Saturday , June 22 2024

Otso diretso kasado pa-senado

BUO ang loob ng mga kandidato ng Otso Diretso sa pagpasok sa opisyal na panahon ng panga­ngam­panya, sa gitna ng matin­ding laban na kanilang hinaharap upang maipa­kilala ang mga sarili at ang kanilang paninindigan.

Opisyal na inilunsad ang kampanya ng 8 kandidato nitong Miyer­koles, 13 Pebrero, sa Naga City, baluwarte ni Vice President Leni Robredo at ng yumao nitong asawa na si Jesse — hinangaan dahil sa makamasang estilo ng paglilingkod.

Aminado mang hindi pa nakikilala ng marami ang mga kandidato ng Otso Diretso, umaasa si Robredo na maipapasa rin sa kanila ang naging ka­pa­­laran niya bilang under­dog ng 2016 elections.

Aniya, mahalaga ang laban sa Senado dahil ito ang kasangga ng taong­bayan sa pagsupil sa mga pagtatangka ng mga ganid na abusuhin ang ka­pangyarihang ipinag­katiwala ng mga Filipino sa kanila.

“Kailangan natin ng mga taong walang takot at handang manindigan para sa tama. Ang ating walong kandidato, tala­gang pinagpilian at siguradong pinaka­ma­huhusay,” dagdag niya.

“Kung naging posible ang ‘1% to Vice President’ noong 2016, walang dahi­lan para hindi natin sila maipanalo sa Senado.”

Inanyayahan ni Ro­bre­do ang mga kaba­bayan na iboto ang mga kandidatong kaniyang sinusuportahan, dahil panahon na rin para itama ang mga palyang dulot ng kakulangan sa kaka­yahan at katapatan.

Buo ang puwersa ng Otso Diretso sa ginanap na proclamation rally, na dinaluhan nina Sen. Bam Aquino at Magdalo Rep. Gary Alejano; mga nag­babalik-lingkod bayan na sina dating senador Mar Roxas, dating congress­man Erin Tañada; at ang mga baguhang sasabak sa politika na sina dating solicitor general Florin Hilbay, iginagalang na human rights lawyer Chel Diokno, election lawyer Romy Macalintal, at si Samira Gutoc, bakwit mula sa Marawi na nagbi­tiw sa Bangsamoro Tran­sition Commission bilang protesta sa pambabastos ni Pangulong Duterte sa kababaihan. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *