Saturday , January 11 2025

News

State visit ni Xi Jinping turning point sa PH-China relations

xi jinping duterte

TURNING point sa Fili­pi­nas at China ang dala­wang araw na pagbisita sa bansa ni Chinese Pre­sident Xi Jinping. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo, ito ang magla­lagay ng selyo sa magan­da nang relasyon ngayon ng dalawang bansa. Ayon kay Panelo, ang kauna-unahang state visit ng  isang Chinese leader mula noong 2005 o maka­lipas ang 13 taon ay tanda ng special …

Read More »

PECO ibasura — Subscribers (Hiling kay Duterte, sa Senado at sa Kamara)

UMAPELA kahapon ang ilang residente ng Iloilo City kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa Senado, at sa House of Representatives na ang boses ng mga consumer ang pakinggan at tuluyan nang ibasura ang apela ng Panay Electric Company (PECO) para sa kanilang legislative franchise renewal. Sigaw ng mga resi­dente, kung hindi pa sapat ang mga inilahad nilang reklamo laban sa PECO sa …

Read More »

Koryente sa Iloilo ‘overcharged’

PINAKAMAHAL sa buong bansa ang singil ng elektrisidad ng Panay Electric Company(PECO) sa Iloilo City higit sa distribution utility na Manila Electric Company (Meralco) batay sa isinagawang paghahambing ng electricity rates na isina­gawa ng isang non-govern­mental orga­n­i­zation (NGO). Ayon kay Ted Aldwin Ong ng Freedom from Debt Coalition, taon 2010 nang una silang magsa­gawa ng comparative study sa singil ng …

Read More »

GRO ‘di natikman videoke bar niratrat 4 patay (Sa Cagayan)

APAT katao ang patay makaraan pag­babarilin ng mga suspek ang isang videoke bar nang hindi pumayag na makipagtalik sa kanila ang isang GRO sa bayan ng Lal-lo sa lalawigan ng Cagayan, kamakalawa. Sa kuha ng CCTV, kilala na ang mga suspek sa pamamaril, ayon sa ulat ng mga pulis kaha­pon. Nakita sa CCTV, ka­ga­galing ng mga suspek sa videoke bar …

Read More »

Palawan ‘di magiging lunsaran ng US-China war

SINGAPORE – Hindi maka­papayag si Pangulong Ro­drigo Duterte na maging lun­saran ng armadong tung­galian ng US at China ang West Philippine Sea. Ito ang pangunahing dahilan kaya walang pina­yagan na bansa si Pangu­long Duterte na gamiting imbakan ng kanilang armas ang Palawan, ayon kay Pre­sidential Spokesman Salva­dor Panelo. Naniniwala aniya ang Pangulo na mas makabubuti na pairalin ang diplomasya sa …

Read More »

PH nakahanda bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations

SINGAPORE -Nakahanda ang Filipinas na gampanan ang papel bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations hanggang 2021. Sa kanyang ‘intervention’ sa working dinner kamakalawa ng gabi ng ASEAN Leaders, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “committed” ang Filipinas na makipagtrabaho sa lahat ng sangkot na partido tungo sa makabuluhang negosasyon at maagang konklusiyon ng Code of Conduct sa South China …

Read More »

Suporta sa ASEAN tiniyak ni Duterte (Sa ayuda sa Rakhine state)

SINGAPORE –  Ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa mga ginagawang hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian assistance para sa mga apektadong komunidad ng Rakhine state. Sa ‘intervention’ ng Pangulo sa isinagawang working dinner kasama ang iba pang ASEAN leaders, hinikayat ng Pangulo ang kanyang mga kapwa lider na, magtulungan upang ugatin ang pinagmulan ng karahasan sa …

Read More »

6 todas sa bus vs trike (Sa Digos City)

road accident

ANIM ang patay maka­raan bumangga ang sina­sakyan nilang tricycle sa isang bus sa Digos City, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon kay Supt. Deo­zar Almasa, hepe ng Digos City Police, magka­kapamilya ang mga namatay sa insidenteng nangyari sa national highway ng Brgy. Cogon. Papunta sa bayan ng Sta. Cruz ang mag-anak na sakay ng tricycle ha­bang patungong Digos ang bus nang …

Read More »

Vice mayor, aide patay sa ambush sa La Union (Mayor sugatan)

dead gun police

PATAY si Balaonan, La Union Vice Mayor Alfred Concepcion habang suga­tan ang anak niyang si Mayor Aleli Concepcion makaraan pagbabarilin habang lulan ng kanilang sasakyan, nitong Miyer­koles ng umaga. Samantala, hindi uma­bot nang buhay sa pagamutan ang body­guard nilang si Mike Ulep. Ayon sa ulat ng pulisya, papunta sa munisipyo ang alkalde at bise alkalde bandang 8:00 ng umaga nang …

Read More »

Bebot pinilahan ng 9 kapwa Chinese nat’l (Sa Muntinlupa hotel)

rape

NADAKIP ang limang Chinese national habang pinaghahanap ang apat iba pa makaraang halin­hinang gahasain ang isang babaeng kapwa Chinese sa isang hotel sa Mun­tinlupa City, noong Martes. Sa tulong ng interpre­ter, ikinuwento ng bik­timang babae, 26-anyos, ang umano’y panghaha­lay sa kaniya ng walong lalaki at isang babae. Katrabaho umano ng biktima ang mga suspek sa isang call center at magkakatabi …

Read More »

Bagitong lady cop ginahasa ng police training officer

ISANG bagitong baba­eng pulis ang ginahasa umano ng kaniyang ins­tructor na pulis habang nasa training center sa Puerto Princesa City, Palawan. Ayon sa ulat, naga­nap ang insidente sa loob ng Joint Maritime Law Enforcement Train­ing Center sa Puerto Princesa, na kabilang ang biktima sa kumu­kuha ng maritime troo­per course. Kinilala ang suspek na si PO3 Jernie La­nguian Ramirez, na nagsisilbing …

Read More »

‘Palit-puri’ kinondena ng Tanggol Bayi

sexual harrassment hipo

INAKUSAHAN ng Tanggol Bayi,  aso­sa­syon ng mga babaeng tagapagtangol ng kara­patang pantao, ang Armed Forces of the Philippines at Philip­pine National Police sa walang humpay na pag­labag sa karapatan ng mga kababaihan sa gitna ng kampanya la­ban sa rebelyon. Ayon kay Geri Ce­rillo, Tanggol Bayi co­ordinator, sangkot ang mga sundalo at mga pulis sa mga kalupitan laban sa kababaihan. “The …

Read More »

Panalo ng Pinay autism advocate karangalan ng PH — Duterte (Sa ASEAN Prize 2018)

Duterte Erlinda Uy Koe ASEAN Autism Network

SINGAPORE – Malaking karangalan para sa Filipi­nas ang pagkaka­panalo ng Filipina na si Ms. Erlinda Uy Koe ng ASEAN Society Philip­pines at ng ASEAN Autism Network (AAN), sa ASEAN Prize 2018, ayon kay Pangulong Ro­drigo Duterte. Si Ms. Koe ay gina­waran ng premier award sa Opening Ceremony ng 33rd ASEAN Summit and Related Summits sa Singapore kahapon. Mismong si ASEAN …

Read More »

Bonus, cash gift ng gov’t workers kasado na

MATATANGGAP na ng mga kawani  ng gobyerno sa buong bansa simula ngayon, ang kanilang 14th month pay o year-end bonus, maging ang kanilang cash gift. Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buong suweldo ng mga kawani habang ang cash gift ay P5,000. Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diok­no, ang year-end bonus at cash gift alinsunod sa budget circular no. …

Read More »

Excise tax suspendido sa 2019 (Aprub kay Digong)

Duterte Oil Excise Tax Suspended

PASADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang reko­men­dasyon ng kaniyang economic managers na suspendehin ang pag­papataw ng dagdag na dalawang piso sa excise tax ng produktong pe­trolyo sa susunod na taon. Ito ang nakasaad sa memorandum ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea kay Finance Secretary Carlos Do­minguez. Ayon kay Budget Secre­tary Benjamin Dok­no, magandang ba­lita ito dahil maka­tu­tulong para maiwasang sumirit pa …

Read More »

Recall ng plakang 8 iniutos

INIUTOS ni House speaker Gloria Maca­pa­gal-Arroyo kahapon ang pagbabalik ng lahat ng plakang 8 na ibinigay sa mga miyembro ng Kama­ra matapos ang insidente ng road rage sa Pam­panga na kinasangkutan ng isang sasakyan na gumagamit ng plakang 8. Ayon kay Majority Leader Roland Andaya, Jr., nag- isyu ng memo­randum ang Secretary General ng Kamara sa lahat ng miyembro na …

Read More »

‘Road rage’ suspect arestado (Driver ng FJ Cruiser ‘8’)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Ares­tado ang suspek sa viral road rage na gumagamit ng plakang 8, makaraan manapak ng isang lalaki sa Angeles City, kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay PRO3 director, C/Supt. Ama­dor Corpus, nadakip ang suspek na si Jojo Valerio y Serafico, 30, business­man/singer, residente sa Morris St., North Delton Communities, Quezon City, sa ikinasang hot pursuit operation nang …

Read More »

Apela ng consumer groups: P8 PASAHE IBALIK (Presyo ng bilihin ibaba)

NANAWAGAN ang ilang grupo na ibaba ang pasahe at presyo ng mga bilihin kasunod nang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalimang sunod-sunod na ling­go.  Naghain nitong Lunes ang United Filipino Con­su­mers and Commuters (UFCC) sa Land Tran­s-portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng petisyong ibalik sa P8 ang pasahe sa jeep dahil sa patuloy na pagbaba ng …

Read More »

Ginang tigbak sa saksak (‘Di nagpautang ng alak)

Stab saksak dead

PATAY ang isang ginang makaraan pagsa­sak­sakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang bik­timang si Gina Peru, 47, residente sa Brgy. Perez sa nabanggit na bayan. Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Julius Victorino, 28, residente  rin sa nasabing lugar. Ayon kay Supt. Santos Mera, …

Read More »

Malacañang employee timbog sa ‘sextortion’

Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

ARESTADO ang isang empleyado ng Mala­cañang Palace  sa iki­nasang entrapment ope­ra­tion ng mga awtoridad makaraan pagbantaan ang dating girlfriend na ia-upload ang kanilang sex video at mga hubad na retrato kapag hindi naki­pagkita sa kanya sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi. Dakong 7:30 pm nang madakip ang suspek na si alyas Romel, 40-anyos, support officer ng Citizen Complaint Hotline sa …

Read More »

Kamara susunod sa hatol ng Sandiganbayan — solon

Imelda Marcos

TATALIMA ang Kamara sa pasya ng Sandi­gan­bayan patungkol sa hatol nito kay dating First Lady at ngayon ay Leyte Rep. Imelda Romualdez Mar­cos. Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, rerespetohin ng Kamara ang desisyon ng Sandiganbayan. “While there are remedies available to all persons under our cri­minal justice system including but not limited to provisional remedies and appeal, the …

Read More »

Keanna Reeves arestado sa cyber-libel

Keanna Reeves

ARESTADO sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang aktres at kome­dyanteng si Keanna Reeves dahil sa reklamong cyber-libel, nitong Lunes. Ayon kay C/Insp. Cyrus Serrano, hepe ng CIDG sa Laguna, inaresto si Reeves, Janet Derecho Duterte sa tunay na buhay, sa Scout Ybar­dolaza, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria …

Read More »

Desisyon ng SC sa Filipino, Panitikan sa kolehiyo iaapela

CHED

WALANG naganap na public hearing at hindi rin kinonsulta ng korte ang mga grupong eks­perto sa wikang Fili­pino. ‘Yan ang ilan sa rason kung bakit iaapel ng grupong Tanggol Wika ang desisyon ng Korte Suprema na nag­ta­tanggal sa Filipino at Panitikan bilang “core subjects” sa kolehiyo. Sinabi ni David Mi­chael San Juan, convener ng grupo, importanteng mapanatili ang dala­wang subject …

Read More »

Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking

BIGO ang namumuong ‘diskarte’ sa bidding pro­cess sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng armas at mga kagamitan ng pulisya. Ibinunyag ito ng ilang bidder na hanggang nga­yon ay desmayado sa kanilang natuklasan. Anila, sa 11th hour matapos makapagsumite ng mga dokumento ang bidders, biglang  nadis­kubreng may nakasingit na ‘documentary re­quirements’ o ‘additional requirements’ sa bidding process na …

Read More »

Road rager na naka-“8” FJ Cruiser tugisin — Andaya (PNP, LTO dapat kumilos)

DAPAT kumilos ang Philippine National Police (PNP) at ang Land Transportation Office (LTO) para hanapin kung sino ang sangkot sa insidente ng road rage, imbuwelto ang isang FJ Cruiser na may plakang “8.” Ayon kay House majority leader Rolando Andaya III maraming mga kongresista ang nanawagan sa liderato ng Kamara na hanapin kung sino ang taong sangkot dito. “There are …

Read More »