Saturday , January 29 2022

LSI’s mula sa high-risk areas bawal pumasok sa Caticlan Port

IPINAGBAWAL ang pagpasok sa Caticlan Port, ang pangunahing gateway patungong isla ng Boracay, sa bayan ng Malay, Aklan ng mga locally stranded individuals (LSI) mula sa mga lugar na mataas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) kabilang ang Metro Manila at lalawigan ng Cebu.

 

Kinompirma ni Malay Mayor Frolibar Bautista na naglabas siya ng executive order alinsunod sa desisyon ni Aklan Governor Florencio Miraflores na paigtingin ang screening ng mga LSI upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

 

Ani Bautista, papayagan lamang nilang makapasok sa Caticlan ang mga LSI na may kaukulang dokumentong medikal at galing sa mga moderate at low risk na lugar.

 

Kabilang rito ang mga dokumentong nagsasaad ng negatibong resulta ng swab test, travel authority mula sa IATF, at certificate of acceptance mula sa lokal na pamahalaan o barangay na patutunguhan ng LSI.

 

Isa ang Caticlan Port sa mga pangunahing pier sa isla ng Panay na nagsisilbing daungan ng mga roll-on, roll-off (RoRo) vessel.

 

Nagpapatupad ng mas mahigpit na hakbang ang mga lokal na awtoridad dahil sa pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 mula sa mga umuuwing LSI.

 

Samantala, gusto rin umanong matiyak ni Bautista na walang sinumang tatakas papasok ng isla ng Boracay nang walang kaukulang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.

 

About hataw tabloid

Check Also

abs cbn

 ABS-CBN pinaghati-hatian na

I-FLEXni Jun Nardo PINAGHATIAN na ang iba pang broadcast frequencies na hawak dati ng ABS-CBN. Unang …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

NBI Landbank

NBI pasok sa ‘Landbank theft’

PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga insidente ng pagnanakaw sa payroll …

012822 Hataw Frontpage

BBM DISQUALIFIED
Yes vote ni Guanzon ayaw bilangin ng Comelec

NANINIWALA si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may mahiwagang kamay na kumukumpas …

electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas …

Leave a Reply