Tuesday , June 25 2024

Pakiusap ng Palasyo: Sumunod sa batas

UMAPELA ang Mala­cañang sa mga kandidato na sumunod sa itinatakda ng batas na may kaug­nayan sa eleksiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sana’y tumalima ang mga tumatakbo nga­yong eleskiyon sa ipina­iiral na election laws sa bansa.

Nais matiyak ng pamahalaan na ang papalapit na halalan sa Mayo ay maging malinis, may kredibilidad at isang honest election.

Kaugnay nito, una nang nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na bawal ipaskil ang mga election propaganda na naka­kabit sa labas ng mga com­mon poster area, mga pampublikong lugar, at ang mga nasa pribadong lugar na walang pahin­tulot ng may-ari ng lugar o espasyo.

Hindi rin maaring kabitan ng campaign material ang mga tulay, public building, poste ng koryen­te, mga puno, kable, eskuwelahan at iba pa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …

shabu drug arrest

P.2M shabu kompiskado  
BEBOT, ISA PA, TIKLO SA VALE AT KANKALOO

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan …

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula …

MATATAG curriculum

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills …

prison rape

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *