Saturday , May 18 2024
xi jinping duterte

COVID-19 vaccine idinahilan ni Duterte sa utang sa China  

NAGING instrumento ang inaasam na bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) para mangutang si Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

“About four days ago, I made a plea to President Xi Jinping that if they have the vaccine, can they allow us to be one of the first or if it’s needed, if we have to buy it, that we will be granted credit so that we can normalize as fast as possible,” anang Pangulo.

Hindi inilahad ng Pangulo kung ano ang tugon ni Xi sa kanyang apela.

Hanggang noong 2 Hulyo 2020, sinabi ng Department of Finance (DOF) na nagkautang ang Filipinas ng halos $7.73 bilyon o P385.3 bilyon mula sa iba’t ibang lending institutions sa buong mundo upang tustusan ang kampanya kontra COVID-19.

Ang naturang mga utang ay babayaran mula taong 2023–2049, at may average repayment period na 15 taon sa bawat loan, batay sa amortization schedules  na nakalagay sa loan agreement documents. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *