Sunday , November 24 2024

News

Yelo bumuhos sa Benguet

UMULAN ng mga butil ng yelo sa Atok, Benguet nitong Sabado habang maalinsangan sa ibang bahagi ng bansa. Ayon sa mga residente, nasira ang mga pananim dahil sa hailstorm sa ilang farm at nagkalat ang mga butil ng yelo sa mga kalsada sa Sitio Sayangan, Brgy. Paoay. Nabatid mula sa weather bureau PAGASA, may nangyari nang pag-ulan ng yelo sa …

Read More »

PNP kasado na sa 6-month Boracay closure

boracay close

BORACAY – Nakahanda na ang mga pulis para sa 6-month closure ng isla na magsisimula ngayong Huwebes. Sinabi ni Supt. Cesar Binag, Western Visayas police chief, ang 630-member strong Joint Task Force Boracay ang inatasang magpatupad ng seguridad sa Boracay habang ang isla ay isinasailalim sa malawakang paglilinis at rehabilitasyon. Ayon kay Binag, ang mga miyembro ng task force mula …

Read More »

College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City dahil sa reklamong ‘sextortion’ ng isang estudyante nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Randy Retulla, inireklamo ng isang 21-anyos lalaking estudyante. Ayon sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon …

Read More »

2 lalaking umiihi arestado sa droga (Sa pampublikong lugar)

arrest posas

HINULI ang dalawang lalaki habang umiihi sa pampublikong lugar at nakompiskahan ng umano’y ilegal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Jomar Mamaril, 27, at Kevin Ogaya, 27, barker, kapwa residente sa E. Rodriguez St., Brgy. 4, Zone 2, sa nasabing lungsod. Base sa ulat ni …

Read More »

Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 53-anyos negosyante at kanyang anak na buntis makaraan pagsasaksakin  ng hinihinalang drug addict na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang si Melinda Bati, buy and sell agent, at kanyang buntis na anak na si …

Read More »

EO vs Endo ‘di na pipirmahan ni Digong (Sesertipikahang priority bill) — DoLE

HINDI na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) hinggil sa kontraktuwalisasyon, anunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Huwebes. Sinabi ni Bello sa pulong balitaan sa Department of Labor and Employment (DOLE), sesertipikahan na lamang ni Duterte bilang priority bill ang nakabinbing panukala sa Senado kaugnay sa “security of tenure.” Aniya, ang tatlong drafts ng EO …

Read More »

AUV lumusot sa resto, 9 sugatan (Sa Festival mall)

NAGULANTANG ang mga kumakain nang salpukin sila ng isang umaatras na AUV na lumusot sa restaurant mula sa labas sa Festival Mall sa Muntinlupa City. Ayon sa ulat, siyam ang nasugatan sa naturang insidente na nangyari noong Linggo sa Gerry’s Grill restaurant. Sa kuha ng CCTV, makikita ang mga biktima habang magkakasamang nakaupo sa harap ng mesa nang biglang sumulpot …

Read More »

3 kaanak ng Parojinogs timbog sa La Union

NADAKIP ang tiyahin ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, at dalawa pang kaanak sa isang checkpoint sa San Fernando, La Union, sa bisa ng arrest warrant nitong Lunes ng hapon. Arestado si Rizalina Francisco, kasama ang asawa niyang si Manuelito Francisco, at ang kanilang anak na si June Francisco. Ayon kay Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz …

Read More »

1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang angkas ng motorsiklo habang sugatan ang driver nito nang mabundol ng isang SUV sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang namatay na si Jubert Abenes, 29-anyos, residente sa Marikina City. Salaysay ng mga saksi, nabangga sa likuran ang motorsiklo ng kasunod nitong SUV habang binabaybay ang Tomas Morato. …

Read More »

Atleta niyakap sa banyo, guro kalaboso (Sa 2018 Palarong Pambansa)

INARESTO ang isang lalaking guro makaraan ireklamo ng pambabastos ng isang binatilyong atletang kalahok sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur, nitong Martes. Ayon sa ulat, nakapiit sa estasyon ng pulisya sa Caoayan, Ilocos Sur ang 28-anyos na si Rodymar Lelis, isang elementary school teacher mula sa Cebu City. Dinakip si Lelis sa venue ng dance sports competition ng Palaro …

Read More »

Investment scam group leader tiklo sa Albay

NADAKIP ang isang lalaki na sinabing lider ng isang investment scam group sa Albay, nitong Martes ng hapon. Arestado sa bisa ng warrant of arrest si Joel Agnabo, 52, hinihinalang lider ng Agnabo investment scam sa Camarines Sur. Ayon sa report ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, iniwan ni Agnabo ang kaniyang pamilya sa Naga City at nagpalipat-lipat ng …

Read More »

Paalala ng Comelec sa mga kandidato

IPAPATUPAD ngayon sa unang pagkakataon sa halalan ng barangay sa susunod na buwan ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson Dr. James Jimenez, ang nasabing batas ay may mga probisyon ukol sa anti-political dynasty na nagbabawal sa may kamag-anak na kasalukuyang nagtatrabaho sa gobyerno na tumakbo para sa public office. Sakop nito …

Read More »

‘No extension’ sa filing ng CoC

WALA nang extension para sa paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa nalalapit na barangay elections sa darating na Mayo, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa Kapihan sa Manila Bay sa Cafe Adriatico sa Malate, Maynila. Nakatakda sa Biyernes ang huling araw ng paghahain ng mga kadidato ng kanilang CoC kaya wala nang tatanggapin pa pagkatapos …

Read More »

OFW na pinainom ng chlorine bumubuti na

MAAARI nang ilipat sa regular ward mula sa Intensive Care Unit (ICU) anomang oras ang Filipina worker na sapilitang pinainom ng liquid bleach ng amo sa Saudi Arabia. Sinabi ni Elmer Cato, Acting Assistant Secretary for Public Diplomacy ng Department of Foreign Affairs (DFA), bumubuti na ang kalagayan ni Agnes Mancilla makaraan maratay ng mahigit sa isang linggo sa King Fahad …

Read More »

Bebot inatake sa puso sa motel

PATAY ang isang babae makaraan umanong atakehin sa puso habang nasa loob ng motel sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay S/Insp. Ferdinand Espiritu, ang biktima ay tinatayang 20-30 anyos, maliit ang pangangatawan, 5’1” ang taas, at nakasuot ng pink shirt at asul na maong pants. Batay sa ulat ni PO2 Rockymar Binayug, dakong 3:54 pm nang mag-check-in ang …

Read More »

Libo-libong kandidato dumagsa sa Comelec (Sa barangay at SK polls)

DUMAGSA sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Maynila ang libo-libong kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections para maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC). Tinatayang 4,000 katao ang pumila sa opisina ng Comelec nitong Miyerkoles. Marami umano sa kanila ay 4:00 pa ng madaling-araw pumila. Napag-alaman, dahil sa sobrang siksikan at init ng panahon, may …

Read More »

Mag-ama, 6 pa arestado sa drug den

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang mag-ama, at anim iba pang hinihinalang drug user makaraan salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat, dakong 9:25 pm nang salakayin ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni C/Insp. Jowi-louie Bilaro, kasama ang Philippine Air Force 300th Air Intelligence Security Wing, Special Mission Group, PDEA-Camanava …

Read More »

Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga

lovers syota posas arrest

NADAKIP ng mga pulis ang isang South Korean national at kaniyang Filipina wife sa isinagawang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga, kamakalawa. Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Jake Lee, 36, at Joy Ann Casuparan, 18, mga residente sa Brgy. Balibago, Angeles City. Sinabi ni Supt. Ruel Cagape, hepe ng Mabalacat Police, inaresto ang mag-asawa makaraan ang isinagawang …

Read More »

Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)

PATAY ang isang 51-anyos latero makaraan mahulog habang kinukumpuni ang bubong ng bodega ng isang  paper company sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Bonifacio Plantinos, residente sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan. Sa ulat kay Valenzuela police chief, S/Supt. …

Read More »

19-anyos kelot kritikal sa boga ng AWOL na pulis

gun shot

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos lalaki nang tamaan ng bala sa ulo makaraan magpaputok ng baril ang isang AWOL na pulis sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, residente sa Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan. Kinilala ni Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, ang lasing na …

Read More »

2 PNP official, 2 pulis sinibak sa P60-M SAF allowance scam

SINIBAK sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi ibinigay na halos P60 milyong allowance sa SAF troopers. Sinampahan ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo’y PNP directorate for integrated police operations Southern …

Read More »

VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust

NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pang­kat sa Holocaust …

Read More »

BI wow mali kay Sister Fox

Sister Patricia Fox

  INAMIN ng Palasyo, nagkamali ang Bureau of Immigration sa pagdakip sa 71-anyos Australian nun na si Sister Patricia Fox. “Mayroon naman pong batas na ang mga dayuhan ay hindi dapat nanghihimasok sa politika natin… Ang problema lang ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Siguro apologies are in order kasi madalian naman siyang …

Read More »

Duterte kay Sis Fox: Umuwi ka sa Australia at doon magprotesta

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duter­te  kay Sister Patricia Fox, 71-anyos Australian nun, na umuwi sa sariling bansa at iprotesta ang mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao roon. Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip kay Fox noong Lunes. Ipinagmalaki ng Pangulo, siya lang bilang Punong Ehekutibo ang may karapatan magpasya kung …

Read More »