HINILING ni Senadora Nancy Binay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang agarang pagsuspendi sa paggamit ng white sand sa proyekto sa Manila Bay dahil hindi ito ligtas sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan. Ito ay matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na ang dolomite dust ay maaring magresulta ng respiratory reactions, eye irritation, at …
Read More »Pemberton pinalaya ni Duterte (Absolute pardon iginawad)
SILENCE means yes. Matapos manahimik noong nakalipas na linggo sa desisyon ng hukom na palayain ang Amerikanong sundalong brutal na pumatay sa Filipino transgender sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ginulantang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa nang pagkalooban ng absolute pardon si US serviceman Joseph Scott Pemberton, kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang …
Read More »Banta ng PECO sa SC self-serving – Rep. Pimentel
PANSARILING interes ang tanging hangad ng mga opisyal ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang ‘pagbabanta’ sa Korte Suprema na magiging ‘bad precedent’ sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa power dispute sa Iloilo City ay papabor sa bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power). Ayon kay Deputy Speaker at Surigao …
Read More »‘Unli King’ ng PCOO lagot sa COA
MARAMING dapat ipaliwanag si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pagtalaga sa isa niyang assistant secretary bilang hepe ng isang attached agency ng kagawaran na may P2-milyong unliquidated travel expenses. Bago italaga ang isang government official sa ibang posisyon sa gobyerno ay kailangan niyang magsumite ng clearance mula sa pinanggalingan niyang opisina pero sa kaso ni Philippine …
Read More »3 bebot, arestado sa P.2-M shabu
TATLONG babaeng tulak ng droga ang nasakote, na kinabibilang ng isang fire protection agent matapos makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Reya Remodaro, 24 anyos, sales lady; Elizabeth …
Read More »Kelot binoga sa Port Area
PATAY ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek, kahapon ng umaga, Linggo, sa Port Area, Maynila. Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, makikitang nakaupo at tila may hinihintay ang biktima sa Railroad St., Barangay 650, dakong 9:30 am. Sa ulat, sinabing dalawang lalaki ang lumapit sa nakasandong biktima at ilang minuto ang lumipas ay pinagbabaril ang biktima. …
Read More »Pekeng LPG tank nagkalat sa Laguna
BALEWALA at hindi iniinda ng mamimili ang ipinalabas na babala ng Department of Trade and Industry- Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS) kaugnay ng panganib na puwedeng idulot ng paggamit ng pekeng liquefied petroleum gas (LPG) na nagkalat sa mga lalawigan partikular sa Laguna. Sa ipinalabas na anunsiyo ng DTI-BPS noong nakalipas na taon, lumilitaw na patuloy na tinatangkilik ng publiko …
Read More »Pfizer nag-alok sa DOH ng bakuna kontra CoVid-19
KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nagpresenta para sa Filipinas ang malaking pharmaceutical company na Pfizer ng kanilang proposal kaugnay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19). Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinalakay ang proposal ng kompanya sa isang pulong kasama sina Health Secretary Francisco Duque III at Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña …
Read More »CoVid-19 bumagal sa pagkalat — UP OCTA
NAPABAGAL na ng Filipinas ang pagkalat ng pandemic na coronavirus disease (CoVid-19), ayon sa isang professor ng University of the Philippines, na miyembro rin ng OCTA Research Group. Ibig sabihin umano nito, “flattened” na ang tinatawag na “curve” ng pandemya. Sinabi ni Prof. Guido David na bumaba pa sa 0.94 ang reproductive rate (R-Naught) ng COVID-19 sa bansa, mula sa …
Read More »PECO nang mawala… ‘Dark ages’ sa Iloilo naibsan
ITINUTURING na panahon ng kadiliman o dark ages ng mga Ilonggo ang serbisyo ng dating power supplier na Panay Electric Company (PECO) dahil naging ordinaryong pangyayari sa kanilang pamumuhay ang palagiang brownout sa buong Iloilo City na ayaw na nilang muling balikan. Sa isinagawang special report ng Publishers Association of the Philippines Inc., (PAPI) bilang pagtukoy sa estado ng power supply …
Read More »Mega web of corruption: Anak ni Kabayan sabit sa IBC-13 illegal wage hike — COA
ni ROSE NOVENARIO HILAHOD, naghihingalo at walang pera ang kompanya. Ito ang mga katagang madalas ikatuwiran ng management ng government-owned and controlled corporation (GOCC) at state-run network Intercontinental Broadcasting Network (IBC-13) kapag humihiling ng umento sa sahod ang mga ordinaryong empleyado sa nakalipas na 12 taon. Habang ang IBC-13 Board of Directors ay idinahilan na bukod sa board resolution ay …
Read More »Hit & run driver vs frontliner sumuko kay Isko
ISINALONG ang sarili, kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ng driver na naka-hit and run sa isang frontliner na nurse, makalipas ang siyam na araw na pagtatago. Kahapon, pasado 3:00 pm nang sumuko kay Mayor Isko sa Manila City Hall, ang suspek na kinilalang si Mohamed Ali Sulaiman, 27 anyos, na umaming siya ang nagmamaneho ng kulay itim na Mitsubishi …
Read More »CSC sinisi sa paglobo ng ‘endo’
SINISI ni Senador Imee Marcos ang Civil Service Commission (CSC) sa kawalan ng trabaho sa gitna ng pandemyang CoVid-19 dahil bigong sertipikahan ang mga aplikanteng kalipikado o eligible sa libo-libong trabaho sa gobyerno na hinayaang bakante sa loob ng maraming taon. Sinabi ni Marcos, bilang taga-depensa sa 2021 budget ng CSC, mahigit 269,000 ang permanenteng posisyon sa gobyerno ang bakante …
Read More »3 Blacklisted companies nakakopo ng P727-M PPE contracts (Palasyo sa DBM: Magpaliwanag kayo!)
PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagkopo ng tatlong blacklisted companies ng P727-milyong halaga ng kontrata para sa personal protective equipment (PPE). “Well, nabasa ko rin po iyan sa ating pahayagan ngayon, hindi ko pa po nahihingan ng panig ang ating PS-DBM, so hayaan ninyo munang mabigyan ako ng pagkakataon na makuha ang, kumbaga, eksplanasyon …
Read More »Judge sablay sa paglaya ni Pemberton (mabuso sa kapangyarihan)
UMABUSO sa kanyang kapangyarihan ang hukom na naglabas ng desisyon para palayain ang US serviceman na pumatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala sa kapangyarihan ni Olongapo Regional Trial Court Branch 74 Judge Judge Roline Ginez-Abalde para magpasya na palayain si Pemberton dahil nakompleto na umano ang 10-taong sentensiya base sa Good …
Read More »300 KMs kable ng ilegal na koryente buking ng DU (Sa Oplan Valeria anti-jumper raid)
SA LOOB ng isang buwang tuloy-tuloy na operasyon laban sa illegal electric connection sa Iloilo City, umabot sa 300 kilometers na illegal wiring o jumper cables ang nadiskubre ng bagong Distribution Utility (DU) na More Electric and Power Corp (More Power). Ayon sa More Power, kung ilalatag ang kanilang nakompiskang illegal wiring ay nasa 300 kilometers na ito at kung …
Read More »Pambobomba itinanggi ‘NPA-front organization’ sasampahan ng asunto (Army bumuwelta)
HINAMON ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army ang ‘CPP/NPA-front organization’ na patunayan nila ang ibinibintang na pambobombang naganap sa komunidad ng mga (IP) Indigenous People sa Sitio Lumibao, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, noong 21 Agosto. Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Major Amado Guttierez, commander ng 7th ID PA public affairs office, hinggil sa …
Read More »Tulak patay 14 nasakote sa buy bust
NAPATAY ang isang tulak na notoryus sa pangangalakal ng ilegal na droga habang arestado ang 14 drug suspects sa magkakasunod na buy bust operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 3 Setyembre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang suspek na kinilalang si Allan Sicio ay napatay sa Carriedo Road, Melody …
Read More »Bulacan drivers, taghirap pa rin kahit new normal na
PAHIRAPAN pa rin ang kita ng mga driver ng jeepney sa lalawigan ng Bulacan kahit nakabibiyahe na ang marami sa kanila sa pinaluwag ng general community quarantine (GCQ). Ayon sa driver na si Bondying, bago magpandemya ay lumalagpas ng P1,000 ang kaniyang kinikita pagdating ng tanghali, ngunit ngayon, wala pa ito sa kalahati. “Inuuwi lang naming pera P200, …
Read More »7 silid-aralan, 60 bahay natupok sa Davao (Inuupahang kuwarto sinilaban ng boarder)
HINDI bababa sa 60 bahay at pitong mga silid-aralan sa isang public school ang natupok ng apoy sa Barangay Leon Garcia, sa lungsod ng Davao, nitong Huwebes ng umaga, 3 Setyembre. Ayon kay Davao City Fire District Intelligence and Investigation Section chief, Senior Fire Officer 3 Ramil Gillado, nagsimula ang apoy dakong 3:20 am kahapon sa Sto. Niño Gotamco, …
Read More »P1.36-M shabu nasamsam sa buy bust (Sa Bulacan)
TINATAYANG aabot sa halagang P1,360,000 at tumitimbang ng 200 gramo ang hinihinalang shabu na nasamsam mula sa isang tulak sa inilatag na buy bust operation ng pulisya sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng hapon, 2 Setyembre. Nasakote ang tulak na kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, na si Gilbert …
Read More »3 molecular lab test facility RITM, DOH dumalo sa hearing (Sa magkakaibang resulta ng test)
DUMALO ang pamunuan ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital-Molecular and Diagnostic Pathology Laboratory, Philippine Red Cross, at Green City Medical Center sa itinakdang pagdinig ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna ni Governor Dennis “Delta” Pineda na ginanap sa Bren Z. Guiao Sports Complex noong Miyerkoles, 2 Setyembre. Kaugnay ito sa mga hindi …
Read More »Designated Survivor bill ni Lacson kinatigan ni Roque
NAKAHANAP ng kakampi ang Designated Survivor bill ni Sen. Panfilo Lacson sa katauhan ni Presidential Spokesman Harry Roque. Ayon kay Roque, bagama’t may malinaw na line of succession na nakasaad sa Saligang Batas kapag may nangyaring hindi maganda sa Pangulo ng bansa, dapat din isaalang-alang kapag nangyari sa totoong buhay ang istorya ng Netflix series na Designated Survivor na namatay …
Read More »Roque disgusto sa paglaya ni Pemberton
MASAMA ang loob ni Presidential Spokesman Harry Roque sa maagang paglaya kahapon ni US serviceman Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Filipino transgender Jennifer Laude noong 2014. Si Roque ang dating private prosecutor sa kontrobersiyal na kaso ng pagpaslang ni Pemberton kay Laude na yumanig sa relasyon ng Filipinas sa Amerika. “As former Private Prosecutor for the Laude …
Read More »Reporma sa PhilHealth iminungkahi sa Kamara
SA GITNA ng labis na korupsiyon sa Philippine Insurance Health Corporation (PhilHealth), iminungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda, ang hepe ng House committee on ways and means, na magkaroon ng reporma sa estruktura ng ahensiya upang tugunan ang malawakang korupsiyon at mismanagement. Sa kanyang report sa estado ng sistema ng insurance sa bansa, sinabi ni Salceda, dapat magkaroon ng …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com