Saturday , July 27 2024

Diskarte’t gimik ng mga kandidato

KANYA-KANYANG gi­mik at diskarte ang mga tumatakbong senador sa unang araw ng kam­panya.

Ang nangunguna sa mga survey na si reelec­tionist senator  Grace Poe ay nagpakain ng mga mag-aaral sa Payatas, Quezon City.

Si misis hanepbuhay Cynthia Villar ay dumalo sa kick-off rally ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumu­nuan ni presidential daughter at Davao Mayor Sara Duterte.

Kasama ni Villar sa kick-off rally sa Pampa­nga sina reelectionist senators Aquilino “Koko” Pimentel III, JV Ejercito, at Sonny Angara.

Hindi naman nagpa­huli si reelectionist senator Nancy Binay na sinabing ‘karamay’ ng bawat mamamayang Filipino sa kanyang unang bugso ng kampanya sa pama­magitan ng motorcade sa iba’t ibang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kasama ni Binay sina Angara at Ejercito gayon­din si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Sumama sa pag-iikot ng Otso Diretso si re­electionist senator Bam Aquino at ang nag­babalik na si senador Mar Roxas.

Nasorpresa ang lahat nang magtaasan ng kamay sa iisang entabla­do sa Pampanga sa kick-off rally ng HNP sina Ejercito at kapatid na si dating senador Jinggoy Estrada.

Kasama rin nila sa grupo ang nagbabalik na si Senadora Pia Cayetano, ang kilalang malalapit sa Pangulo na sina Bong Go, Ronaldo “Bato” dela Rosa, at Francis Tolentino gayondin sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, nagbabalik na si Ramon Bong Revilla, Jr., ang kilalang mama­maha­yag na si Jiggy Mani­cad, at Dong Mangandadatu.

Isinusulat ang istor­yang ito’y hindi matukoy kung saan nangampanya o nag-ikot ang nagbabalik na ‘Leon Guerero’ ng senado na si Lito Lapid, na kamamatay lang sa kanyang karakter na Pinuno sa teleseryeng “Ang Probinsyano.”

Samantala tiniyak ni Poe na makakasama niya sa ilang ikot niya ang ilang tumatakbo rin at isa rito si dating senador Sergio Osmena III.

Kasamang nangam­panya ng Otso Diretso bukod kina Aquino at Roxas ay sina sena­toriables Romy Maca­linral, Gary Alejano, Erin Tañada, Pilo Hilbay, Samira Gutoc at Chel Diokno.  (NIÑO ACLAN)

 

 

About Niño Aclan

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *