Wednesday , June 19 2024

Parañaque City walang pasok (Sa ika-21 anibersaryo ngayon)

MATAPOS ideklara ni Pangulong Rodrigo Duter­te na “special non-working day,” walang pasok ngayong araw, 13 Pebrero sa lungsod  ng Parañaque para sa pag­diriwang ng ika-21 ani­bersaryo ng cityhood nito.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang kautusan ay ipinatu­pad  sa bisa ng Procla­mation No. 665.

“It is but fitting and proper that the City of Parañaque be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appro­priate cere­monies,” ayon ito kay  Executive Secre­tary Salvador Medial­dea  na lumagda ng na­turang executive order sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Bahagi rin ng pagdi­riwang ng ika-21 aniber­saryo ng cityhood, kaha­pon ay ipinahayag ng alkalde ang kanyang 6th State of the City Address tampok ang kasaluku­yang financial status ng lungsod.

Aniya, sa kasaysayan ng lungsod, sa unang pagkakataon ay nabaya­ran nito ang utang ng na­ka­raang adminis­tra­syon sa Land Bank of the Philippines, na nasa P1 bilyon.

Bukod dito, magka­ka­roon  ng mga aktibi­dad ang siyudad  tulad ng ecumenical service, medical at dental mis­sions, Sunduan Exhibit, Run at  Zumba, Lambat Festival at fireworks display sa  SM City Sucat, na sinimulan nitong Huwebes, 7 Pe­bre­ro, hanggang nga­yong araw, 13 Pebrero.

Nagkaroon din ng  drum and lyre com­petition, interpretative dance contest, street dance kids challenge at  pageant night ng ”Gandang Mamita at Bb. Parañaque 2019″ na isinagawa nitong Ling­go, 10 Pebrero.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *