Saturday , January 11 2025

News

Negosyante utas sa ambush sa Subic, Bodyguard sugatan

dead gun police

CAMP OLIVAS, Pampa­nga – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kaniyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng isang armadong lalaking lulan ng motorsiklo sa tinu­tulu­yang hotel sa Subic Freeport Zone, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang napatay na si Dominic Sytin, 51, nakatira sa 45 Swallow Drive, Green Meadows, Quezon City, prominenteng negosyante. Habang suga­tan ang kaniyang body­guard na si Efren …

Read More »

Lizada ng LTFRB inilipat sa CSC

Aileen Lizada LTFRB CSC

INILIPAT ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating LTFRB spokesperson Aileen Lizada. Sa inilabas na ap­point­ment paper ng Pa­lasyo, itinalaga ni Pangu­long Duterte si Lizada bilang commis­sioner ng Civil Service Commission (CSC). Si Lizada ay mag­sisilbing commissioner ng CSC, na may terminong magtatagal hanggang 2 Pebrero 2025, kapalit ni Robert Martinez. Matatandaan, nag­bitiw bilang tagapag­salita ng LTFRB si Lizada dahil sa …

Read More »

Tulong ni SGMA hiniling sa paglaya ni Ka Satur et al

Satur Ocampo GMA Gloria Macapagal-Arroyo

NANAWAGAN sina Gabriela Rep. Arlene Brosas at Emmi de Jesus kay House Speaker Glo­ria Macapagal-Arroyo na gumawa ng paraan para sa agarang paglaya nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro. Sina Castro, Ocam­po at 72 pang iba ay hinuli ng mga pulis sa Talaingod, Davao del Norte. Sina Castro, Satur, at ang iba pang mga indibiduwal …

Read More »

3 pulis-Caloocan sa Kian’s slay guilty sa murder

“GUILTY of murder beyond reasonable doubt” ang hatol laban sa tatlong pulis-Caloocan dahil sa pagpatay sa menor- de-edad na si Kian delos Santos, kasabay ng mala­wakang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Base sa desisyon ni Judge Rodolfo Azucena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125, ang mga akusadong sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jere­mias Pereda at PO1 …

Read More »

Dagdag-buwis sa petrolyo tuloy sa Enero (Suspensiyon binawi)

BINAWI ng administrasyong Duterte ang naunang  pahayag na suspen­dehin ang dagdag na buwis sa langis sa susunod na taon. Sa ipinatawag na press briefing ng Depart­ment of Finance, inia­nunsiyo ni Finance Secretary Carlos Domi­nguez na itutuloy na ang pagpapataw ng dagdag na dalawang piso sa kada litro ng langis simula Enero 2019. Katuwiran ni Domi­nguez, hindi nakikita ng Development Budget …

Read More »

Babae nakipag-sex sa 20 multo

HINDI inaasahang humantong sa tunay na pag-ibig ang itinuring na fling ng isang dalagang Englishwoman sa sinasabi niyang isang Australian ghost. Sa katunayan, para mapatunayan na totoo ang kanyang karanasan, sinabi ng dalagang si Amethyst Realm, 30-anyos, ng Bristol, England, na inalok na siya ng kasal ng kanyang multong kati­pan — at nais niyang ihayag ito sa buong mundo. Ayon …

Read More »

Socmed accounts ‘pakikialaman’ — Lacson (Sa bagong terrorism bill)

BINIGYANG-DIIN ni Senator Ping Lacson na may panukala na isama sa tinatalakay na Anti-Terrorism Bills sa Senado, ang pagbabantay sa social media accounts. Ayon kay Lacson, posible ang panukala kung igigiit ng gobyerno ang ‘police power.’ Ngunit sinabi ni Lacson, kailangan ng ibayong pag-iingat dahil maaaring magkaroon ng paglabag sa “freedom of speech” o “freedom of expression.” Aniya, terorismo ang …

Read More »

3 Opisyal ng samahan itinumba sa Malabon

dead gun police

PATAY ang presidente ng homeowners association at dalawang opisyal ng isang samahan maka­raang pagbabarilin ng apat hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa hapon. Agad namatay sa pa­mamaril ang mga bikti­mang sina Marcos de Leon, 51, presidente ng Flovihomes Homeowners Association ng Brgy. Tonsuya, at Eduardo Esternon alyas Mico, nasa hustong gulang, adviser ng Arya Progresibo, resi­dente sa Dulong …

Read More »

P1-B areglohan sa Smokey ibinasura ng CA

IBINASURA ng Court of Appeals ang nauna nitong kautusan na mediation talks para sa settlement ng mga kasong may kaugnayan sa claims ng developer ng napurnadang Smokey Mountain project sa Tondo laban sa National Housing Authority. Ang hakbang ng CA ay kasunod ng babala mula sa government corporate counsel laban sa posibleng mapan­linlang na pagbabayad ng P1.1 bilyon ng NHA …

Read More »

ROTC revival hindi sagot, NSTP palakasin — Sen. Bam (Pagbabalik ng ROTC hungkag na kilos para sa pagkamakabayan)

ISUSULONG ni Senador Bam Aquino ang reporma at pagpapalakas sa National Service Training Program o NSTP imbes ibalik ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa Grade 11 at Grade 12. Ayon kay Senador Bam, maganda ang layunin ng NSTP nang ipatupad ito sa ilalim ng Republic Act 9163 noong taong 2000 dahil inoobliga rin ng estado ang college students, babae …

Read More »

BI, DOLE ginisa sa Senado (Chinese illegal workers dagsa)

GINISA ng ilang sena­dor ang Bureau of Immigration (BI) at ang Department of Labor and Employment ( DOLE) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Labor, sa pangunguna ni Senador Joel Villanueva, ukol sa pagdagsa ng Chinese illegal workers sa bansa. Ayon sa pagdinig, base sa pag-amin ni DOLE Usec. Ciriaco Lagunzad, umabot sa 150,652 Chinese ang nag-apply sa kanila …

Read More »

Bilibid ililipat — Faeldon

nbp bilibid

NAUPO na bilang ba­gong director ng Bureau of Corrections (BuCor) kahapon si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon at inihayag na sa susunod na tatlong taon ay tatanggalin na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sinabi niya ito sa harap ng mga kawani ng BuCor nang dumalo siya sa kanyang unang flag ceremony. Aniya, ang pagliilpat …

Read More »

Oral argument hamon ng Tanggol Wika sa SC (Sa isyu ng tanggal wikang Filipino at Panitikan)

Filipino Panitikan CHED

HALOS 10,000 guro ang maaapektohan kung tuluyang ipatu­tupad ng Commission on Higher Education (CHED) ang pinagtibay ng Korte Suprema na Memoramdum 20 na nag-aalis sa Panitikan at Wikang Filipino sa kolehiyo. Mariin itong tinu­tulan ng Tanggol Wika at ng ACT Teacher Party-list kaya nagsu­mite sila sa Korte Su­prema ng motion for reconsideration sa kata­as-taasang huku­man at humiling na magsagawa ng …

Read More »

Usec pa sisipain ni Duterte

ISA pang undersecretary ang sisibakin ni Pangu­long Rodrigo Duterte, pagbalik niya sa Maynila. Sa kaniyang talum­pati sa Davao City bulk water supply project construction sa Brgy. Gumalang sa Davao City kahapon, sinabi ng Pa­ngulo na isang under­secretary ang tatanggalin niya sa puwesto pagbalik niya sa Maynila. Galit na sinabi ng Pangulo na dapat ma­pag­tanto ng mga opisyal ng gobyerno na …

Read More »

‘Ulo’ ng NHA sibakin (Kasunod ng HUDCC chief)

DAPAT sibakin din ni Pangulong Duterte ang pinuno ng National Housing Authority (NHA) matapos masisante ang isang mataas na housing official noong isang linggo, hiling  ng grupo ng executives ng ahensiya at miyembro ng employees union kahapon. Ayon sa mga opisyal ng Consolidated Union of Employees ng NHA, ‘kabaro’ ni general man­a-ger Marcelino Escalada ang nasibak na si Housing and …

Read More »

Tama na magsara na kayo! (Iloilo consumers sa PECO)

UMAPELA ang City Council at ang mga residente ng Iloilo sa Panay Electric Company (PECO) na tang­gapin na ang katotohanan na hindi na ire-renew ng Kongreso ang ka­nilang prankisa. Hayaan na nila ang maayos na paglilipat ng operasyon sa bagong distribution utility sa nga­lan na rin ng con­su­mers na matagal nang nagtitiis sa kanilang pal­pak na serbisyo. “Enough is enough, Mr. …

Read More »

2009 Ampatuan massacre hahatulan na (Conviction asam ng kaanak ng mga biktima)

Ampatuan Maguindanao Massacre

UMAASA ang mga ka­nak ng 58 katao na napatay sa itinuturing na pinaka-karumal-dumal na krimen sa kasaysayan ng bansa, para sa ‘con­viction’ sa lahat ng mga akusado sa 2009 Ampa­tuan massacre. Nakatakdang desi­s-yonan ng Quezon City court ang kaso laban sa mga miyembro ng Ampa­tuan clan at maraming iba pa makaraang ihain ng primary suspect na si Andal Ampatuan, Jr., …

Read More »

HUDCC sec-gen sinibak ni Digong

Falconi Millar HUDCC Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Hou­sing and Urban Develop­ment Coor­dinating Coun­cil (HUDCC) Secretary General Falconi Millar dahil sa korup­siyon. “There are no sacred cows in the Admi­nistration, especially in its drive against cor­ruption. As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government. The Palace is announcing the ter­mina­tion of …

Read More »

Braso ng piloto bali, solon, sec-gen sugatan (Helicopter bumagsak sa bangin)

ISANG mambabatas ang sugatan habang nabalian ng braso ang isang piloto at maraming iba pa ang nagalusan makaraan mag-crash landing sa bangin ang sinasakyang helicopter sa bayang ito, nitong Huwebes. Nagalusan si COOP-NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo, ayon sa paunang ulat mula sa kaniyang chief of staff na si Rene Buendia. Nasugatan sa ulo at nabalian ng braso ang piloto …

Read More »

PECO franchise ‘ibinasura’ ng Ilongos — Enrique Razon

HINDI naging maganda ang palakad ng Panay Electric Company (PECO), ang nag-iisang distribution utility sa Iloilo City, kung kaya’t nagbigay-da­an ito para makapag-apply at makuha ng More Electric and Power Corp. Ito ang tinuran ng bu­si­ness tycoon na si Enri­que Razon Jr., na siyang nasa likod ng distribution utility na binigyan ng bagong prankisa ng House of Representatives at Senado …

Read More »

Empleyado ng PECO nagsumbong kay Digong (Hindi lang consumers)

AMINADO ang mga kawani ng Panay Electric Company (PECO) na kai­langan ng new management ng mga residente sa Iloilo City para masolusyonan ang problema sa koryente sa lalawigan. Sinabi ni Gaudioso Arnejo Sumandi , 24 taon nang empleyado ng PECO at nagsisilbing lineman at trouble shooter, mismong siya ay hindi na nakatiis sa palpak na pamama­lakad ng kompanya kaya pinangunahan …

Read More »

Prankisa ng Mislatel balido at umiiral — Kamara

internet connection

KINOMPIRMA ng Kamara ng mga Repre­sentante sa liham na ipinadala sa National Telecommunications Commission (NTC) na balido at umiiral ang prankisa ng Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel). Sa liham na ipinadala ni Committee on Legislative Franchises Chairperson Franz “Chicoy” E. Alvarez sa NTC kaugnay ng kahili­ngang gabayan ito kung balido at umiiral ang pran­­kisa ng Mislatel, idiniin niya na …

Read More »

Loaf bread P2 taas presyo (Paborito sa Noche Buena)

INAPROBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon ang P2 dagdag presyo para sa branded loaf bread. Sinabi ni DTI Con­sumer Protection Advo­cacy Bureau director Dominic Tolentino, ang kanilang hakbangin ay bunsod ng price hike ng mga sangkap sa pag­gawa ng tinapay tulad ng arena at asukal. Ayon sa DTI, sa P2 dagdag-presyo ay hindi sakop ang pandesal, low-cost Pinoy …

Read More »

‘Blackmail’ ng PECO binanatan ng solon

BINANATAN ng isang mambabatas ang Panay Electric Company (PECO) sa ginagawang ‘pananakot’ sa mga consumer at paninisi sa Kamara at Se­na­do kung makararanas ng blackout sa Iloilo City dahil hindi ini-renew ang kanilang prankisa.  Ayon kay Parañaque Rep Gus Tambunting, blackmail ang ginagawa ng PECO legal counsel na si Inocencio Ferrer lalo nang sabihin nitong ititigil ng distribution utility ang …

Read More »