LALONG uminit ang bangayan ng Senado at Kamara kahapon patungkol sa maanomalyang 2019 budget nang hamunin ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang mga Senador sa isang joint press conference para himayin nila ang budget ng bawat proyekto. Ani Andaya, ang paglalathala ng budget sa harap ng media ay magpapatotoo kung sino sa dalawang sangay ng lehislatura ang nagsasabi ng …
Read More »157 sakay ng Ethiopian Airlines patay sa plane crash (Patungong Nairobi)
PATAY ang 157 pasahero at crew na sakay ng Ethiopian Airlines flight patungong Nairobi nang bumagsak ilang sandali matapos sumahimpapawid nitong umaga ng Linggo sa Ethiopia. Ayon sa Ethiopia Broadcasting Corporation, mula sa 33 nasyonalidad ang bumubuo sa 157 pasahero ng EA flight. Samantala, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagbagsak ng bagong Boeing 737-8 MAX plane na kasalukuyang iniimbestigahan. …
Read More »Electrician arestado sa baril, granada at ilegal na droga
ARESTADO ang isang notoryus drug suspek na sangkot sa panghoholdap matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay na nakuhaan ng baril, granada, mga bala at shabu sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Restituto Arcangel ang naarestong suspek na si Ramon Meraña alyas Jonjon Barok, 43, electrician ng Caimito Road corner Dagohoy St. Brgy. 77. Ayon kay …
Read More »2 kelot binugbog ng mga senglot
MGA pasa sa mukha at katawan ang inabot ng dalawang binata makaraang pagtulungang gulpihin ng grupo ng lasing sa Taguig City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Adrian Fernandez, 23, online seller, ng Faculty Street, Barangay Sta. Ana; at Ralph Bardecina, 25, ng Carlos St., Bgy. Tuktukan, kapwa sa nasabing lungsod. Nahuli agad ng mga pulis …
Read More »Buy-bust sa Vale, 7 huli
PITONG lalaki na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang sinasabing tulak na target ng isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City ang inaresto, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Valenzuela police chief S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 12:10 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa ilalim ng pamumuno ni Chief …
Read More »5 kandidato ni Duterte, umangkas sa Magic 12
NANGUNA si Sen. Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) sa senatorial bets para sa 2019 midterm elections. Batay sa resulta ng survey na isinagawa noong 25-28 February sa buong bansa ay lumalabas na nangunguna pa rin sina Poe pumangalawa si Senadora Cynthia Villar at umakyat sa ikatlong puwesto mula sa ika-5 at ika-6 na puwesto si …
Read More »Andaya umatras na kay Diokno
UMATRAS na si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, chairman ng House committee on appropriations, sa pag-iimbestiga kay dating Budget Secretary Benjamin Diokno matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Umasa na lamang si Andaya na mauungkat pa ang mga isyung katiwalian laban kay Diokno sa pagharap niya sa Commission on Appointments kung saan mahaharap si …
Read More »Quarry/stl operator itinumba sa lamayan (Driver ng alkalde ng Infanta, 3 kaanak patay rin, 2 senior citizen sugatan)
PATAY ang driver ng Infanta mayor na kilalang operator ng quarry at small town lottery (STL) sa nasabing lalawigan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa isang lamayan sa nasabing lalawigan nitong Miyerkoles nang gabi. Hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang kanyang tatlong kaanak, kabilang ang dalawang septuagenarian nang sunod-sunod na nagpaputok ang suspek para tiyakin ang kamatayan ng …
Read More »Dooc nag-resign bilang SSS chief
NAGBITIW si Emmanuel Dooc bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Social Security System (SSS). Isinumite ni Dooc ang kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan ng oportunidad ang Punong Ehekutibo na magtalaga ng bagong pinuno ng SSS kasunod ng implementasyon ng Republic Act 11199 o ng Social Security Act of 2018. Nagpasalamat si Dooc kay Duterte …
Read More »Pekeng pampaganda at pampaputing produkto, kinompiska ng FDA
KINOMPISKA ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pekeng pampaganda at pampaputing produkto makaraang magkasunod na salakayin ang dalawang establishment sa Antipolo City at Matina, Davao City kamakailan. Ayon kay FDA Dir. General Nela Charade Puno, unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang dalawang sangay ng Misumi Direct Sales sa No. 25 Maya Ave. Okinari Bldg., …
Read More »Infra projects sa Build Build Build project nakabinbin
APEKTADO ang malalaking proyektong pang-empraestruktura sa ilalim ng Build Build Build program ang naantalang pagpasa sa 2019 national budget. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, tinukoy ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan ang MRT 3 rehabilitation, common station o North extension project para sa LRT 1 North Avenue, Metro Manila Subway at South Commuter Rail. Bahagi aniya ng pondong gagamitin …
Read More »Winners sa Miss Caloocan 2019 ipinagmalaki ng LGU at CCTF
BINABATI ng Pamahalaang Panlungsod ng Caloocan at ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation, Inc. (CCTF) ang mga nagwagi sa nakaraang Ms. Caloocan 2019 na ginanap sa Caloocan Sports Complex. Kinoronahan bilang Miss Caloocan 2019 si Shanon Tampon ng Barangay 179, habang First Runner-Up si Czarina Sucgang ng Barangay 178. Iniuwi ni Nikki Mae Binuya Guese ng Barangay 63 ang titulo bilang …
Read More »Brian Poe, nagpasalamat sa suporta ng FPJPM sa ina
NAGPASALAMAT si Brian Poe Llamanzares sa grupong Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement (FPJPM) sa walang sawang suporta sa kanilang pamilya matapos iendoso ang kandidatura ng kanyang inang si Senadora Grace Poe na laging topnotcher sa mga survey. Inendoso ng FPJPM, dating kilala bilang Fernando Poe Jr. for President Movement, ang reelection bid ni Poe kasama ang anim na …
Read More »Hybrid seeds, modernong makinarya para sa mga magsasaka — Mar Roxas
NANAWAGAN si former Trade and Industry secretary Mar Roxas sa Department of Agriculture (DA) na pagkalooban ng hybrid seeds at modernong kagamitan ang mga magsasaka upang mapataas ang kanilang ani. Sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang lalawigan, sinabi ni Roxas na ang karaniwang ani ng mga magsasaka ay tatlo hanggang apat na tonelada lamang gayong puwede naman itong pataasin pa. …
Read More »Bebot gustong kumalas sa BF patay sa 2 beses putok ng baril
PATAY ang 24-anyos babae makaraang dalawang beses barilin ng kaniyang kinakasamang lalaki nang hindi matanggap ang hiwalayan blues, sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon ng pulisya. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station (PS 6) commander P/Lt. Col. Joel Villanueva, ang biktima na si Divina Buere Catina, 24, walang trabaho, tubong Bicol at residente sa Lower Bayanihan …
Read More »Kompirmasyon ng CA ‘di kailangan Diokno pasok agad sa BSP
HINDI na kailangan pang dumaan sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si incoming Bangko Sentral ng Pilipinas governor Benjamin Diokno. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa Article 7, Section 16 ng 1987 Constitution, ang mga presidential appointee na kailangan dumaan sa go signal ng CA ay heads ng executive departments, ambassadors, public ministers at consuls, mga opisyal ng armed forces …
Read More »Nakatenggang Railway projects binuhay ng DOTr
ILANG mga nakatenggang railway project na umabot sa dalawang dekada ang binubuhay ngayon ng Department of Transportation (DOTr). Sa weekly economic briefing sa palasyo, sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan, ilan dito ang North Rail project na inumpisahan nang pag-aralan noon pang 1993. Sinimulan aniya ang konstruksiyon nito nitong nagdaang 15 Pebrero, para pagdudugtungin ng nasabing railway project ang Central …
Read More »PPA pinatitigil sa pagsingil sa weighbridge
NANAWAGAN si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Ports Authority (PPA) kahapon na tumigil na sa pagsingil sa weighbridge fees para makabawas sa presyo ng mga bilihin. Ani Arroyo, malaking kabawasan sa presyo ng mga gulay, bigas, isda at iba pang bilihin kung ititigil ng PPA ang paniningil sa mga truck na nagkakarga nito sa barko. Ginawa ng Speaker ang …
Read More »VP Leni tiwala sa taongbayan: Kakayahan ‘di pera basehan sa halalan
LAGUNA — Hindi man kilala ang mga kandidato ng oposisyon, tiwala si Vice President Leni Robredo na bibigyan sila ng pagkakataon ng taongbayan sa darating na eleksiyon, dahil napatunayan na silang matitino at mahuhusay. Dumalaw si VP Leni sa iba’t ibang bahagi ng Laguna nitong Miyerkoles (6 Marso), upang maipakilala sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang mga kandidato …
Read More »Sa robbery extortion… EDP Director, Pasay COP, 44 pulis sibak
INALIS sa puwesto ni National Capital Regional Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar ang buong puwersa ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit (PCP, DDEU) at Eastern Police District (EPD) kabilang ang kanilang director at hepe matapos mahuli ang ilan sa kanilang miyembro sa pangongotong nang maaresto sa magkahiwalay na entrapment operations nitong Martes. Sa utos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General …
Read More »Jobs bubuhos sa ‘unli’ towers (Towercos duopoly plan ipinaaabandona ng Solons sa Duterte advisers)
SINABI kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na aabot sa 10 milyon hanggang 25 milyon trabaho ang lilikhain ng malayang merkado para sa telco tower builders. “The rationalization of the telcos and the cell site builders and operators will accrue to the benefits of millions of subscribers in particular, and the Filipinos in general,” wika ni acting DICT …
Read More »Dahil sa delay na nat’l budget… 9-M aso walang bakuna —Suarez
NAGBABALA si House minority leader Danilo Suarez kahapon sa dumaraming aso na walang bakuna. Ayon kay Suarez umaabot na sa 9 milyon ang aso sa bansa at 10 porsiyento lamang dito ang may bakuna. Sa kabila nito, sinabi rin ni Suarez na walang anti-rabies vaccine ang mga ospital ng gobyerno sakaling makagat ng dumaraming asong walang bakuna. “May nakagat ng …
Read More »Narco-list ng politicians isasapubliko inangalan
ANG paglalabas ng listahan ng narco-politicians ay labag sa karapatang pantao at paraan ng panlalamang ng gobyernong Duterte sa nga kalaban sa politika. Ayon kay Akbayan Rep. Rep Tom Villarin, ang listahan ay isang “virtual death warrant” para hiyain ang politiko at kanyang pamilya sa publiko. Ani Villarin, magiging target rin ito ng mga death squad habang ang mga kaalyado …
Read More »75 barangay sa Dasmariñas City nakatangap ng patrol cars
TUMANGGAP ng mga patrol car ang 75 barangay sa Dasmariñas City mula kay Rep. Jenny Barzaga at kay Mayor Elpidio F. Barzaga, Jr., kahapon. Ayon kay Cong. Barzaga kailangan ng mga barangay ang patrol cars, na may nakakabit na CCTV, para sa kaligtasan ng mga tao at para sugpuin ang kriminalidad na bumaba sa halos 50%. Kasama sa mga ibinigay kahapon …
Read More »Laborer patay, kapatas sugatan sa P.1-M holdap sa Naga City
PATAY ang isang isang construction worker samantala sugatan ang kapatas nang holdapin sa kanila ang P.1 milyong pangsahod sa Naga, Camarines Sur. Kinilala ang namatay na si Aldrin Pida, 32, tubong Tigaon, Camarines Sur habang sugatan si Gelito Canoog, 57, foreman, ng Cebu City. Sa panayam kay P/Maj. Joey Curre, hepe ng Naga City Police Station 4, sinabi nitong sakay …
Read More »