Sunday , November 24 2024

News

Petisyon laban sa bus ban ihihirit ng Ako Bicol sa SC

MULING hihirit ang Ako Bicol Party-list sa Korte Suprema patung­kol sa pagbabawal ng mga pamprobinsyang bus sa Metro Manila dahil labag ito sa Saligang Batas. Ayon kay Rep. Alfredo Garbin, kailangan umano, ng agarang aksiyon ng Korte dito dahil apekatado ang lahat ng biyahero maging matanda o bata man. “The SC should have taken jurisdiction over the petition on the …

Read More »

Karneng baboy na nagpositibo sa ASF sisiyasatin ng QC Councilor

MAKARAANG mag­positibo sa African Swine Fever (ASF) ang karne ng baboy na ibinebenta sa isang supermarket sa Quezon City, sisiyasatin ng isang QC councilor kung paano nakalusot ang naturang karne nitong nakalipas na Holiday season. Sinabi ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco, nais niyang malaman kung paano nakalusot ang naturang karne ng baboy na hini­hinalang may ASF at naibenta pa …

Read More »

DH ban sa Kuwait suportado ni Go

OFW kuwait

SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang pagba­bawal sa pagpapadala ng domestic workers sa Kuwait. Gayonman, inilinaw niyang kailangan hintayin ang desisyon ni Pangu­long Rodrigo Duterte hinggil sa isyu. Paliwanag ni Go, ibinabalanse ni Pangulong Duterte ang mga ma­wawalan ng trabaho sa deployment ban at kaila­ngang matiyak ang kapa­kanan ng nakararami. Samantala, inilinaw ni Go na hanggang walang kautusan …

Read More »

P4.1-T nat’l budget lalagdaan ngayon ni Pangulong Duterte

NAKATAKDANG pirmahan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trilyong national budget para sa kasalukuyang taon. Ang paglagda sa 2020 budget ay gaganapin ngayong 4:00 pm sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naantala nang isang linggo ang pagpirma sa 2020 budget dahil binusisi nang husto ng Pangulo ang lahat ng probisyon nito. “This President is a lawyer …

Read More »

Exodus ng OFWs sa Middle East iniutos ni Duterte

INUTUSAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghanda para agad mailikas ang libo-libong Filipino sa Gitnang Sila­ngan sakaling tumindi ang tensiyon sa pagitan ng US at Iran bunsod nang pagpatay ng Ameri­ka kay Iranian General Qassem Soleimani. “Nagpatawag si Pangulong Duterte ng meeting kasama ang chief of staff ng AFP kung ano ang magiging …

Read More »

Sa pagpatay ng US kay Soleimani… China, Russia makikinabang — Joma Sison

PABOR sa China at Russia sa pagpaslang ng Amerika kay Iranian General Qassem Solei­mani at mga kasama niyang mga opisyal ng Iran at Iraq sa Baghdad airport kamakailan. Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa isang kala­tas. Aniya, ang mga bansa sa Gitnang Silangan na kinondena ang ‘multiple murder’ na iniutos …

Read More »

Quiapo vendors ‘umiiyak’ ‘di makapagtinda nang maayos

‘UMIIYAK’ na ang mga vendor sa paligid ng Quaipo church dahil sa ginagawang clearing operations para sa pagha­handa ng Traslacion 2020 sa Enero 9. Bagamat nakapuwes­to pa sila sa mga gilid-gilid, daing nila, ang hirap ng kanilang sitwasyon dahil halos wala na silang pagkakataong makapag­tinda at kumita nang maayos ‘di tulad sa mga nagdaang panahon. Reklamo ng ilang tinder, maaari …

Read More »

Para sa Traslacion 2020: Zero vendor sa Quiapo, utos ni yorme

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang zero vendor policy sa darating na pista ng Itim na Nazareno sa 9 Enero 2020. Hindi papayagan ni Isko na makapagtinda ang ambulant vendors partikular sa kasagsagan ng  Traslacion 2020. Ang pagbabawal ay ipinahayag ni Mayor Isko sa kanyang “The Capital Report” na nagpa­pa­hayag na tablado ang lahat ng vendor at …

Read More »

Sa Lucky Plaza, Singapore… 2 Pinay todas sa car crash, 4 pa sugatan

PATAY ang dalawang babaeng overseas Filipino workers (OFW) habang apat na iba pa ang sugatan nang masagasaan ng isang kotse sa katabing kalsada ng Lucky Plaza mall sa Singapore kahapon ng hapon, 29 Disyembre. Kinompirma ni Minister and Consul General Adrian Cando­lada ng Philippine Embassy sa Singapore na pawang mga Filipina ang mga biktima sa nasabing freak accident. Dinala ang …

Read More »

P4.1-T 2020 nat’l budget maingat na binubusisi ni Duterte

TODO ang pagbusisi ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa P4.1 trilyon 2020 national budget. Pahayag ito ng Palasyo matapos ratipi­kahan ng dalawang kapu­lungan ng kongreso ang pambansang pon­do. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababago ang paninindigan ni Pangulong Duterte na i-veto ang mga probisyon na taliwas sa Saligang Batas. Una rito, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroong P83 bilyong …

Read More »

Mungkahi ng NDF: Ceasefire sa Pasko aprub sa Palasyo

Malacañan CPP NPA NDF

KINOMPIRMA ng Malacañang na inire­komenda ng government peace panel at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magdeklara ng ceasefire ngayong Kapaskuhan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang tugon si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomen­da­syon ng dalawang grupo. Ipinanukala ng govern­ment peace panel at NDFP na ipatupad ang tigil-putukan sa hating­gabi ng 23 Disyembre 2019 at tatagal …

Read More »

17,000 ANGKAS bikers ‘jobless’… Iregularidad sa LTFRB ruling, umalingasaw

SUMINGAW ang iregu­la­ridad sa proseso ng bagong Technical Working Group para sa motorcycle taxi na naging daan sa pagpapalabas ng kautusan na nagta­tanggal sa trabaho sa 17,000 Angkas drivers simula ngayong Kapas­kuhan.  Mariing kinondena kahapon ni George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, ang umano’y hindi patas at hindi makatarungang ruling na nilagdaan ng bagong Technical Working Group (TWG) head …

Read More »

Sa Pulse Asia Survey: Cayetano, highest sa pagtaas ng rating

NAITALA ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pinakamataas na pagtalon ng approval at trust rating sa Pulse Asia Survey sa apat na pinakamatataas na opisyal ng bansa kabilang na dito si Pangulong Duterte   Vice President Leni Robre­do at Senate President Tito Sotto. Ang survey ay isinagawa mula 3-8 Disyembre kasabay ng pagho-host ng Filipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) …

Read More »

House Speaker Alan Peter Cayetano nakakuha ng pinakamataas na approval at trust ratings, ayon sa Pulse Asia survey

Lumabas na si Speaker Alan Peter Cayetano ang nanguna sa apat na pinakamataas na opisyal ng bansa sa bagong survey na inilabas ng Pulse Asia, kung saan siya ay nakakuha ng mataas na approval at trust ratings simula pa noong Setyembre. Ayon sa poll mula December 3 hanggang December 8, ang approval rating ni Speaker Cayetano ay nasa 80 percent, …

Read More »

Aktres, on drugs pa rin?

blind item woman

ANG kontrobersiyal na aktres palang ito ang personal na bumibili ng kanyang mga gamot sa botika. Minsan ay nangailangan niyang bilhin ang isang iniresetang gamot ng kanyang doctor, pero hindi umubra ang dinala’t ipinakita niyang prescription sa counter. Ang siste, nasa ilalim pala ng kategoryang prohibited drugs o substances ang binibili niyang gamot na kailangan ng tinatawag na yellow prescription. Kumbaga, hindi …

Read More »

Sa 2009 Ampatuan massacre… 8 Ampatuans, 20 pa kulong habambuhay

RECLUSION perpetua ang ipinataw na parusa batay sa hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa ilang miyembro ng pamilya Ampatuan kabilang sina Datu Andal, Jr., at Zaldy na napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” sa pagpaslang 57 katao kaugnay ng naganap na Ampatuan massacre noong 2009. Bukod kina Andal, Jr., at Zaldy Ampatuan na dating gobernador ng Autonomous Region for …

Read More »

Digong sa PSG lang puwedeng magmotorsiklo (Hinigpitan ng PSG)

INAASAHAN ng Presidential Security Group (PSG) na pangunahing target ng asasinasyon ng New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte. “We expect that the President is number one in their list,” sabi ni PSG Commander BGen. Jose Niembra sa press briefing kahapon sa Palasyo. Tiniyak ni Niembra, may sapat na kakayahan ang PSG para proteksiyonan ang Pangulo. “So as to …

Read More »

Taas sahod aprobado sa Kamara

IPINASA na sa Kama­ra ang panukalang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang kawani ng gobyerno sa pangat­lo at huling pagbasa sa panukala kahapon. Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quim­bo, ang House Bill No. 5712 ay nagtutulak sa mga kawani ng go­byerno para maging mabilis at mahusay sa serbisyo publiko. Ani Quimbo, ang mataas na sahod ay nagreresulta sa mas produktibong …

Read More »

Onerous provisions sa water concession agreement ipinasilip

tubig water

SINABI ni Go na pina­titingnan ni Pangulong  Duterte sa DOJ ang mga onerous provisions sa concession agreement ng dalawang water company sa gobyerno na hindi pabor  sa taong bayan. Ayon kay Go, intere­sado ang pangulo na malaman kung bakit nagkaroon ng provisions sa kasunduan na hindi pabor sa consumers. Binigyang diin ni Go, dapat ay interes ng mga Filipino ang mangibabaw sa lahat …

Read More »

Pasahe minamanipula ng grab, Angkas, aprobahan na — Imee

“SINUSUBOK ng Grab ang pasensiya ng kani­lang mga pasahero.” Ito ang galit na pahayag ni Senador Imee Marcos matapos ulanin ng reklamo ang Grab dahil sa lampas-dobleng singil sa pasahe gayong naki­pagkasundo sa gobyerno na lilimitahan ang fare hike ngayong Disyembre sa 22.5 porsiyento lamang. “Monopolisado ng Grab ang ride-hailing service kaya nila naga­gawa ito. Dapat maging mapagbantay tayong lahat …

Read More »

Isko, MPD sumalakay sa ‘Recto university’

GINALUGAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama ng mga pulis ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Bernabe Balba ang tinaguriang “Recto university” sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila. Umarangkada ang grupo ng alkalde dakong 11:00 am  para ilunsad ang “Operasyon Baliko” upang galugarin ang mga gawaan ng pekeng doku­mento at iba pang ilegal na aktibidad …

Read More »

Zaldy Ampatuan inilabas sa ospital para sa promulgasyon

INILABAS na sa Makati Medical Center (MMC) si dating Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan kaha­pon ng hapon at inaa­sahang haharap sa pagbasa ng hatol ngayon. Bantay sarado ng mga tauhan ng Makati City Police -Special Weapons and Tactics at Bureau of Jail Management Penology (SWAT-BJMP) ang loob at buong paligid ng MMC para masiguro na makadadalo sa …

Read More »

Sa Ampatuan massacre… ‘Guilty’ vs akusado

INAASAHAN ngayong araw ang hatol sa mga akusado sa Ampatuan massacre. Ayon kay Maguin­danao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, sana’y “guilty” ang maging hatol sa pumatay sa 58 katao kabilang rito ang 32 kagawad ng media. Ngayong araw ay babasahan ng hatol ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga akusado sa Ampatuan massacre. “Imposibleng walang makuhang …

Read More »

Rufus sa mga Senador: Maging bukas kayo sa Cha-Cha

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang hepe ng House Committee on Constitutional Amendments, na maging bukas sa panukalang baguhin ang Saligang Batas lalo ang nga probisyong  pang-ekonomiya. “I hope that senators instead of just saying that it (Charter change) is doomed, (that) it’s not a priority, should go into each and every proposal. Are they good for …

Read More »

Palasyo nabahala pero walang paki? 4th forfeiture case vs Marcos ibinasura

NABABAHALA ang Palasyo sa pagbasura ng Sandigan­bayan sa ika-apat na forfeiture case laban sa pamilya Marcos. Gayonman, tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi makikialam ang Malacañang sa kaso. “Any government is concerned with the case filed by it against perceived transgressors of the law but it’s the court that always decides whether you have a case against the accused,” …

Read More »