APAT araw makaraan paslangin ang isang paring Katoliko at tatlong araw matapos pagbabarilin ang isang broadcaster, hinintay pa ng Palasyo na usisain ng media bago kinondena ang mga nasa-bing insidente. “Naku, kinokondena po natin lahat ng pata-yan na ‘yan at sinisiguro ko naman po na ang gobyerno po ay gumagawa ng hakbang para tuparin ang kaniyang responsibilidad ‘no, iimbestigahan po …
Read More »Paolo at Carpio ‘di madidiin sa P6.4-B shabu shipment
SANG-AYON si Senador Panfilo Lacson sa naging resulta ng fact finding committee ng Ombudsman na inirekomendang sampahan ng kaso si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal sa paglusot ng P6.4 bilyon shabu shipment. Sinabi ni Lacson, kung pagbabasehan ang isinagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee, lumalabas na walang nagdidiin kina dating Davao City Vice …
Read More »Duterte galit sa anomalya sa DOT-PTV 4
KOMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na may alam si Communications Secretary Martin Andanar sa isyu ng P60 milyong advertisement fund ng Department of Tourism na ipinambayad sa production company ng magkapatid na Tulfo, mga kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo. Batay sa source sa Palasyo, galit si Pangulong Duterte kina Andanar, Teo at mga Tulfo. Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry …
Read More »Sunog sa Daruanak Island sinisi sa upos ng yosi
PASACAO, Camarines Sur – Nasunog ang isang bahagi ng Daruanak Island sa Camarines Sur dahil umano sa itinapong upos ng sigarilyo. Naging kulay itim ang tuktok ng isla dahil sa naganap na grass fire nitong Martes ng hapon. Ayon sa Bureau of Fire Protection, halos 500 square meters na bahagi ng isla ang naapektohan ng sunog. Itinuturong sanhi ng insidente …
Read More »Lolong nagsiga nasunog sa kakahuyan
BATAC CITY – Patay nang matagpuan ang isang 74-anyos lolo na hinihinalang nadamay sa kanyang sinusunog sa isang kakahuyan sa Brgy. Payao sa lungsod ng Batac, nitong Martes. Sa pagsusuri, nakitang nasunog ang ilang bahagi ng katawan ng biktima. Sa imbestigasyon, nadamay ang biktima nang lumaki at kumalat ang apoy nang magsiga siya sa kakahuyan. “Ayon doon sa isang kamag-anak, …
Read More »PhilHealth ‘matagal’ nang isinumbong kay Digong (Iregularidad sandamakmak)
ISINUMBONG ng mga kawani at empleyado mula sa Philippine Health Insurance kay Pangulong Rodrigo Duterte ang multi-milyong anomalya sa ahensiya na umano’y kinasasangkutan ni officer-in-charge Dr. Celestina dela Serna at isang lider ng mga empleyado. Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, idinetalye nila ang pagmamalabis sa tungkulin at panunupil sa …
Read More »EO vs endo ni Duterte walang silbi
WALANG silbi ang executive order (EO) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon. Inihayag ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, kahapon. Aniya, ang pagbababawal sa labor only contracting (LOC) ay nasa labor code na at ang kailangan ay maglabas ng policy na ipagbawal ang lahat ng uri ng job contracting. Giit niya, ang layunin ng EO ay pahupain ang galit ng …
Read More »Dumaguete broadcaster kritikal sa tandem (Dating opisyal ng NUJP)
DUMAGUETE CITY, Negros Oriental – Kritikal ang kondisyon ng isang radio broadcaster sa lungsod na ito makaran pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen nitong Lunes. Ang biktimang si Edmund Sestoso, hosts ng daily blocktime “Tug-a-nan” sa dyGB 91.7 FM, ay lulan ng tricycle nang pagbabarilin sa Brgy. Daro dakong 10:00 ng umaga. Ang biktima ay tinamaan ng bala sa dibdib, braso at …
Read More »Daan-daang pamilya pinalalayas sa Boracay wetland
MALAY, Aklan – Daan-daang pamilya na halos dalawang dekada nang nakatira sa Boracay wetland, ang pinaaalis dahil sa ipinatutupad na rehabilitasyon ng gobyerno sa isla. Ang Cagban Bubon, na kinatitirikahan ng bahay ng daan-daang pamilya, ay tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang wetland, na mahalaga sa pagpigil sa pagbaha. Ang mga residente sa nasabing wetland ay …
Read More »Sanggol nabigti sa duyan na nylon
BINAWIAN ng buhay ang isang taon gulang na sanggol nang mabigti sa duyan na yari sa nylon sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat, iniwan ni Rosalinda Abreu ang bunsong si Rovilyn sa kanilang bahay sa Baseco compound sa Tondo upang maghanap ng mahihiraman ng pambili nila ng pagkain. Ibinilin umano ni Abreu ang sanggol sa da-lawa …
Read More »Barangay narco-list inilabas ng PDEA
INILABAS na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon ang listahan ng mga pangalan ng 207 barangay officials na sinasabing protektor at sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa bansa. Sa press conference, tila tuluyang hinubaran ng maskara ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang 90 punong barangay at 117 kagawad na sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa kani-kanilang nasasakupan. …
Read More »‘Ganap’ ‘di kinaya, PCOO exec nagbitiw
NAGBITIW sa tungkulin ang isang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil ‘naguluhan’ sa mga kaganapan sa kagawaran. Batay sa source sa Palasyo, nag-resign bilang assistant secretary for administration si Kissinger Reyes ngunit hindi isinasapubliko ng PCOO. Ang napipisil umanong ipalit kay Kissinger ay si Niño “Bonito” Padilla, isang mamamahayag mula sa DZRH-Cebu. Noong nakalipas na linggo’y nagpunta …
Read More »P60-M DOT ads ‘pinagkitaan’ Tulfos imbestigahan — Duterte
PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinukuwestiyong P60-M bayad sa anunsiyo ng Department of Tourism (DOT) sa People’s Television Network Inc. (PTNI) na napunta sa kompanya ng mga Tulfo. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakarating kay Pangulong Duterte ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa isyu. “I assure you: the Palace will investigate the matter. We cannot of …
Read More »10,000 cops itinalaga sa Labor Day protests
TINATAYANG 10,000 pulis ang nakatakdang ipakalat sa buong Metro Manila para bantayan ang isasagawang kilos-protesta ng mga militanteng grupo sa paggunita sa Labor Day ngayong araw, ayon kay National Capital Region Police Office chief Camilo Cascolan. Sinabi ni Cascolan, karamihan sa mga pulis ay itatalaga sa rally areas, habang ang iba ay magsisilbing special response teams. “More or less 10,000 …
Read More »‘Good news’ ‘di aasahan ng obrero (Ngayong Mayo Uno)
WALANG inaasahang ano mang sorpresang anunsiyo ang labor groups mula sa Malacañang sa Labor Day, pahayag ng lider ng militanteng grupo nitong Lunes. “Wala kaming ina-asahan na pipirmahan niya bukas,” pahayag ni Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis. Ang tinutukoy ni Adonis ang posibilidad na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang exe-cutive order (EO) hinggil sa kontraktruwalisasyon. Magugunitang inihayag …
Read More »San Beda community aarborin si Sister Fox
MAKIKIPAGPULONG ang ilang abogado mula sa San Beda University kay Pangulong Rodrigo Duterte bukas hinggil sa isyu nang pagpapalayas sa bansa kay Sister Patricia Fox. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi niya tiyak kung mababago ang desisyon ng Bureau of Immigration na ipa-deport si Sr. Fox dahil sa paglahok sa mga pagkilos na politikal. Umapela ang Catholic Bishops Conference …
Read More »Negosyante kritikal sa kawatan
KRITIKAL ang isang 59-anyos negosyanteng babae makaraan bugbugin ng hindi kilalang lalaki sa kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Fiel Castro, taga-Brgy. Longos, malubha ang kalagayan sa Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng sugat sa batok at mga suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa ulat nina PO2 Rockymar Binayug at PO2 Junny Delgado, …
Read More »61-anyos laborer natagpuang patay
NATAGPUANG patay ang isang 61-anyos construction worker sa tabi ng creek sa Makati City, kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ernesto Tinio Bihay, residente sa Marylus at M. Dela Cruz streets, Pasay City. Ayon sa ulat ng Makati City Police, natagpuan ang biktima ng isang concerned citizen sa tabi ng isang creek sa panulukan ng Batangas at Valderama streets, …
Read More »Albularyo tiklo sa fetus at baril
RODRIGUEZ, Rizal – Isang albularyo ang nakompiskahan ng mga pulis ng bangkay ng isang 7-buwan gulang na fetus at ilang baril sa kanyang bahay sa bayang ito, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng suspek na si Randy Picardal, 37, dahil sa mga ulat na nagtatago siya ng ilegal na baril, ayon …
Read More »Ulong pinutol ng 2 magsasaka natagpuan na (Sa Maguindanao)
BARIRA, Maguindanao – Makaraan ang isang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad ang mga ulo ng dalawang pinugutang magsasaka sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga. Sabado nang makita ang katawan ng mga biktimang sina Cesar Fermin at Jason Bistas sa isang coconut farm sa Brgy.Gumagadong Calawag sa katabing bayan ng Parang. Nakita ang kanilang mga ulo na nakalapag …
Read More »‘Ninja’ removal sa comfort woman statue pinaiimbestigahan
INIHAYAG ng mga kinatawan mula sa Gabriela Women’s Party nitong Linggo, na maghahain sila ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang estilong “ninja” na pagbaklas sa rebulto ng comfort woman sa Roxas Boulevard. Inihayag ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagkondena ng party-list sa pagbaklas ng rebulto, dahil ito ay tumutukoy sa “obliteration of Japan’s gross and systematic sexual …
Read More »Pagpaslang kinondena ng CBCP
KINONDENNA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpatay kay Father Mark Ventura, isang Catholic priest ng Archdiocese of Tuguegarao, makaraan magmisa sa Gattaran, Cagayan, nitong Linggo. “We are totally shocked and in utter disbelief to hear about the brutal killing of Fr. Mark Ventura, Catholic priest of the Archdiocese of Tuguegarao,” ayon sa CBCP. “Right after celebrating …
Read More »Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa)
TIKOM ang bibig ng Palasyo sa kaso nang pagpatay sa isang pari ilang minuto matapos siyang magmisa sa Brgy. Peña West, Gattaran, Cagayan kahapon ng umaga. “Will post once Spox has reax,” matipid na tugon ni Communications Assistant Secretary Queennie Rodulfo nang tanungin kung ano ang pahayag ni Presidential Adviser on Human Rights at Presidential Spokesman Harry Roque sa pagpatay …
Read More »Deployment ban sa Kuwait mananatili – Duterte (OFWs hinimok umuwi)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na mananatili ang deployment ban o pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait. “The ban stays permanently. There will be no more recruitment, especially for domestic helpers. Wala na,” pahayag ng pangulo pagkalapag sa Davao City makaraan dumalo sa ika-32 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Singapore. Binitiwan …
Read More »P5-B ayuda ng China gagamitin sa OFWs (Sa repatriasyon mula Kuwait)
GAGAMITIN ng administrasyong Duterte ang halos P5 bilyong ayuda ng China sa Filipinas para pauwiin ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait. “Gamitin ko ‘yung pera. Sabi ko, diyan na muna ‘yan. Place it in trust. And once we start to withdraw all Filipinos there in Kuwait, maybe I’ll tell you the result of our intervention in behalf …
Read More »