Thursday , June 4 2026
Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the Entertainment Bar na si Genesis Gallios titled Reign, na ginanap sa Manila Hall Centennial Hall noong Sabado ng gabi. Ito ay mula sa partnership ng Gergal Production at Ka Freshness ni Wilbert Tolentino.

Nagsimula ang show sa pamamagitan ng isang production number ni Mommy Gen sa tugtuging Vogue at This Is Me Remix, kasama ang GMale, Pink Manequins, at Pink Goddesses. 

Hindi lang birthday dinner show ang naganap noong Linggo, kundi ipinakilala at ini-launch din ni Mommy Genesis ang bago niyang produksiyon na  ikinukonsidera niya bilang bagong baby. Ito ay ang Gergall Productions.

Sabi ni Mommy Genesis tungkol dito, “Dapat next year ko pa siya balak i-launch on my golden year. But since my eagerness and willingness to pursue its launch this year is very strong and timely! Ito ‘yung matagal ko nang plano 20 years ago. Ito ‘yung pangarap ko noong panahong nagsisimula pa lang ako sa industriya. ito ang pinakahihintay kong panahon para ipakilala sa inyo ang Gergall Productions!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …