Tuesday , April 22 2025

Addendum ng DPWH ‘nanganganib’ sa Senado

TATANGGALIN umano ng Senado ang mga addendum ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sakaling hindi tugma sa lump sum projects sa ilalim ng 2021 budget.

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson, mayroon na siyang hawak na lump sum items ng DPWH.

“Preventive maintenance, tertiary roads, secondary roads. Kung ano-ano ‘yan. Pinapatingnan ko na ngayon ang addendum, may listahan na rin kami, may nagpadala sa amin. Tatama ba roon sa mga lump sum? Kasi kung hindi nakatama roon hindi addendum ‘yan,” wika ni Lacson.

Kung ganito aniya ay ire-realign ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang P396-bilyong lump sum sa proposed budget ng DPWH.

“‘Di nila kami maloloko roon kasi pag sinabi mong ito ang item na naka-lump sum, tutugma ba ang listahan nila? Halimbawa kung ilang libong items ‘yan, lahat ba ‘yan tatama sa nakalista sa lump sum para sabihin nilang addendum o kaya hinimay nila ang lump sum, ini-itemize?” anang senador.

“Tatanggalin namin kasi ang ilegal na ‘yan. Hindi tama yan,” dagdag niya.

Una nang pinuna ni Lacson ang P469-bilyong halaga ng reappropriated at lump sum projects ng DPWH, na tinawag nitong labag sa Saligang Batas.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *