HINDI napigilan ang selebrasyon dahil labis na ikinatuwa ang tradisyonal na “Birthday Mañanita” pero hindi umano nagpabaya na ipaalala sa mga tauhan ang social distancing, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/MGen. Debold Sinas, kasabay ng paghingi niya ng paumanhin sa nagawang paglabag sa quarantine protocols. “Overjoyed as a birthday celebrant, I was caught up with …
Read More »Ikulong si Sinas — Gabriela (Sa Voltes V birthday mañanita)
KUNG “shoot them dead” ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ‘pasaway’ sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), nais naman paimbestigahan muna nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) Gen. Archie Gamboa ang kontrobersiyal na mga retrato ng papiging ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director …
Read More »‘Market on the go’ ni mayor ginagamit sa shabu for sale?
TATLONG kawani ng Office of the Mayor sa isang bayan sa lalawigan ng Laguna ang nasakote sa isang entrapment operation na isinagawa ng Cabuyao Philippine National Police. Kinilala ang mga supek na sina Dionisio Aragon, 48 anyos; Byron Sanogal, 40 anyos, at Renato Marasigan, 33, pawang residente sa Cabuyao City, na naaktohang nagbebenta ng P500-halaga ng shabu sa isang poseur-buyer …
Read More »COVID-19 patient sa Davao, tumakas sa quarantine
KINOMPIRMA ngayong Lunes, 11 Mayo, ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakas mula sa quarantine facility ang isang babaeng pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 noong Sabado, 9 Mayo. Tumangging pangalanan ni Duterte ang pasyente ngunit sinabi niyang residente ang pasyente ng Barangay 23-C, isa sa mga COVID-19 hot spots sa lungsod. Sumugod ang mga lokal na awtoridad sa …
Read More »Bagong Barrio sa Caloocan City total lockdown
MATAPOS ang naitalang mataas na kompirmadong kaso ng COVID-19, isang barangay sa Caloocan City ang isailalim sa total lockdown ngayong 13-15 Mayo, ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan, kahapon. Inaasahang magsagawa ang alkalde ng ocular inspection sa Barangay 156 na may higit 5, 700 residente bago ang pagpapatupad ng total lockdown matapos ang naitalang 25 positibong kaso sa lugar, …
Read More »1.5-M tambay na Pinoy Dahil sa ECQ isosogang COVID-19 contact tracer (Walang alam sa medisina)
ISASABAK kontra pandemyang coronavirus (COVID-19) ang may 1.5 milyong Pinoy na nawalan ng trabaho mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa iba´t ibang parte ng bansa. Iminungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng pondo para bigyan ng trabaho bilang contact tracer ang may 1.5 milyong obrero na nawalan ng hanapbuhay dulot …
Read More »Modified ECQ ibinaba sa NCR, Laguna, Cebu City
ISASAILALIM sa modified enhanced community quarantine simula sa Sabado, 16 Mayo, hanggang sa 31 Mayo ang Metro Manila, Laguna at Cebu City, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, itinuturing ang mga nasabing lugar bilang high risk para sa coronavirus disease (COVID-19) infection batay sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease Resolution No. 35. …
Read More »Duterte dapat managot sa “criminal neglect”— CPP
DAPAT managot si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang kapabayaan sa pagsugpo sa coronavirus disease (COVID-19) na nagresulta sa nararanasang humanitarian crisis sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. Inihayag ito sa kalatas ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ipinadala sa media kahapon. Ayon sa CPP, literal na nasa bingit ng kamatayan ang milyon-milyong pamilya dahil sa …
Read More »3 Marawi generals vs Covid-19 palpak din — Pol activist (‘Virus’ sa Maranao’s haven siege hindi napuksa)
NAGBABALA ang isang Mindanao-based political activist sa papel ng tatlong retiradong “Marawi generals” sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Nakasaad ito sa artikulo ni Raymund de Silva, isang political activist na nakabase sa Mindanao sa loob ng tatlong dekada, na may titulong COVID-19: Its Impact on the Philippines para sa Europe Solidaire Sans Frontiers at inilathala …
Read More »Sobrang singil, ‘power interruptions’ habang ECQ, criminal neglect ng Meralco
PINAGPAPALIWANAG ng grupong Power for People Coalition (P4P) ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa inirereklamo ng ilang konsyumer na sobra-sobrang singil habang marami ang dumaranas ng kawalan ng koryente sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay Gerry Arances, Convenor ng P4P, 52 beses nakaranas ang Meralco ng ‘tripping events’ mula 6 Mayo, habang napansin naman ng mga …
Read More »1,265 LGUs umabot sa SAP payout deadline —DILG
KABUUANG 1,265 local government units (LGUs) sa bansa ang umabot sa itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong 10 Mayo 2020 sa pamamahagi ng unang batch ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang LGUs dahil nakaabot sa mga mamamayan ang tulong. …
Read More »183 barangay officials vs iregularidad sa SAP iniimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ang 183 barangay officials sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa mga reklamong iregularidad sa pamamahagi ng cash aid, sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. “Sa rami ng ating reklamong natanggap, 183 ang iniimbestigahan ng pulisya dahil may probable cause dito,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo …
Read More »GCQ sa Maynila — Mayor Isko (Kabuhayan nakataya sa paglawig ng ECQ)
IPINALIWANAG ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung bakit siya bumoto na maisailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Maynila kahit karamihan sa Metro mayors ay nais ma-extend ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila. Aniya, kahit ilagay sa GCQ ang Maynila, susundin pa rin ang health standard tulad ng pagsusuot ng face masks, proper hygiene, at …
Read More »Religious activities para payagan… Simbahan hinimok manawagan sa lokal na pamahalaan
HINIMOK ng Malacañang ang mga lider ng mga Simbahan sa mga lokal na pamahalaan na manawagan para payagan makabalik ang religious activities habang umiiral ang enhanced at general community quarantine bilang pag-iingat laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang tumanggi sa pagbabalik ng religious activities dahil imposibleng …
Read More »Sec. Andanar nag-memo: PCOO social media pages cross posting bawal na
IPINAGBAWAL na sa official social media pages ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang cross posting ng ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa hindi awtorisadong paskil ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) sa kanilang social media pages kaugnay sa isyu ng pagpapasara sa ABS-CBN noong Sabado. Sa inilabas na Department …
Read More »Senadora nagbabala: Second wave ng COVID-19 mula sa hospital & lab waste
NAGBABALA ngayon si Senador Imee Marcos na posibleng magkaroon ng second wave ng COVID-19 kung hindi magiging maayos ang disposal ng mga basura na magmumula sa mga ospital at laboratoryo na ginamit sa pagtukoy at paggamot sa mga nahawaan nito. “Kahit bumababa na ang mga kaso ng impeksiyon, hindi imposibleng manalasang muli ang COVID-19 kung hindi pagtutuunan ng pansin …
Read More »QCPD HQ sa Camp Karingal isinailalim sa lockdown (14 tauhan positibo sa COVID-19)
INILAGAY sa loob ng tatlong araw na lockdown ang Quezon City Police District (QCPD) headquarters sa Camp Karingal, Quezon City nang matuklasan na 14 tauhan nila ang positibo sa coronavirus (COVID-19) sa isinagawang group testing noong 25-29 Abril 2020. Ito ang kinompirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon. Mula sa 1,563 populasyon sa loob ng Camp …
Read More »Ayuda sa mahihirap ‘wag kanain — Palasyo (‘Scam’ sa SAP)
HUWAG ‘kanain’ ang ayuda para sa mahihirap. Nagbabala kahapon si Presidential Spokesman Harry Roque na aarestohin ng mga pulis at ikukulong sa quarantine facilities ang mga opisyal ng barangay na magnanakaw sa mga ayuda ng pamahalaan para sa mga maralita. “Kinakailangang ikulong sila nang maturuan ng leksiyon na huwag pong ‘kanain’ ang ayuda na nakalaan para sa pinakamahihirap sa ating …
Read More »Reklamong natanggap ng DILG, 3,000 na
UMABOT na sa 3000 ang reklamong natatanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ilan sa reklamo ng mga residente ay inaaresto at ikinukulong sila dahil sa pagpapaskil ng kanilang mga concern o hinaing sa social media hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) distribution. Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, batay sa reklamong …
Read More »Barangay officials bigyan na ng suweldo — DILG
PABOR ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan na ng suweldo at i-professionalize o taasan pa ang kalipikasyon para sa mga posisyon ng barangay officials. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ginagampanan na rin ng barangay officials ang tatlong pangunahing governmental functions gaya ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatira, kaya’t dapat na …
Read More »ECQ nais palawigin ng metro mayors (Duterte papayag?)
MALAKI ang paniwala ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Chairman Metro Manila Council na papabor ang pamahalaan sa panawagan ng mayorya sa Metro Mayors na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang 30 Mayo. Sampu sa 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) ang mas gusto ng extension sa umiiral na ECQ. Kamakalawa, nagpulong ang MMC at …
Read More »Buwanang pension sa indigent PWDs isinulong ni Lapid
ISINULONG ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang pagbibigay ng buwanang pensiyon sa persons with disability (PWDs) na walang permanenteng kita at sinusuportahan ng mga kamag-anak para kanilang mga pangangailangan. Ito ang nakapaloob sa Senate Bill 1506 na inihain ni Lapid na layong bigyang prayoridad at karampatang tulong ang PWDs para sa kanilang mga pangangailangan. “Sa panahon na matindi …
Read More »Tradisyonal na pagtuturo suhestiyon sa balik-eskuwela
SUPORTADO ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng tradisyonal na sistema sa pagtuturo sa nakatakdang pagbabalik-eskuwela sa 24 Agosto 2020. Ilan sa tradisyonal na nakikita ng senador, ang pagbabalik sa paggamit ng radyo at telebisyon sa pag-aaral ng mga bata. Aminado si Gatchalian na hindi lahat o 40 porsiyento ng ating mga mag- aaral ay walang mga modernong …
Read More »Kapag inalis ang ECQ… Mass testing kailangan
NAIS ni Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng agarang mass testing sa bansa kapag tinanggal na ang enhanced community quarantine (ECQ) nang sa ganoon ay agarang matukoy ang positibo sa coronavirus (COVID-19). Tinukoy ni Sotto, sa pagbalik nila sa sesyon noong 4 Mayo at sa iilang pumasok na kawani ng senado ay nagpositibo ang 20. Ayon …
Read More »PAG-IBIG Fund huwag maningil nang buo ngayong ECQ – Solon
HINIMOK ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Home Development Mutual Fund, na kilala sa pangalang Pag-IBIG Fund, na huwag munang maningil ng kabuoang bayad sa mga utang ng miyembro ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at sa mga lugar kung saan ito tatanggalin. Ayon kay House Deputy Majority Leader Herrera, ‘unfair’ ang ganyang asta at labag sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com