Saturday , December 6 2025

News

Virtual press briefing ipatutupad ng Palasyo

VIRTUAL press briefing ang idaraos ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo sa Mala­cañang Press Corps simula ngayon. Inihayag ito ng Office of the Presidential Spokes­person kahapon. Ibig sabihin, hindi na kailangan magpunta ni Panelo sa Malacañang bagkus ay maaaring sa kanyang bahay na lamang makapanayam sa pamamagitan ng video call. Naging kapansin-pansin na nakasuot na rin ng face mask si Panelo …

Read More »

Duterte sa NPA: Ceasefire tayo (Social distancing hiling ni Digong)

HUMILING ng ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA) habang nararanasan sa bansa ang coronavirus disease (COVID-19). Sa kanyang public address kagabi nang ideklara ang Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na sumunod sa social distancing sa pamamagitan ng pagdistansya sa mga sundalo o huwag umatake. Hirit ng Pangulo sa …

Read More »

Social distancing, no touch policy mahigpit na ipatutupad sa Pangulo

MAHIGPIT na ipinatu­tupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” at pananatilihin  ang 10-meter distance sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng audience sa mga pagtitipon na kan­yang dadaluhan. Para sa mga pri­badong functions at meetings, tanging ang mga nagpasuri at negatibo sa COVID-19 ang papayagang lumapit sa Pangulo. Ang mga tao na hindi pa nagpapasuri ay …

Read More »

Senator Migz Zubiri positibo sa COVID-19

INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na positibo si Senador Miguel Zubiri sa coronavirus (COVID-19). Ikinagulat ni Duque ang pagkahawa ni Zubiri na ngayon ay naka-quarantine upang hindi mahawa ang kanyang asawa at anak. Nagtataka umano si Zubiri, sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawa siya ng COVID-19. Pinayohan ng Sena­dor ang mga kababayan na mag-ingat at uminom ng …

Read More »

Kamara may 2nd covid 19 victim

congress kamara

MATAPOS mamatay ang isang empleyado ng Kamara kamakalawa, nagkaroon muli ng isa pang biktima ang Covid 19 sa Batasan Complex, iniulat kahapon. Ayon sa isang source, ang pangalawang bikti­ma ay nagtatrabaho sa isang kongresista. Humingi ng pana­langin ang mga kamag­anak dahil malubha ang kalagayan ng pasyente. Sa kabila nito, hini­mok ni Albay Rep. Joey Salceda na magkaroon ng ‘total lockdown’ …

Read More »

Sa kabila ng masalimuot na Metro Manila ‘community quarantine’… Luzon-wide ‘lockdown’ idineklara ni Duterte

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘lockdown’ ang buong Luzon sa layuning makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong kapuluan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang kahulugan ng Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, lahat ng tao ay kailangang nasa loob ng kanilang bahay. Ang deklarasyon ng Pangulo ay ginawa, sa panahon na mainit na pinag-uusapan ang …

Read More »

Mag-asawa sa 3 COVID-19 patient sa Cainta pumanaw na

KINOMPIRMA ni Cainta Mayor Keith Nieto na binawian ng buhay ang mag-asawang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-2019) matapos ang ilang araw na nailipat sa Research Institute for Tropical Medicine ng Department of Health (DOH). Aniya, nakatira ang mag-asawa sa Filinvest Subdivision sa bayan ng Cainta, sa lalawigan ng Rizal, at kasalukuyang binabantayan ang apat nilang anak. Dagdag ni Mayor Kit, …

Read More »

Para makaiwas sa COVID-19… Bulakeños nagpalipas ng ‘lockdown’ sa bundok

NAGDESISYON ang mara­ming Bulakenyong magpunta sa mga kabun­dukan na malayo sa Metro Manila matapos ideklara ang ‘lockdown’ sa kabi­serang rehiyon. Karamihan sa kanila ay umakyat sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan, na may simple at maaliwalas na kapaligiran, upang doon magpalipas ng araw habang may lockdown upang makaiwas corona­virus o COVID-19 na patuloy na kumakalat …

Read More »

Dahil sa banta ng COVID-19… Religious pilgrimage sa Bulacan pansamantalang ipasasara

BALAK ng local govern­ment ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan na pansa­manta­lang ipasara ang mga religious pilgrimage place sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19. Ilan sa mga simbahan sa naturang lungsod ang madalas na binibisita ng mga deboto tuwing Mahal na Araw. Ayon kay SJDM City Mayor Arthur Robes, kabilang sa ipasasara muna ang …

Read More »

Provincial quarantine facility sa Bulacan, inirekomenda ni Governor Fernando

DANIEL FERNANDO Bulacan

INIREREKOMENDA ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan na magkaroon ng Provincial Quarantine Facility sa Bulacan para sa persons under monitoring (PUM) o mga taong may history of travel o history of exposure ngunit hindi kinakikitaan ng sintomas bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19. Aniya, ang pasilidad ay isang paraan upang maiwa­san ang exposure sa COVID-19 sa kanilang mga kapamilya na …

Read More »

Mungkahi ng Bulacan lady solon… Hotels, motels, inns, apartelles gawing ‘halfway home’ ng mga manggagawa sa NCR

HINIMOK ni Rep. Rida Robes ng San Jose Del Monte City na gawing pansamantalang tirahan ng mga manggagawa sa Metro Manila ang mga hotel, motel, apartelle at inns na gagamitin pansamantala habang ipinapatupad ang community quarantine. Ayon kay Robes, maaaring makipag-uganayan ang gobyerno sa mga establisimiyento upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa araw-araw na biyahe mula sa Metro …

Read More »

Obrero, kawani nanawagan… Ayuda kontra COVID-19 hindi ‘martial law’

NAALARMA ang mga manggagawa sa tila pag­balewala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaambang malawa­kang kagutu­man na kanilang mara­ranasan kasunod ng kautusang Metro Manila lockdown dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Sa kalatas, sinabi ni Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) Secretary General Manuel Bac­lagon, nakababahala ang pagbubulag-bulagan sa epekto sa kalusugan at ekonomiya ng masang Filipino, lalo sa …

Read More »

Kois negative sa COVID-19

NEGATIBO ang resulta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos ang ilang araw nitong official business trip sa United Kingdom. Sa abiso ng Manila Public Information Office, lumabas ang resulta ng lab test ng alkalde kaha­pon ng tanghali 15 Marso. Bukod kay Isko, negatibo rin ang kanyang chief of staff na si Cesar …

Read More »

All systems go for MORE power — ERC

TAPOS na ang pro­blema sa supply ng koryente sa Iloilo City at makaaasa ang libo-libong residential, com­mercial at industrial power users ng tuloy tuloy na serbisyo mula sa bagong Distribution Utility na More Electric and Power Corp., (MORE Power). Sa isang statement na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) sinabi ni Chair­person Agnes Deva­nadera, tuluyan nang natuldukan ang isyu sa …

Read More »

Sa 30-araw ‘lockdown’… Walang namamatay sa gutom — Panelo

“WALANG namamatay sa gutom. Ang isang buwan (pagkagutom) ay hindi pa nakamamatay.” Ito ang buwelta ng Palasyo sa mga batikos laban sa ipinatutupad na isang-buwang lockdown sa National Capital Region (NCR) dahil posi­bleng mamamatay sa gutom ang masa at hindi sa kinatatakutang corona­virus disease (COVID-19). Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi totoo na may namamatay sa gutom sa loob …

Read More »

Sa unang araw ng community quarantine… Checkpoints inilatag ng NCRPO

INILATAG ang mahigpit seguridad sa checkpoints at control points ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasama ang nasasakupan ng Southern Police District (SPD), epek­tibo na kahapon ang com­munity quarantine sa buong Metro Manila. Sinabi ng tagapagsalita ng SPD na si P/Major Jaybee Bayani, nasa kabuuang 5 checkpoints at 13 control points ang nakalatag sa katimugang bahagi ng Metro Manila …

Read More »

Mall operations sa MM binawasan

Metro Manila NCR

IPINATUPAD ng malalaking mall sa Metro Manila ang pagbabago sa oras ng kanilang operasyon dahil sa umiiral na community quarantine sa rehiyon upang kontrolin ang pagkalat ng COVID-19. Ayon kay Metro Manila Council chair Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ipatutupad ang adjusted mall hours mula 11:00 am hanggang 7:00 pm lamang simula kahapon, Marso 15. Ang nasabing adjustment ay inihayag …

Read More »

Bagong oras ng curfew ipinatupad sa Maynila

NAGPATUPAD na ng bagong oras ng curfew ang lungsod ng Maynila. Sa isinagawang Special session ng Manila City Council, pinahaba ang curfew hours sa Maynila mula 8:00 pm hanggang 5:00 am. Alisunod ito sa kautusan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) at sa pinaiiral na community quarantine sa Metro Manila. Kinompirma ni …

Read More »

Nag-iisang distributor ng koryente sa Iloilo City… ERC tumindig pabor sa More Power

NANINDIGAN ang Energy Regulatory Com­mission (ERC) na ang More Electric and Power Corp (More Power) ang nag-iisang distribution utility sa Iloilo City na may legislative franchise gaya ng itinatakda ng batas at nag-iisang kompanya na inisyuhan nila ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng koryente sa buong Iloilo City. Ayon kay ERC Chair­man Agnes Devanadera, kahit …

Read More »

Kahit sa China nagsimula… Duterte pasasaklolo sa Beijing vs CoViD-19

KAHIT sa Wuhan, Hubei, China nagsimula ang coronavirus disease na prehuwisyo sa iba’t ibang panig ng mundo, magpapasaklolo si Pangu­long Rodrigo Duterte sa Beijing para kontrolin ito kapag lumala ang sitwasyon sa Filipinas. Sa kanyang public address kagabi sa Pala­syo, tiniyak ni Pangulong Duterte, ang ayuda ng China ang kanyang hihili­ngin kapag nagkaroon ng public disturbance dulot ng COVID-19 imbes …

Read More »

Guest nagpositibo sa COVID-19… Lockdown sa Wack Wack ipinatupad

NAGBABA ng lockdown ang Wack Wack Golf and Country Club sa lungsod ng Mandaluyong simula kahapon, 11 Marso, matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-2019 ang isang banyagang guest ng isa sa mga miyembro nang makauwi sa Singapore. Sa isang sulat na ipinadala ng Wack Wack sa kanilang mga miyem­bro noong Martes, 10 Marso, sinabi ng Presi­dente nitong si …

Read More »

Energy committee ni Velasco butata (P46-B makokolekta ng ibang House committees sa power firms)

MISTULANG etsa­puwera at inilampaso si House Committee on Energy Chairman Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ng House Committee on Public Accounts and Public Accountability at House Committee on Good Government nang makakolekta ng P46 bilyones sa mga utang ng power firms mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM). Kahapon, itinuloy nina House Committee on Public Accounts and Accountability …

Read More »

COVID-19 test kits sagot ng PhilHealth

SAGOT ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng paggamit ng coronavirus 2019 (Covid-19) test kits sa mga ospital upang maibsan ang agam-agam ng publiko. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang COVID 19 tests sa mga ospital ay sasak­lawin ng PhilHealth, bukod pa sa gastusin para sa quarantine at isolation. “Batid ng Pangulo ang pag-aalala ng taong bayan …

Read More »

State of Public Health Emergency idineklara ni Digong

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency matapos lagdaan ang  Proclamation 922 ilang oras matapos iulat ng mga awtoridad ang karag­dagang sampung kompirmadong kaso ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. Sa sampung nakom­pir­mang kaso, pito ay nasa pagamutan, dalawa ay gumaling na, habang isa ang namatay, na nabatid na isang turistang Chinese. Inilabas ang …

Read More »