PINAYAGANG makaboto si Senadora Leila De Lima ngayong darating na 13 Mayo midterm elections ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) matapos paboran ang kanyang inihaing Urgent Motion for Furlough. Base sa inilabas na Order ni Muntinlupa RTC, Branch 205 Judge Liezl Aquiatan, pinayagan niyang gamitin ni De Lima ang kanyang karapatan sa pagboto sa ilalim ng escorted detainee voting system …
Read More »Sa isyu ng voting centers sa Sulo… Korte Suprema binatikos ng kongresista
BINATIKOS ni Deputy Speaker at Sulo Rep. Munir Arbizon ang Korte Suprema sa tagal ng paglabas ng resoluyson patungkol sa isyu ng malalayong voting centers sa Sulo. Ayon kay Arbison, malapit na ang eleksiyon pero wala pang resolusyon ang Korte Suprema partikular na sa barangay ng Capual na may 3,000 rehistradong botante na bibiyahe nang ilang kilometro patungo sa daungan para …
Read More »Power demand spikes tutugunan… PH mas maraming peaking plants kailangan — Pippa
NAIS ng Philippine Independent Power Producers Association na magkaroon ng dagdag na peaking plants imbes baseload plants. Ayon kay PIPPA President Atty. Ann Macias, pagaganahin lamang kung kakailanganin ang peaking plants sa panahon na ang consumers demand ay lampas sa available capacity mula sa baseload plants na operational 24 oras. Aniya, kailangan matugunan ang demand spikes ng grid na dalawang porsiyento sa …
Read More »No 500% property tax increase, buwis sa simbahan at informal settlers — QC Assessor
NAGBABALA sa publiko ang isang opisyal ng Quezon City Office of the City Assessor na maging maingat sa maling impormasyon na magkakaroon ng 500 percent increase sa real property tax at property tax ng mga simbahan at informal settler families (ISF) sa Quezon City. “Definitely, there will not be an increase of 500% in the real property taxes,” ayon kay …
Read More »Koko nakiisa sa pagsisimula ng Ramadan
SA pagsisimula ng isang buwang komemorasyon ng Ramadan kahapon, 6 Mayo, nakiisa si Senador Aquilino Koko Pimentel III sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng panahon ng repleksiyon at paglilinis. “The humble submission of body and spirit to self-imposed restraints filters out negative emotions and shows obedience to one’s faith. This strength of character and sustained willingness to sacrifice …
Read More »Super Health Centers ilulunsad ni Lim para sa mga Manileño
INIHAYAG kahapon ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Afredo S. Lim ang plano niyag maglagay ng “Super Health Centers” sa iba’t ibang bahagi ng lungsod na ang mga serbisyo gaya ng mga libreng ibinibigay dati sa mga ospital na kanyang ipinatayo ay maaari na rin makuha ng mga residente ng Maynila. Binanggit ito ni Lim nang kanyang makadaupang-palad ang mga …
Read More »Comelec chair, inireklamo sa multi-milyong pisong kickback
PORMAL na ipinagharap ng reklamo si Commission on Elections (Comelec) chair Toto Abas sa Malacañang Presidential Complaint Center ng pambubulsa ng daan-daang milyong piso kapalit ng pagpabor sa tatlong malalaking kompanya na magsisilbing logistic provider sa darating na midterm poll sa 13 May 2019. Sa apat na pahinang reklamo na natanggap ng Office of the President noong 30 Abril 2019, …
Read More »Sa murang koryente… Desisyon ng SC pinuri ng MKP
BUONG pusong tinanggap ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang desisyon ng Supreme Court (SC) na obligahin ang lahat ng power supply agreements (PSA) na isinumite ng distribution utilities (DU) noon o pagkalipas ng 30 Hunyo 2015 na sumailalim sa competitive selection process na hinihingi ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Bunga ng desisyon ng SC, nabalewala ang lahat ng …
Read More »Anti-Endo at Anti-Bundy Clock Law, isusulong ng Ang Probinsyano Party-list
ISUSULONG ng Ang Probinsyano Party-list ang panukalang anti-endo na nabigong maipasa nitong nakalipas na Kongreso dahil sa kawalan ng sapat na panahon at mabagal na aksiyon ng mga mambabatas. Tutukan din ng Ang Probinsyano Party-list ang pagsusulong ng mga amyenda sa kasalukuyang Labor Code of the Philippines upang gumawa naman ng tinatawag na Anti-Bundy Clock Law. Naniniwala ang Ang Probinsyano …
Read More »Estudyante, tumalon sa car park ng mall
BASAG ang bungo at nagkabali-bali ang buto ng isang teenager makaraang magpatiwakal nang tumalon sa car park ng isang mall sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Kinilala ni P/Lt. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Carl John Mir Sanchez, 18, binatilyo, estudyante at residente sa Blk …
Read More »Sa Batangas… Mabini Mayor isinangkot sa kurakot
NAGREKLAMO sa Tanggapan ng Ombudsman ang isang residente ng Mabini, Batangas dahil sa sobrang korupsiyon ng kanilang alkalde na si Mayor Noel Luistro na may 14 na proyektong hindi pa naibi-bid, naka-post pa lamang sa Philgeps ay ginagawa na ng kanyang sariling construction company. Sa reklamo ni Richard Villanueva, nasa hustong gulang at residente sa Barangay Sto. Tomas, Mabini, Batangas, …
Read More »Taga-QC nagalit… Joy gumamit ng ‘bayaran’ nabuking
NAGALIT ang mga taga-Quezon City nang madiskubreng pakawala pala umano ng bise alkalde na si Joy Belmonte ang isang nagpakilalang taxpayer ng lungsod na kamakailan lamang ay nagsampa ng disqualification case laban kay Cong. Bingbong Crisologo, mayoralty candidate ng siyudad. Ito ay makaraang makita at kumalat sa social media o Facebook ang larawan ng pinaniniwalaang umano’y ‘bayaran’ na nagreklamo sa …
Read More »Dalaginding ‘dinakma’ ng sariling ama
SWAK sa kulungan ang isang 41-anyos construction worker matapos pasukin sa loob ng kulambo at dakmain ang kaselanan ng kanyang sariling anak na dalaginding habang natutulog sa kanilang bahay Valenzuela City kamakalawa. Sa ulat kay Valenzuela chief of police P/Col. David Nicolas Poklay, dakong 7:00 am, natutulog ang biktimang si Rachel, 11 anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. …
Read More »Duterte nakiramay sa pamilya Nograles
NAGPAHAYAG ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ni dating House Speaker Prospero Nograles na pumanaw noong Biyernes sa edad na 71. Ayon kay Pangulong Duterte, ikinalungkot niya ang pagyao ni Nograles at nakikidalamhati siya sa buong pamilya. “His legacy as a leader who used his voice to speak on behalf of the Filipino people will continue to inspire …
Read More »Kamara nagluksa kay Nogi
NAGPAHAYAG ng pagkalungkot ang mga miyembro ng Kamara kahapon sa pagkamatay ni dating House Speaker Prospero “Nogi” Nograles. Ayon sa dating presidente at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, isang karangalan para sa kanya ang pagsilbi ni Nograles bilang speaker noong siya ay presidente pa. ”It was my honor that he was Speaker of the House of Representatives from …
Read More »Abusadong power companies parusahan
HINIMOK ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang kongreso na patawan ng parusa ang power companies na nagmamalabis upang maisulong ang reporma sa sektor ng koryente na papabor sa consumers. Sa isang liham sa Joint Congressional Power Commission (JCPC), hiniling ng MKP nominee at tagapagtaguyod ng enerhiya na si Gerry Arances ang mga mambabatas na suriin ang batas ng Electric Power …
Read More »Poe, nangako nang mabilis na prangkisa sa Angkas riders
DUMALO si Senadora Grace Poe sa Angkas “Safety Fiesta” sa Lungsod ng Maynila kamakalawa at nangako siya na pabibilisin ang panukalang batas na papayag sa motorsiklo bilang moda ng tranportasyon. “Alam ko nakasalalay ang inyong hanapbuhay dito sa prangkisa sa Senado. Alam ba ninyo na isa ako sa mga pinakamabilis magtrabaho ng prangkisa sa Senado? Ang akin lang, sinisiguro ay …
Read More »Graft ikinasa vs Lian mayor
IPINAGHARAP ng kasong katiwalian at paglabag sa Philippine Mining Act sa Ombudsman ang alkalde ng Lian, Batangas kaugnay sa pakikipagsabwatan sa ilang malalaking korporasyon upang masalaula ang kanilang kalikasan. Sa pitong pahinang reklamo, nais ng complainant na si Dennis Ilagan na patawan ng preventive suspension at masampahan ng kasong kriminal si Mayor Isagani Bolompo kasama si Exequiel Robles, pangulo ng …
Read More »Coco, Yassi todo hataw para sa AP-PL, “Probinsyano” dinumog sa Ormoc
NON-STOP at lalo pang itinotodo ng aktor na si Coco Martin at leading lady na si Yassi Pressman ang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Party-list. Noong Huwebes ay pinangunahan ni Coco ang grupo ng #54 Ang Probinsyano Party-list sa ginawang pangangampanya sa siyudad ng Ormoc. Gaya ng inaasahan ay dinumog ng tao …
Read More »70-anyos retired Australian army arestado (Sa reklamong panggagahasa at pambubugaw)
INARESTO ng pulisya ang isang Australiano matapos ireklamo ng pananamantala at pambubugaw sa ilang kababaihan sa lungsod ng San Jose del Monte (SJDM), Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte City police, ang dayuhang suspek ay kinilalang si Ronald Ian Cole alyas Ric o Daddy Ric, 70-anyos, at tubong Victoria, Australia. …
Read More »Kelot kumasa sa police ops todas sa ospital
STA. CRUZ, LAGUNA – Napatay ang isang lalaki matapos manlaban bago masilbihan ng search warrant ng mga awtoridad, Miyerkoles nang gabi sa bayan ng Sta Cruz, lalawigan ng Laguna . Ayon sa pulisya, imbes sumuko sa mga pulis, bumunot umano ng baril at nagpaputok si Von Ryan Castillo, alyas Von, residente sa Bliss, Sitio 7, Brgy. Patimbao, Sta. Cruz, Laguna, …
Read More »Machine operator kritikal sa saksak ng utol na babae (Dingding winasak)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang machine operator makaraang saksakin ng nakatatandang kapatid na babae nang sirain ng biktima ang dingding ng bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Quezon City Memorial Medical Center (QCMC) ang biktimang kinilalang si Pedro Anagao, 34 anyos, sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan. Nahaharap sa kaukulang kaso ang kanyang babaeng …
Read More »Endoso ng INC at El Shaddai target ni Villar
UMAASA si reelectionist Senator Cynthia Villar sa suporta at endoso ng religious group na Iglesia ni Cristo na kilalang may block vote na pinamumunuan ng pamilya Manalo at ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velrade. Ayon kay Villar, ang kanilang igagawad na suporta at endoso sa kanyang kandidatura ay lubhang mahalaga at malaking tulong para siya ay manalo …
Read More »Panalo ng mga kandidato ni Digong, tiniyak ni Koko Pimentel
IDINIIN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na sa pinakahuling survey na nagpapakita na napakataas ng porsiyento ng mga Filipino –– halos 80% –– ay masaya sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte; kaya naniniwala siya na ito ang magdadala ng panalo sa mga kandidatong senador ng Partido Demokratiko Pilipilino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagbabago. “When the President ran …
Read More »Bernabe nanguna sa 3 local surveys
NANGUNGUNA sa tatlong magkakahiwalay na online poll survey sa pamamagitan ng social media ang dating alkalde ng Parañaque City. Lumalabas sa resultang isinagawang survey ng Election Watch PH 2019, The Leader I Want at Filipino Online Poll sa pamamagitan ng Facebook, nanguna si dating Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe, na tumatakbong alkalde sa nabanggit na lungsod ngayong nalalapit na halalan sa 13 …
Read More »