Sunday , November 24 2024

News

ISIS East Asia emir nagtatago sa mosque sa Marawi City

NANINIWALA si Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa Marawi City pa si Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) East Asia Emir Isnilon Hapilon at nagtatago sa isa mga mosque sa siyudad. “According to our latest info, he’s still inside Marawi. In fact, there is an information we got this morning that he’s hiding in one of the mosques there in …

Read More »

Narco-pol na supporter ng Maute ayaw sumuko (Columnist ng presidential envoy for int’l PR)

AYAW sumuko sa mga awtoridad ng isang dating mayor at kolumnista ng pahayagan ni Special Envoy of the President for International Public  Relations Dante A. Ang, kahit tinukoy siya na supporter ng Maute Romato clan. Sa Mindanao Hour press briefing kahapon, isiniwalat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinabla niya ang pakiusap ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali na …

Read More »

Drug pusher tigbak sa parak

shabu drugs dead

PATAY  ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief, S/Supt. Chito Bersaluna ang napatay na si Niño Maruso, residente sa Libis Talisay, Brgy. 12, ng nasabing lungsod. Ayon kay Bersaluna, dakong 11:50 pm, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team …

Read More »

PTFoMS ng Duterte admin pinuri (Laban sa pamamaslang)

UMANI ng papuri ang Presidential Task Force sa Media Security (PTFoMS) mula sa mga miyembro ng media at sa kanilang mga pamilya na naging biktima ng karahasan kaugnay ng kanilang trabaho. Si Virgilio Maganes, isang komentarista sa DWPR Radyo Asenso na nakabase sa Dagupan City at kolumnista ng lokal na pahayagang Northern Watch ay nagpasalamat sa PTFoMS sa mabilis na …

Read More »

Federalismo dapat unawain ng barangays

NANAWAGAN si District 1 Councilor Peter Anthony “Onyx” Crisologo ng Quezon City sa lahat ng mga opisyal ng 142 barangays ng nasabing lungsod na “unawain muna ang magagandang layunin ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa Federalism” sa ilalim ng Duterte administration. “Ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan ay inaabot ang aming mga kamay sa bawat mamamayan sa pamamagitan …

Read More »

Armas mula China gagamitin sa Marawi

ANG mga armas at bala mula sa China ay malaking tulong sa mga sundalo sa pakikisagupa sa Marawi City laban sa ISIS-influenced Maute, at iba pang mga teroristang grupo sa Lanao del Sur. Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesperson, Brig. Gen. Restituto Padilla, Jr., ang mga armas mula sa China ay maaaring gamitin ng mga sundalo dahil ang …

Read More »

Pacquiao nanatiling nat’l treasure (Kahit natalo ni Jeff Horn) — Palasyo

HINDI nabawasan ang mga karangalang inihatid sa bansa ni People’s Champ Manny Pacquaio dahil sa kanyang pagkatalo kahapon kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia. “Manny Pacquiao’s loss in Brisbane would not diminish the honors he bestowed to the people and to the flag,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon. Nagpapasalamat aniya ang Palasyo sa hindi matatawarang suportang ipinagkaloob kay …

Read More »

GAD budget ilaan sa Marawi bakwit — Housing czar

INATASAN ni Cabinet Secretary at housing czar Leoncio Evasco Jr., ang Key Shelter Agencies na gumawa ng paraan upang magamit ang kanilang budget para sa Gender and Development para kagyat na masaklolohan ang mga kababaihan at kabataang bakwit ng Marawi City. Ani Evasco, batid ng Palasyo na matatagalan ang pagtatayo ng mga pabahay para sa mga bakwit kaya’t sa ginanap …

Read More »

Nagkanlong ng Maute/ISIS sa Marawi City target ni Duterte

PAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kung paano nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa ang Maute /Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City. Sa kanyang talumpati sa ika-50 anibersaryo ng Davao del Sur kamakalawa, tiniyak ng Pangulo na kapag natapos ang bakbakan sa Marawi City ay pananagutin niya ang mga nasa likod ng teroristang grupo sa siyudad. “Most of …

Read More »

Lola patay sa akyat-bahay

Stab saksak dead

TIGBAUAN, Iloilo – Patay ang isang 60-anyos lola makaraan saksakin ng hindi nakilalang magnanakaw sa kanilang bahay sa Brgy. Parara Sur, ng nabanggit na bayan, nitong Sabado ng gabi. Salaysay ni MJ, 24-anyos adopted daughter ng biktimang si Baldomera Duga, ininspeksi-yon niya ang kanyang kuwarto nang mapansing pinagagalaw ng hangin ang kurtina rito. Ngunit napansin niya na nawawala ang apat …

Read More »

Suspek sa masaker lango sa droga’t alak, arestado (Lola, ina pinagsasaksak bago ginahasa)

INAMIN ng isang suspek na inaresto ng pulisya na siya ay lango sa alak at droga nang patayin ang limang miyembro ng isang pamilya sa City of San Jose del Monte, Bulacan. Kinilala ang suspek na si Carmelino Navarro Ibañes, alyas Meling, 26, tubong Negros Occidental, at nagtatrabaho bilang construction worker. Inamin ng arestadong suspek na pinagsasaksak muna niya ang …

Read More »

Rehab sa Marawi ‘di magagaya sa Yolanda (Tiniyak ng Palasyo)

TINIYAK ng Palasyo na hindi magagaya sa rehabilitasyon ng Yolanda ang pagbangon ng gobyernong Duterte sa Marawi City. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, iniha-yag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, masyadong desmayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasilidad na ipinatayo para sa mga biktima ng Yolanda kaya mahigpit ang tagubilin sa kanyang huwag …

Read More »

Pamilyang tulak arestado sa P.5-M shabu

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang apat miyembro ng pamilya na negosyo ang pagtutulak ng ilegal na droga, makaraan arestohin ng mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Caloocan Police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna ang mga suspek na si Freddie de Guzman, Sr., 63, dalawang anak niyang  sina Freddie, Jr., 40, at Zaldy, 36, at …

Read More »

2 sabungero nagtarian sa tupadahan

Sabong manok

KAPWA malubhang nasugatan ang dalawang sabungero makaraan magsaksaksan habang armado ng tari sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Isinugod sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa mukha at iba pang parte ng katawan si Jaime Piamonte, 55, ng Blk. 51, Lot 65, Phase 3D, Dagat-Dagatan, habang sa Tondo Medical Center dinala si Jonard Rapa-nan, 29, …

Read More »

Nag-away sa plato, laborer utas sa katrabaho

PATAY ang isang 25-anyos construction worker makaraan saksakin ng katrabaho bunsod nang pag-aaway dahil sa plato sa Makati City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Kevin Lampitok, stay-in sa construction site ng commercial building sa Yakal St., San Antonio Village, ng lungsod, at residente sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na …

Read More »

2-3 araw number coding pinalagan ng transport group

PINALAGAN ng transport group ang balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing dalawa hanggang tatlong araw ang pagpapatupad ng number coding o tinatawag na “expanded number coding.” Kamakalawa, inihayag ni MMDA Chairman Danilo Lim sa Kongreso, pinag-aaralan nilang ipatupad ang “expanded number coding” o gawing dalawa hanggang tatlong araw ang pagpapatupad ng traffic scheme bilang isa sa mga …

Read More »

Payo ni Poe sa MMDA: ‘Wag padalos-dalos sa expanded number coding scheme

PINAALALAHANAN ni Senadora Garce Poe and Metro Manila Development Authority (MMDA), na huwag magpadalos-dalos at kailangan maging mapanuri sa pagbibigay ng solusyon sa pagresolba sa suliranin sa trapiko sa kalakhang Maynila. Ayon kay Poe, naiintindihan niya ang malaking hamon na kinakaharap ng MMDA sa pagresolba sa traffic problem sa Metro Manila, ngunit kailangan ang masusing pagpaplano. Iginiit ni Poe, ang …

Read More »

Fariñas reresbak sa 8 bokal ng Ilocos Norte (Kahit nasa Tate)

BUBUWELTAHAN ni House Majority Floor leader Rodolfo Fariñas ang Ilocos Norte Board Members na bomoto upang siya ay ideklarang “persona non-grata” sa sarili niyang distrito. Kakasuhan ni Fariñas nang paglabag sa kanyang constitutional rights ang walong board members, gayondin ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa “undue injury thru evident in bad faith” na idinulot sa kanya …

Read More »

P15-bilyon infra project sa SBMA inilatag ni Diño

PINATUNAYAN ni Chairman Martin Diño na isinusulong ng administrasyong Duterte ang mga proyektong makatutulong sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Ipinahayag ito ni Diño sa news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, sa gitna ng mainit na kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ilegal na droga at talamak na …

Read More »

‘Big 4’ magiging kakosa ni De Lima (Korupsiyon isusunod ni Digong)

TAPOS na ang isang taong pagtitimpi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpayaman sa panggagahasa sa kaban ng bayan. Makaraan tanggalan ng pangil ang malalaking drug syndicate at terrorist groups sa bansa, sasampolan ni Duterte ang ‘Big 4’ o apat na mandarambong sa pamahalaan. Sinabi ng isang Palace official, nakakalap ng matitibay na ebidensiya ang administrasyon laban sa apat matataas …

Read More »

Multa vs sasablay sa ‘Lupang Hinirang’

PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong pagmultahin ang mga sasablay sa pag-awit ng “Lupang Hinirang.” Ayon sa nakasaad sa House Bill 5224, dapat ay naaayon sa orihinal na areglo ni Julian Felipe, kompositor ng “Lupang Hinirang,” ang tiyempo ng pag-awit nito. Ibig sabihin, dapat 2/4 beat ang pagtugtog dito, at dapat ay nasa …

Read More »

Bihag na pari ipinauubaya ng CBCP sa gov’t

CBCP

INIHAYAG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Martes, ipinauubaya nila sa gobyerno ang kapalaran ng isang pari na binihag ng mga bandidong Maute sa Marawi City. Ito ay makaraan ialok ng terror leader na si Abdullah Maute, na palalayain ang bihag na si Fr. Chito Suganob kapalit ng kalayaan ng kanyang mga magulang. “It’s a sensitive matter. …

Read More »

Mahigit P5-B kita ng PCSO mula sa STL

INIHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Martes, kumita ang expanded Small Town Lottery (STL) nang mahigit P5 bilyon sa loob ng limang buwan ngayong taon. “We’ve already earned P5,018,967,224.14 which was 173.38% higher compared to the re-venue generated in the same period last year,” pahayag ni Balutan. Mula Enero hanggang Mayo 2016, nakapagtala ang …

Read More »

BNG member patay sa tandem

dead gun police

PATAY ang isang 36-anyos miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Mindanao St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Ian Anderson Fellosas, residente sa Leo St., Sampaloc, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Napag-alaman, binawi-an ng …

Read More »