Sunday , November 24 2024

News

Pagawaan ng pekeng alcohol bistado, Tsinoy arestado

KALABOSO ang isang Tsinoy na nagmamanupaktura ng pekeng alcohol matapos ireklamo ng kanyang mga kapitbahay at opisyal ng barangay, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ni MPD PIO P/Lt. Col. Carlo Manuel, kinilala ang suspek na si Robert Tiu Teng, may address sa Dayao St., Tondo, Maynila at nadakip rin ang ilang tauhan na hindi pa pinangalanan …

Read More »

‘Social distancing’ nilabag… Tupada sinakote, 5 katao kalaboso

Sabong manok

SA MASIKIP at mainit na preso magdaraos ng self quarantine ang limang lalaki matapos maaresto nang salakayin ng Manila Police District (MPD) ang ilegal na tupada sa Parola Compound, Tondo, Maynila. Ayon kay MPD Station 2 commander, P/Lt. Col. Magno Gallora, Jr., nadakip ang mga suspek na sina Jose Gerry Quilator, 48 anyos; Reynaldo Francisco, 43; Gijainquit Bacordo, 49; Arnel …

Read More »

Mag-ama arestado sa pagbebenta ng pekeng gamot sa COVID-19

arrest prison

ARESTADO ng mga awtoridad ang mag-ama sa isinagawang entrapment operation sa online selling ng mga pekeng gamot sa COVID-19 sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong suspek na kinilalang sina Ismael Aviso, Sr., at Ismael Aviso, Jr., kapwa residente sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS). Dakong 3:30 …

Read More »

41 kaso ng COVID-19, naitala sa San Juan

NASA 41 katao ang naitalang tinamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan hanggang kamakalawa ng umaga, 22 Marso. Sa datos ng lokal na pamahalaan, pinakamaraming naitala sa Bgy. Greenhills at Bgy. West Crame dahilan para ikonsidera ang dalawang barangay bilang ‘hotspots.’ Sa listahan ng local health office nabatid ang bilang sa Barangay Balong-Bato – 1; Barangay Corazon …

Read More »

24-oras curfew inilatag na… ECQ sa Montalban doble higpit na

Motalban Rodriguez Rizal

TODO-HIGPIT ngayon ang lokal na pamahalaan ng Montalban matapos ilatag ang 24-oras curfew sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine matapos na isang residente ang tamaan ng coronavirus 2019 (COVID-19). Sa anunsiyo mula sa tanggapan ni Montalban Mayor Tom Hernandez, dalawang oras na lamang ang pamamalengke mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at hindi maaaring lumagpas dito. Inatasan na rin niya …

Read More »

Huli sa isoprophyl alcohol hoarding… 3 arestado sa Bulacan

NADAKIP ang tatlong suspek na ilegal na nagtitinggal (hoarding) ng isopropyl alcohol sa entrapment operation ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Kaingin, sa bayan ng San Rafael, kamakalawa, 22 Marso. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, ang mga naarestong suspek na sina Marvin Verdillo, 27 anyos; Jose Rafael de Guzman, 36 …

Read More »

Wala nag mabilhan… Libreng PPE ipagkakaloob ng DOH sa ospital na kapos sa supplies

MAMAMAHAGI ng personal protective equipment (PPE) ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na naubusan ng supply dahil sa paghawak ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Health spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan magpadala ng mga ospital ng request sa e-mail address na: [email protected]. “Pagkatanggap ng requests ipoproseso ito ng DOH at maglalaan ng …

Read More »

Accreditation ID ‘di kailangan ng health workers

HINDI kailangan ng health workers na kumuha ng accreditation mula sa Inter-Agency Task Force, dahil ang kanilang identification card mula sa Department of Health (DOH) ay sapat na upang hindi sila maharang sa itinayong checkpoints sa ilalim ng enhanced community quarantine laban sa coronavirus 2019 o COVID-19. Ito ang pahayag ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kasunod ng pahayag …

Read More »

Espesyal na sesyon ng mga senador walang quorum

SINIMULAN ng senado ang ipinatawag na special session ng dalawang kapulungan ng kongreso upang mabigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para labanan o tugunan ang suliranin sa coronavirus 2019 o COVID-19. Ngunit agad na ipinatigil ang sesyon ng senado dahil sa kawalan ng quorum ng mga senador na dumalo sa sesyon. Bukod kay Senate President Vicente Sotto …

Read More »

Sa Pasay City… 3 positibo sa COVID-19

TATLONG bagong kaso ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Pasay City, iniulat kahapon. Base sa ulat ng Pasay City Public Information Office (PIO) kahapon dakong 12:00 nn, umabot sa 43 ang kanilang persons under monitoring (PUMs), na ang lima rito ay hindi galing sa Pasay City habang 34 persons under investigation (PUI), walo rito ang residente sa lungsod at 26 …

Read More »

150 health workers ng The Medical City isinailalim sa quarantine

PANSAMANTALANG isinailalim sa quarantine ang 150 health workers ng The Medical City sa Pasig City dahil sa kanilang exposure sa ilang pasyente ng ospital na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Inamin ito ng presidente at chief executive officer ng ospital na si Dr. Eugenio Jose Ramos sa isang panayam, na nagpayo sa ilang nurse at doktor na umuwi muna at …

Read More »

Health Sec. Duque negatibo sa COVID-19

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Sec. Francisco Duque III. Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, lumabas ang resulta ng test na ginawa sa kalihim nitong nakalipas na linggo. Nasa mabuting lagay ngayon si Duque na nananatiling naka-work from home. Unang inirekomenda ang pagpapa-test sa COVID-19 ni Duque matapos mabatid na ilang beses siyang …

Read More »

13,054 global death toll sa COVID-19

NADAGDAGAN ng 1,667 ang bilang ng mga namatay sa buong mundo bunsod ng coronavirus o COVID-19, iniulat kahapon. Dahil dito, umabot sa 13,054 ang global death toll mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa Italy, naitala ang pinakamaraming bilang ng namatay sa nakalipas na 24 oras. Umabot ito sa 793. Narito ang death toll sa iba’t ibang bansa: China …

Read More »

‘Emergency powers’ para sa pondong walang ‘mandatory bidding’ isinulong?

KAPANGYARIHANG bumili ng telecom facilities, properties, protective gear, at medical supplies na hindi idaraan sa mandatory bidding ang inihihirit na emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso. Ito ang kumalat na impormasyon kahapon. Bahagi umano ng mga probisyon ng panukalang batas na Bayanihan Act of 2020, idedeklara nina Pangulong Duterte ang isang COVID-19 national emergency na magbibigay sa kanya …

Read More »

Positibong balita laban sa COVID-19 ng media inspirasyon sa publiko

philippines Corona Virus Covid-19

HINIMOK ng ilang kongresista ang mga miyembro ng media na maglabas ng mga positibong istorya tungkol sa isyu ng COVID-19 upang mabigyan ng pag-asa ang sambayanang Filipino. Ayon kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga at Batangas Rep. Raneo Abu importanteng mabigyan ng halaga ang positibong kaganapan laban sa coronavirus (COVID-19)  upang magkaroon ng inspirasyon ang taong bayan na magkaisa laban …

Read More »

Vico Sotto at Isko Moreno, deadma sa trike ban ng Palasyo

DEADMA sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so sa panawagan ng Palasyo na ipagbawal sa kanilang mga siyudad ang pagbiyahe ng tricycle para sa emergency cases at exempted sa travel ban. Binatikos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang hiling na exemption ni Sotto sa tricycle sa travel ban …

Read More »

P4-M shabu kompiskado sa ‘supplier’ ng ilegal na droga

shabu drug arrest

NABUKO ang tangkang pagdadala ng isang lalaking supplier ng shabu sa Pampanga na kinuha pa sa kanyang ‘source’ kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Taguig. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, P/Maj. Gen. Debold Sinas, ang inarestong suspek na si Gilberto Lagunzad, 29 anyos, walang trabaho, tubong Tacloban, Leyte kasalu­kuyang naninirahan sa Adian 2 Extension, Barangay …

Read More »

DOTr nagpadala ng 10 bus para sa health workers

NAGPADALA ng sam­pung bus ang Department of Transportation (DOTr) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na magsi­simula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang magsilbing service vehicle ng health workers na apektado ng “enhanced community quarantine” o “total lockdown” sa buong Luzon. Ayon Kay DOTr Assistant Secretary Mark de Leon, iba’t ibang ruta ng mga naturang bus na mag-iikot …

Read More »

DFA muling nagpasaring sa Immigration

NAKATIKIM muli ng banat mula kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin ang Bureau of Immigration (BI). Sa kanyang post sa twitter account, sinabi ni Locsin na ang BI ang may kasalanan kung bakit hindi makalipad ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na sasakyan sana ng overseas Filipino workers (OFWs) na pabalik sa Hong Kong. Sinabi ni …

Read More »

Foreigner, OFWs, balikbayans puwedeng bumiyahe

INILINAW ng Palasyo na tanging ang mga turistang Pinoy lang ang pagbabawalang maka­labas ng bansa habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine sa rehiyon dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga outbound passenger ay maaaring umalis ano mang oras kahit umiiral ang quarantine. Gayonman, dapat ang kanilang departure ay naka-schedule sa loob ng 24 …

Read More »

ECQ pass ipamamahagi sa Maynila

IPINAHAYAG ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mam­amahagi ang mga barangay sa Kamaynilaan ng home quarantine pass sa bawat pamilya sa gitna ng “enhanced com­munity quarantine” na ipinatutupad sa Luzon. Sa Facebook post ni Sangguniang Kabataan Chairman Erick Lat, ibinahagi niya ang larawan ng passes na ibibigay sa bawat bahay sa Barangay 775 sa Santa Ana, Maynila. Maaaring gamitin …

Read More »

7,000 namatay sa COVID 19 sa buong mundo

UMABOT na sa 7,984 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay matapos na makapagtala ng 823 binawian ng buhay sa nakalipas na mag­damag. Ang Italy ay mayroon nang 2,503 bilang ng mga namatay habang 988 ang bilang sa Iran. Narito ang breakdown ng mga naitalang namatay sa iba’t ibang bansa at …

Read More »

Ayuda sa kawani ng Quezon city hall hiniling sa konseho

QC quezon city

BUNSOD ng kinakaharap na krisis ngayon dahil sa ipinatutupad na “enhanced community quarantine” dala ng coronavirus disease (COVID 19), isang panukalang resolution ang ipinanukala sa Quezon City Council para matulungan ang mga empleyado ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng calamity at financial assistance sa mga kawani ng pamahalaan ng lungsod Quezon. Isang resolution ang ipinanukala ni 5th District Councilor …

Read More »