Sunday , November 24 2024

News

24-oras total lockdown sa Parola iniutos ni Mayor Isko

GALIT na inutos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapatupad ng 24-oras total lockdown sa Parola Compound, Barangay 20, Zone 2 District 1, Tondo, Maynila matapos ang ulat na paglabag ng mga residente sa enhanced community quarantine. (ECQ) Ipinatupad ang total lockdown sa Parola Compound simula kahapon 8:00 pm, hanggang ngayong Miyerkoles, 15 Abril, alinsunod sa nilagdaang Executive Order …

Read More »

No. 1 na sa Southeast Asia… PH COVID-19 case sumampa sa 5,223

philippines Corona Virus Covid-19

NANGUNGUNA na ang Filipinas sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia, higit pa sa Malaysia, para sa isang puwestong hindi nanaisin  ng mga bansa sa rehiyon. Nitong Lunes, 13 Abril 2020, inihayag ng Department of Health (DOH) nadagdagan ng 284 bagong kaso ng COVID-19, na umabot sa 4,932, kapos para sa 5,000 marka. Kahapon, Martes, 14 Abril, nadagdagan pa …

Read More »

PH at China magkasangga, US problema — Duterte (Sa panahon ng COVID-19 pandemic)

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang China ang tunay na kasangga ng Filipinas sa panahon ng coronavirus (COVID-19) pandemic sa buong mundo habang ang Amerika ay bahagi ng problema ng bansa. Sa kanyang briefing kamakalawa ng gabi, ipinagmalaki ng Pangulo na tiniyak sa kanya ni China President Xi Jinping ang buong suporta sa Filipinas kontra COVID-19 bilang pagtanaw ng …

Read More »

Apela ni Binay: Cremation sagutin ng govt

UMAPELA si Senator Nancy Binay na akuin ng gobyerno ang gastusin sa pagpapa-cremate ng mga labi ng mga biktima ng COVID-19. Ayon kay Binay, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang mga labing hindi nailalabas sa mga ospital ay dahil walang pantubos o pambayad ang pamilya sa punerarya para sa cremation. “Sa tingin ko, kayang sagutin ng gobyerno ang …

Read More »

2017 Outstanding Cop, nagpaanak ng buntis

NAIRAOS nang maayos ang panganganak ng isang 23-anyos ginang sa pagtulong ng isang outstanding cop ng Valenzuela City Police, na kasalukuyang duty frontliner sa Barangay 764 Zone 83, San Andres, Maynila kamakalawa. Sa ulat ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-Ps6), nakapanganak nang maayos si Shiela Mae Villegas, sa kanilang bahay sa tulong ni P/Lt. Jhonn Florence Alacon, …

Read More »

Misis sinapak, binantaang papatayin, Mister deretso sa hoyo

arrest posas

SA KULUNGAN bumagsak ng isang 37-anyos driver matapos sapakin at pagbantaan na papatayin ang kanyang asawa makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega ang suspek na si Randy Dechaca, residente sa Anneth 1, Brgy. Marulas na nahaharap sa kasong physical injury at grave threat in relation to RA 9262 …

Read More »

5 bagets arestado sa Valenzuela  

ARESTADO ang limang bagets dahil sa paglabag sa curfew hour sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Nahuli ang mga bagets sa kahabaan ng Tamaraw Hills Extension, Brgy. Marulas sa nasabing lungsod. Agad dinala ang mga kabataang gala at maging ang kanilang mga magulang sa police station sa Marulas 3S Center para ibigay ng …

Read More »

Bebot na tulak, timbog sa buy bust  

shabu drug arrest

KAHIT may lockdown dahil sa coronavirus (COVID-19), isang 25-anyos na babae ang walang takot na nagbebenta ng ilegal na droga na naaktohan ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Lourdes Caguia, alyas Enang ng Phase 1A, Hapaap St., Brgy. North Bay Boulevard …

Read More »

Navotas, may kaso ng COVID-19 positive  

NAITALA ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City, kahapon. Sa post ni Mayor Toby Tiangco sa kanyang Facebook account, ang PUI na namatay ay nagpositibo sa COVID-19 at inaasahan na mas darami pa ang bilang dahil ang namatay ay galing sa mataong lugar. Ang nasabing lugar naman ay laging nahuhulihan ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ). …

Read More »

62-anyos stall owner positibo sa COVID-19; Trabajo market lockdown  

Covid-19 positive

TOTAL lockdown ang Trabajo Market nang matuklasang nagpositibo sa coronavirus ang isang negosyante ng karne sa nasabing palengke. Isa ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa palengke habang isa ang person under investigation (PUI) at isa ang person under monitoring (PUM). Isang negosyante ng karne ang kompirmadong naospital sa Philippine General Hospital (PGH) at nitong Sabado ng gabi lumabas ang resulta …

Read More »

Citywide liquor ban, ipatutupad sa Maynila  

liquor ban

IPINAG-UTOS at agarang ipinatupad ang citywide liquor ban ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa buong Maynila. Nakapaloob ang nasabing kautusan sa Ordinance No. 5555 na kinabibilalangan ng pagbebenta at paggamit o pag-inom ng nakalalasing na inumin sa lahat ng kalye sa lungsod. Ang hakbang ni Mayor Isko ay kaugnay ng reklamo laban sa mga residenteng matitigas ang ulo na …

Read More »

San Juan Mayor sumailalim sa 14-day self quarantine

AGAD sumalang sa 14-araw self quarantine si San Juan Mayor Francis Zamora makaraang isa sa staff niya ang nagpositibo sa novel coronavirus o COVID-19. Ayon sa alkalde, nasa perfect physical kondisyon siya at walang sintomas ngunit sumailalim siya sa 14-day self quarantine para sa kaligtasan ng mamamayan ng lungsod ng San Juan Nangako rin siya sa mga kababayan na kahit …

Read More »

Taytay Mayor Gacula tinamaan COVID-19

INAMIN ni Taytay Mayor Joric Gacula sa pamamagitan ng Facebook live nitong Linggo ng hapon (29 Marso) na tinamaan siya ng COVID-19 ayon sa kanilang family doctor. Aniya, nakaramdam na siya ng pananakit ng lalamunan, sininat, at gininaw simula noong nakaraang Martes ng umaga, 24 Marso. Agad  siyang nagkonsulta sa kanilang family doctor na si Dr. Sonny Uy at pinayohan …

Read More »

NPA ‘nagtaksil’ sa ceasefire — Palasyo

Malacañan CPP NPA NDF

PAGTATAKSIL ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo na nagsasagawa ng community work sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal kamakalawa. Kahapon, 29 Marso, ipinagdiwang ng NPA ang kanilang ika-51 anibersaryo. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paglabag ito sa idineklarang ceasfire ng magkabilang panig sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19. “This armed attack by the NPA …

Read More »

Cebu lady physician patay sa COVID-19 asawang doktor kritikal

PANGALAWA sa talaan ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Cebu ang isang pathologist na nagtatrabaho sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC). Kinilala ang doktor na si Dr. Helen Tudtud, 66 anyos, binawian ng buhay noong 27 Marso, apat na araw matapos pumanaw ang unang COVID-19 patient sa lungsod na isang 65 anyos lalaki. Samantala, nasa kritikal …

Read More »

Allowance sa volunteer doctors at nurses isinulong

IMINUNGKAHI ni Rep. Eric Go Yap ng ACT-CIS Party-list  na bigyan ng allowance ang volunteer doctors at nurses na nasa frontline ng laban sa COVID-19. “We are more than willing to pay what is due for our volunteer doctors and nurses and we will look into this asap,” ani Yap. “Gaya ng mga nasabi ko, itong COVID-19 crisis ay isang …

Read More »

Pasyente, 7 pa patay sa sumabog at nagliyab na eroplano (Sa NAIA runway 24)

Ulat kinalap ng Editorial Team  WALONG pasahero, na kinabibilangan ng isang pasyente, ang iniulat na namatay nang sumabog at magliyab ang isang pribadong eroplano na nakatakdang sumalipawpaw patungong Japan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kagabi. Sa inisyal na impormasyon, nabatid na ang eroplano, isang civilian aircraft na pag-aari ng Lion Air Incorporated, RPC 5880 ay nasa dulo na ng …

Read More »

Dahil sa COVID-19… Pampanga health chief pumanaw na

BINAWIAN ng buhay si Dr. Marcelo Jaochico, health chief ng lalawigan ng Pampanga at dating nagsilbing manggagamot sa mga rural communities, noong Martes, 24 Marso, matapos ang kaniyang pakikipaglaban sa coronavirus (COVID-19). Ayan sa anak ni Dr. Jauchico na si Cielo, sa kabila ng pagpanaw ng kaniyang ama, nagpapasalamat siya na natanggap nila ang resulta ng mga pagsusuri bago siya …

Read More »

Isko nakahanda sa ‘mass outbreak’ ng COVID-19

HANDA si Manila Mayor Isko Moreno sakaling magkaroon ng “mass outbreak” ng COVID-19 sa Maynila. Sa ginanap na public briefing ng Laging Handa, sinabi ni Moreno na iko-convert niya ang sampung palapag na gusali ng Sta. Ana Hospital bilang COVID-19 hospital. Una nang binuksan ni Moreno ang 10/F ng gusali bilang isang Infectious Disease Control Center na may 19 kuwartong …

Read More »

Sen. Go sasailalim sa self-quarantine

“IT IS unfortunate that Cong. Eric Yap has tested positive for COVID-19. We are currently initiating contact tracing, particularly those present during a meeting I attended last Saturday.” Ito ang panimulang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang desisyon na sumailalim sa self-quarantine matapos kompirmahin ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na siya ay positibo sa COVID-19. “Puro …

Read More »

COVID-19 Protocols nilabag… Party-list solon positibo, Palace officials delikado

MAAARING ituring na persons under investigation (PUIs) ang mga miyembro ng gabinete at ilang mambabatas dahil nakasalamuha sa isang pulong kamakailan sa Palasyo si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Batay sa kalatas ni Yap, humingi siya ng dispensa sa mga nakahalubilo niya mula noong nakalipas na 15 Marso dahil sampung araw o kahapon …

Read More »

COVID-19 positive… Sen. Koko Pimentel nagrekorida sa Makati hospital

nina NIÑO ACLAN at CYNTHIA MARTIN NAIRITA ang pamunuan ng Makati Medical Center sa ginawang paglabag sa home quarantine protocol ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, na pinag-usapan sa iba’t ibang chat group kahapon. Tinawag ng MMC na “irresponsible” at “reckless” ang ang senador dahil sa ginawa niyang paglabag habang ang buong bansa ay nasa ilalim ng matinding pag-aalala sa …

Read More »

Lisensiya tatanggalin… Puneraryang di tatanggap ng patay got-la kay Yorme

KAKANSELAHIN ang permit ng mga puneraryang tatanggi sa mga labi ng mga pasyenteng namamatay sa mga ospital sa Maynila. Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasabay ng panawagan sa lahat ng punerarya sa lungsod na tanggapin ang mga labi at bigyan ng karampatang serbisyo. “Sa lahat ng punerarya, ayokong may mauulit na insidente na may isang …

Read More »