Thursday , June 1 2023

Universal Healthcare Law ipaglalaban ni Sen. Bong Go

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanan na ipaglalaban niya ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Law sa kabila ng concerns sa batas na awtomatikong  nag-i-enrol sa lahat sa PhilHealth National Health Insurance Program.

Sinabi ni Go, ipaglalaban niya ang naturang batas dahil mahalaga ang kalusugan ng lahat lalo ngayong nahaharap ang bansa sa pandemyang COVID-19.

Tiniyak ng Senate committee on health chairman sa mahigit 6-milyon senior citizens  na mayroon nang pina-follow up na budget na P4 bilyon para mai-release na magko-cover sa kanilang PhilHealth.

Ito ang gagamitin para sa isang taong PhilHealth insurance premium ng  800,000 senior citizens na magiging malaking ginhawa sa kanila.

Binigyang diin ni Go, bilang vulnerable sector, sa panahon ng pandemya ay kailangan tutukan ng gobyerno ang kalusugan ng nasabing sektor na dating nagsilbi para sa ikauunlad ng bansa.

Matatandaan, nakapaloob sa Republic Act No. 10645, lahat ng senior citizens ay covered ng National Health Insurance Program ng PhilHealth.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *