARCIA)