Thursday , January 27 2022

Lola namatay sa Bacolod (Habang nakapila sa distribusyon ng SAP)

BINAWIAN ng buhay ang isang matandang babae noong Huwebes, 23 Hulyo, sa Barangay Villamonte, lungsod ng Bacolod, sa lalawigan ng Negros Occidental, habang nakapila sa namamahagi ng social amelioration program (SAP) benefit na ilalaan para sa pangangailangan ng mga apo.

Kinilala ni Barangay Chairman Rommel Flores ang pumanaw na residenteng si Aurelia Magbanua, 87 anyos, mula sa Purok Sabes.

Ani Flores, nagtungo ang lola sa gymnasium kasama ang isang anak na babae dakong 10:00 am noong Huwebes upang kunin ang SAP allowance na nagkakahalaga ng P6,000, nang bigla umanong sumama ang pakiramdam ng matanda.

Nang inilipat siya sa ibang upuan, bigla na lamang nawalan ng malay ang matanda kaya isinugod sa pagamutan ngunit binawian ng buhay habang hinahabol ng hininga.

Pinayohan si Magbanua ng kaniyang anak na sa hapon na kunin ang kaniyang SAP benefit, ngunit nagpumilit ang lola dahil gusto niya umanong bahaginan ang kaniyang mga apo ng makukuhang pera.

Isa si Magbanua 4,386 benepisaryo sa naturang barangay na kabilang sa pangalawang bahagi ng distribusyon ng SAP mula sa pambansang pamahalaan para sa mga ‘poorest of the poor’ na apektado ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19).

Bagaman may bubong ang gymnasium, sinabi ni Flores, mainit pa rin dahil sa rami ng taong kukuha ng kanilang SAP benefit.

Noong naka­raang Mayo, naga­nap ang parehong insidente sa Bgy. Tangub, nang isang matandang lalaki ang natumba at namatay dahil sa atake sa puso habang nakapilang naghihintay sa pamamahagi ng SAP.

About hataw tabloid

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply