Tuesday , December 16 2025

News

Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 

nakaw burglar thief

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery store at tumangay ng mga gamit at paninda sa bayan ng Candaba, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 2 Oktubre. Batay sa ulat mula kay Pampanga PPO acting Provincial Director P/Col. Alvin Consolacion, dakong 1:00 am, nang magresponde ang mga tauhan ng Candaba MPS na pinamumunuan …

Read More »

Media freedom coalition sinuportahan ng Canada, UK, Denmark, at France vs broadcast journalist slaying

Percy Lapid Canada UK Denmark France

SA KANILANG twitter account, inihayag ng Canadian Embassy sa Filipinas ang kanilang matinding malasakit sa pagpaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa, a.k.a.Percy Lapid ng hindi kilalang mga suspek ng nakaraang gabi.                 Anila, ang pagpaslang sa isang mamamahayag ay may hagupit sa sentro ng malayang pamamahayag at maaaring lumikha ng panlalamig na makaaapekto sakakayahan ng mga mamamahayag na …

Read More »

Pagpaslang sa veteran broadcast journalist kinondena ng mundo

100522 Hataw Frontpage

MATAPOS manawagan sa publiko ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) na sumama sa pagkondena sa pagpaslang sa ikalawang mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos-Duterte, bumuhos ang simpatiya at pakikiisa hindi lamang ng mga kapwa Filipino kundi pati ang mga dayuhang embahada na nasa bansa.                Unang nagpahayag ng mariing pagkondena ang NUJP sa pagpaslang sa broadcast journalist …

Read More »

2 manggagantso timbog sa bitag

arrest posas

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng mga awtoridad matapos ireklamo ng panggagantso sa ilang mga residente sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 2 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang dalawang arestadong suspek na sina Albert Tipace at Arczel Jhoanna Lynee …

Read More »

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

100422 Hataw Frontpage

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo ng armadong riding-in tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nitong Lunes ng gabi, 3 Oktubre, sa lungsod ng Las Piñas. Kinilala ang biktimang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, komentarista sa kanyang programang “Lapid Fire” sa estasyon ng radyong DWBL, at may libo-libong …

Read More »

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng Pamahalaang Panlalwigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Development Enterprise Office ang buong buwang selebrasyon ng 2022 Cooperative and Enterprise Month sa pamamagitan ng Cooperative Parade Kickoff Ceremony and Kooplympics na dinaluhan ng 2,500 na mga miyembro at mga opisyal na ginanap sa …

Read More »

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

Bulacan Recuers Luksang Parangal

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon. Sa ngalan nina George E. Agustin mula sa Iba O’ Este, Calumpit; Troy …

Read More »

Sean de Guzman, markado ang husay sa pelikulang Fall Guy

Sean de Guzman Fall Guy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIGURADONG madadagdagan pa ang dalawang acting trophy ni Sean de Guzman para sa pelikulang Fall Guy. Ibang klase kasi ang ipinakita niyang husay ng performance rito, ibang Sean de Guzman ang mapapanood sa pelikulang ito ng award-winning director na si Joel Lamangan. Napanood namin ang private screening nito at talagang markado ang role ni Sean …

Read More »

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

Genesis Gallios

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the Entertainment Bar na si Genesis Gallios titled Reign, na ginanap sa Manila Hall Centennial Hall noong Sabado ng gabi. Ito ay mula sa partnership ng Gergal Production at Ka Freshness ni Wilbert Tolentino. Nagsimula ang show sa pamamagitan ng isang production number ni Mommy Gen sa tugtuging Vogue at This Is Me Remix, kasama ang GMale, Pink …

Read More »

Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding

Bulacan

MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, Setyembre 27, 2022, matapos lumikas sa pananalasa ng super typhoon Karding noong Lunes. Sa kanilang pananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa Bulacan, tumanggap ang mga evacuees ng family food packs (FFP) at non-food items (NFI) kabilang na ang emergency kits na may lamang mga …

Read More »

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

 ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng buhay noong kasagsagan ng super typhoon Karding ang nakatakdang ganapin sa Biyernes, Setyembre 30, 2022, alas 3:00 ng hapon sa Bulacan Capitol Gymnasium dito. Tinawag na “Salamat at Paalam… Bayaning Tagapagligtas! Luksang Parangal para sa mga Yumaong Lingkod Bayan”, dadaluhan ito ng pamilya ng mga …

Read More »

Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD

BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog at higupin ng drainage system sa kasagsagan ng ulan sa Pandi, Bulacan, Setyembre 27. Ang biktima ay kinilalang si Prince Marvin B Mortejo, 2-taong gulang, na ang pamilya ay naninirahan sa Pandi Residence 3, Mapulang Lupa kung saan naganap ang insidente. Ayon kay Raymond Austria, …

Read More »

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

Bulacan Police PNP

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug suspek at anim na law offenders ang naaresto sa pinatindi pang operasyon ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga. Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na PP 578,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa mga drug dealer …

Read More »

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na benepisyo para sa mga first responder na tumutulong sa panahon ng mga sakuna. Namatay ang mga rescuer na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, Narciso Calayag habang nagsasagawa ng operasyon sa gitna na pananalasa ng bagyong Karding sa Luzon nitong weekend. …

Read More »

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

FRIENDSHIP route sticker las pinas

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang pagpapalawig ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) ng 20 araw simula 22 Setyembre 2022 sa inilabas nitong 72-hour temporary restraining order (TRO) na inisyu noong 19 Setyembre 2022. Ipinahayag ni Senadora Cynthia Villar, pinalawig ang TRO  hanggang 9 Oktubre 2022  matapos makita ng korte …

Read More »

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) sa kanilang aplikasyon kahit kompleto sa mga rekesitos ng pag-i- import ng diesel mula sa middle east. Batay sa reklamo ni Ms. Zasa Aliman, ang Vice President ng Stone Hope Company, kompleto na sila ng requirements na hinihingi …

Read More »

Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO

Arrest Posas Handcuff

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ang naarestong suspek na si Henson Francisco, alyas Iking, 33 anyos, hinihinalang pusher. Batay sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City police sa pangunguna ni …

Read More »

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

shabu drug arrest

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Jovel De Leon, 29 anyos, Redelin Gatbonton, alyas Len-Len, 43 anyos, kapwa ng Malabon City, at Mark Edwin …

Read More »

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

NBI

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win Gatchalian upang ibalik ang natapyas na pondo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa susunod na taon. Nagpahayag ng pagkabahala ang senador matapos bawasan ang 2023 budget ng ahensiya batay sa National Expenditure Program (NEP). Mula sa aktwal na pondong P2.3 bilyon ngayong taon, …

Read More »

Para sa bigas at toma vs Karding
KELOT ‘SUMALIKWAT’ NG BATERYA NG BANGKA NAGHIMAS NG MALAMIG NA REHAS SA NAVOTAS 

arrest prison

SA KULUNGAN sinalubong ng isang 23-anyos na ‘naghanda’ ng bigas at toma sa pagdating ng super typhoon na si Karding matapos nakawin ang baterya ng bangkang pangisda ng kanyang kabarangay sa Navotas City, nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang  suspek na si Alexander Pascua, 23 anyos, residente sa M. Ablola St., Brgy. Tangos – South. Batay sa ulat ni …

Read More »

Inihabilin ng erpat sa dalawang kuya
3-ANYOS ANAK NG LABORER AT INANG OFW TODAS SA SUV

road accident

PATAY ang isang 3-anyos nene nang masagasaan ng isang sport utility vehicle (SUV) habang naglalakad  kasama ang isa pang kapwa paslit, sa Parañaque City nitong nakaraang Martes, 20 Setyembre. Ang biktima, kinilalang si Rhaymarie Jane Sampang, residente sa Barangay San Antonio, Parañaque City. Reklamong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries  ang isinampang kaso sa driver na si Rodolfo …

Read More »

 “Sige sign out na ako…”
BINATA NAGPAALAM SA KAIBIGAN SAKA NAGBARIL SA SARILI 

dead gun

NAGAWA pang magpaalam sa babaeng kaibigan ang 23-anyos binata bago nagbaril sa sarili sa loob ng silid ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi. Ang biktima, kinilalang si Dan Carlo Martin Domingo, 23 anyos, binata, residente sa No. 10 Dali St., Fillinvest II, Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon …

Read More »

Sa agrikultura
P141.38-M PINSALA NI KARDING 

092722 Hataw Frontpage

TINATAYANG aabot sa P141.38 milyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dulot ng bagyong Karding, batay sa inisyal na taya ng Department of Agriculture (DA). Ayon sa DA, ang initial assessment ay sumasakop sa 16,229 ektarya ng lupa sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon, simula 12 pm nitong Lunes, 26 Setyembre 2022. Nangangahulugan ito na …

Read More »