Thursday , June 4 2026

2 big time tulak timbog Quiapo sa drug bust

DINAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Manila Police District (MPD) ang dalawang big time drug pusher makaraang makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isinagawang buy bust operation kahapon sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang suspek na sina Casmir Caris, alyas Mimi, 36 anyos, tubong Lanao del Sur; at Montiyah Madaya, alyas Mhon, 38, kapwa residente sa Barangay 384, Zone 39, Quiapo, Maynila.

Dakong 5:15 pm, nitong 23 Hunyo, agad nakipag-ugnayan ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Tondo PS2 kay MPD PS3 commander, P/Lt. Col.  Reynaldo Magdaluyo para sa buy bust operation laban sa dalawang suspek sa Norzagaray St., Barangay 384, Zone 39, Quiapo.

Makaraang makabili ng halagang P26,000 shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa dalawang tulak, inaresto ang mga suspek

Nakuha sa dalawa ang karagdagang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ag dalawang suspek.  (ALMAR DANGUILAN/BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …