Thursday , June 4 2026

Dating UEP President natagpuang patay, timbog na suspek umamin sa krimen

ARESTADO ang isang 22-anyos construction worker na pinanini­walaang suspek sa pagpaslang kay Rolando Delorino, dating pangulo ng University of Eastern Philippines (UEP) sa bayan ng Catarman, lalawigan ng Northern Samar, kahapon, Linggo, 13 Hunyo.

Kinilala ni P/Col. Arnel Apud, hepe ng Northern Samar police, ang suspek na si Alvin Plandez, 22 anyos, mula sa Brgy. Cag Abaca, sa naturang bayan.

Ani Apud, natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamagitan ng kuha sa CCTV.

Nang dakpin ng mga awtoridad, suot pa rin ng suspek ang parehong damit nang paslangin ang biktima at nasa kanya pang pag-iingat ang kutsilyong ginamit.

Ayon kay Apud, bumalik ang suspek sa pinangyarihan ng krimen upang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Sa kanyang pagkakadakip, inamin ni Plandez ang krimen at sinabing inutusan siya ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na patayin si Delorino at kung hindi ay pamilya niya ang mapapahamak.

Samantala, tinitiyak pa umano nina Apud ang impormasyon mula sa suspek na kasalukuyang nasa kanilang kustodiya.

Nabatid na miyembro ang suspek ng isang robbery-extortion group at nauna nang naaresto sa isang kaso noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Natagpuan ng kanyang anak na babae si Delorino na naliligo sa sariling dugo sa kanilang bahay sa Brgy. Dalakit, Catarman dakong 5:45 am.

Pinaniniwalaang sanhi ng agarang pagka­matay ng biktima ang ilang saksak ng kutsilyo sa kanyang katawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …