Friday , January 28 2022

Hamon sa PECO: ‘No offshore companies’ sa Bahamas ebidensiya ilabas — Lawyer

HINDI sapat ang pagtanggi ng Panay Electric Company (PECO) na wala silang offshore companies bagkus hinamong maglabas ng kanilang ebidensiya na magpapatunay na wala silang tagong investments sa British Virgin Islands na kilalang taguan ng illegal funds at ginagamit sa money laundering scheme.

Ayon kay Atty. Zafiro Lauron, kung walang itinatago ang PECO ay madali itong makahihingi ng sertipikasyon sa Bahamas na wala silang investments gaya ng kanilang sinasabi.

“They can always ask for certification that they don’t have any deposit or investment in the Bahamas, the thing is — why can’t they do such move” pahayag ni Lauron.

Si Lauron ang unang nagbunyag ng pagkakaroon ng tatlong offshore companies ng PECO sa Bahamas na Costa Group Investments Ltd., Prime Rose Technology,  at Mega International Services na pawang nabuo noong taon 2000.

Nanindigan si Lauron na mas may basehan ang ipinalabas na report ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) na nagdedetalye ng mga binuksang offshore companies ng PECO sa Bahamas at nakalista ang mga pangalan ng mga shareholder, company address at kung kailan nai-set-up ang kompanya.

Matagal na umanong iniuugnay sa PECO ang pagkakaroon ng offshore companies ngunit lagi nila itong itinatanggi.

“Now is the proper time, ipakita nila sa mga Ilonggo kung tunay na wala silang itinatago,” giit ni Lauron.

Ipinunto ni Lauron, simomang mayamang tao ay maaaring magdeposito o mag-invest sa labas ng bansa ngunit ang nakaaalarma umano ay kilala ang British Virgin Island na taguan ng illegal funds at karamihan sa mga nagdedeposito rito ay may itinatago.

Samantala, handa umano si Lauron na harapin ang bantang kaso laban sa kanya ng PECO dahil sa kanyang naging pagbubunyag sa offshore companies.

Aniya, nagtataka siya kung bakit nais siyang patahimikin gayong maaari namang sagutin ng PECO ang kanyang akusasyon.

“Don’t shoot the messenger. They threatened me with lawsuit, its ok, Its not the first time I blew the whistle. Ginagawa ko na ito at tulong ko sa mga Ilonggo,” niya.

Una nang nagpasaklolo si Lauron sa Anti Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan ang nasabing offshore companies, iginiit nito na hindi simpleng usapin ang pagkakaroon ng investments ng PECO sa Bahamas dahil nakuha ito resulta ng overcharging sa loob ng maraming taon sa singil sa koryente ng distribution utility sila pa ang nangangasiwa sa supply ng koryente sa Iloilo City. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply