BINATIKOS ng isang makabayang kongresista ang desisyon ng Malacañang na magtalaga ng isang pulis bilang undersecretary ng Kagawaran ng Kalusugan. “We need a competent and trustworthy Health secretary now, not a Tokhang general,” ani House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro. Desmayado si Castro sa pagkakatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan …
Read More »Dapat may kakayahan at mapagkakatiwalaan
Militarisasyon sa DOH, tutulan
‘BLOODY TRACK RECORD’ NI CASCOLAN, ‘DI DAPAT PAGTIWALAAN – HEAD 
ni ROSE NOVENARIO BINATIKOS ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kay dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan bilang Department of Health (DOH) undersecretary. Ayon sa HEAD, ang paghirang ni FM Jr., kay Cascolan kahit maraming mas kalipikado ang eksperto sa kalusugan ay patunay na hindi pagsasaayos ng kalusugan ng mga …
Read More »
Sa Calamba, Laguna
MOST WANTED SA CALABARZON ARESTADO
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa CALABARZON sa ikinasang manhunt operation nitong Linggo ng hapon, 23 Oktubre, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO ang suspek na si Richard Lizano, residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Calamba CPS, nadakip ang …
Read More »
Sa Batangas
HOSPITAL STAFF TINODAS SA FRAT ANNIVERSARY PARTY
PATAY ang isang 42-anyos empleyado ng isang pagamutan habang dumadalo sa anibersaryo ng kanyang fraternity sa lungsod ng Batangas nitong Linggo ng gabi, 23 Oktubre. Kinilala ng Batangas PPO ang biktimang si Delfin Gonday, Jr., residente sa Brgy. Kumintang, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng pulisya, sinabing magkasama ang biktima at ang suspek na kinilalang si Felicimo Padilla nang …
Read More »
Sa Maguindanao
KONSEHAL PATAY SA AMBUSH 
NAMATAY habang itinatakbo sa ospital ang konsehal ng Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa national highway sakop ng Brgy. Pagagawan nitong Lunes ng tanghali. Ayon kay P/Lt. Nurjhasier Sali, acting police chief ng Datu Montawal MPS, kabababa ng biktimang si Konsehal Mubarak Moby Abubakar mula sa kanyang pulang Mitsubishi pick-up sa tabing …
Read More »Pampanga PPO OIC itinalaga
PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre. Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan. Si P/Col. …
Read More »6 drug suspects, 25 sugarol nakalawit sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na nadakip ang anim kataong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at 25 sugarol sa pinaigting na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inaresto sa bisa ng search warrant ng San Jose del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte ang suspek …
Read More »Liza sa pagtangkilik sa K Drama: Hindi minadali, may solid support
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAWALAN ng local content na magugustuhang panoorin ng mga Pinoy mula sa mga local producers. Ito ang ibinigay na dahilan ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño ukol sa mungkahing i-ban ang mga Korean series sa Pilipinas.sa suporta Nag-ugat ito sa naging pahayag kamakailan ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa tagumpay ng mga K-drama sa bansa …
Read More »
P .1-M shabu kompiskado
‘JOKING’ TIMBOG SA BUY-BUST OPS
NAKUHA ang mahigit sa P149,600 halaga ng shabu sa isang 32-anyos tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief ang suspek na si Jun-jun Setazate, alyas Joking, residente sa Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing siyudad. Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), SDEU team dakong …
Read More »
Di-sinungaling, di-nasusuhulan
K9 IDARAGDAG SA BILIBID 
ILALAGAY sa entry at exit point ng New Bilibid Prison (NBP) ang karagdagang K9 Dog, ayon kay Officer-In- Charge, Bureau of Correction (OIC-BuCor) Director General Gregorio Catapang. Inihayag ito ni Catapang at sinabing uunahin niya ang repormasyon at mahigpit na panuntunan sa loob at labas ng BuCor. Sa isang press conference sa BuCor ng kauupong Director General, tumanggi siyang magbigay …
Read More »Bangkay ng babae lumutang sa estero
ISANG bangkay ng hindi kilalang babae ang lumutang na hinihinalang ilang araw nang patay sa esterong nag-uugnay sa baybaying dagat Linggo ng tanghali sa Navotas City. Sa pagsisiyasat ni Navotas police homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, namamaga na ang mukha at buong katawan ng babaeng tinatayang nasa 5’2 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na short pants. …
Read More »
Marijuana inihalo sa upo’t kalabasa
PAMANGKIN NG PROV’L MAYOR KASABWAT, TIKLO SA BUY-BUST
NAHULIHAN ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos P1 milyong halaga ng marijuana ang dalawa katao, isa sa kanila ay nagpakilalang pamangkin umano ng isang mayor sa lalawigan, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila. Base sa ulat ng NCRPO, nakatanggap sila ng tip mula sa concerned citizens kaugnay sa ilegal na transaksiyon ng mga …
Read More »2 menor de edad nag-cutting classes, huli sa marijuana
NAG-CUTTING CALSSES at humantong sa kulungan ang ‘adventure’ ng dalawang binatilyong estudyante nang mahulihan ng hihithitin sanang marijuana sa loob ng isang parke sa Quezon City, Lunes ng hapon. Sa report ng Kamuning Police Station (PS-10) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 12: 40 pm nitong Lunes, 24 Oktubre nang maaresto ang dalawang estudyante na parehong 15-anyos, sa Fitness …
Read More »2 bata patay sa sunog
DALAWANG BATA ang namatay matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Valenzuela City Fire District Director F/Supt. Anamie Legaste, ang magkapatid na sina si Jhenea Macey Eucacio, 9 anyos, at ang kanyang kapatid na si Jeana Cassy, ay napaulat na na-trapped sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Urrutia St., Brgy. …
Read More »Mekanikong senglot nanghimas ng bebot saka nanutok ng boga sa hoyo nahimasmasan
SA KULUNGAN nahimasmasan ang lasing na mekaniko matapos pagbantaan at tutukan ng baril ang isang babaeng vendor na kanyang hinimas ang mga hita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Christopher Rafael, 41 anyos, ng Poblacion, nagpakilalang mekaniko, residente sa Brgy. Loma Degato, Marilao, Bulacan Batay sa pinagsamang …
Read More »
Sa PH entry
eARRIVAL CARD IN, ONE HEALTH PASS OUT 
IPATUTUPAD simula 1 Nobyembre 2022 ang paggamit ng Electronic Arrival Card (eArrival Card) scan-and-go system sa mga paliparan sa buong bansa para sa mga biyaherong papasok ng Filipinas. Naniniwala ang administrasyong Marcos Jr., na magiging mas maalwan para sa mga pasaherong papasok ng bansa kasabay ng pagbibigay ng proteksiyon sa publiko laban sa CoVid-19 ang implementasyon ng eArrival Card kapalit …
Read More »
Tumalon mula sa condo
‘FUR MOMMY’ NAG-SUICIDE KASAMA NG ‘FUR BABY 
ni ALMAR DANGUILAN ISINAMA ng isang ‘fur mommy’ ang kaniyang alagang aso sa kaniyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng nirerentahang condominium sa Quezon City, Linggo ng gabi. Ang biktima, kinilalang si Cecilia Canoy Nieva, 47, empleyado sa Manila City Hall, residente sa No. 837-A Basa St., Brgy. 50, Tondo Maynila, at may condo unit sa Celandine Residences …
Read More »Ika-339 taon pagkakatatag ng Angat, Bulacan, ipagdiriwang ngayon
IDARAOS ngayong Lunes, 24 Oktubre, ang ika-399 taon pagkakatatag ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan na katatampukan ng mga programang isasagawa sa kanilang munisipyo at simbahan sa pangunguna ni Mayor Jowar Bautista. Unang naging matagumpay ang inilunsad na Himig ng GulayAngat Festival Song Writing Competition noong 16 Oktubre, sa Greenfields Resort, Brgy. Binagbag, Angat. Kasabay nito, idinaos ang …
Read More »Tulak pumalag sa aresto, dedo sa enkuwentro
NAPATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang drug operation ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 22 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang napatay na suspek na si Rene Redobla, alyas Empoy, residente sa Brgy. Perez, sa nabanggit na lungsod. Batay …
Read More »
Sa Farmers’ Field School
512 BULAKENYONG MAGSASAKA, MANGINGISDA NAGTAPOS NG TRAINING COURSES 
NAGTAPOS at nakompleto ng apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay; nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani; at tumanggap ng kanilang katibayan sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium, lungsod ng Malolos. Pahayag ni Gobernador Daniel Fernando, buo ang suporta …
Read More »P197-M plunder sa NPO execs
ni ROSE NOVENARIO NAHAHARAP sa kasong plunder, graft and corruption, grave misconduct, at gross neglect of duty ang ilang matataas na opisyal ng National Printing Office (NPO) sa Office of the Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng P197-milyong transaksiyon sa isang pribadong printing company para sa nakaraang May 2022 elections. Isinampa ng anti-corruption group Task Force Kasinag ang mga reklamo laban kina …
Read More »P4P sa SMC: Maging transparent sa petisyong taas-singil sa koryente
PINAYOHAN ng Power for People Coalition ang San Miguel Corporation (SMC), na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking generation companies sa bansa, na maging transparent sa petisyon nito kamakailan na taasan ang singil sa koryente sa lugar ng prankisa ng Manila Electric Company (Meralco). Sa paglalathala ng liham mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), sinabi ng energy consumer advocacy group, pinabulaanan …
Read More »Mining, quarrying sa Bulacan pansamanatlang ipinagpaliban
SA isang follow-up meeting kasama ang sektor ng pagmimina na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, lalalawign ng Bulacan, nitong Huwebes, 20 Oktubre, inihayag ni Gob. Daniel Fernando na pansamantalang ipagpapaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad sa Executive Order No. 21-2022 sa 26 Oktubre na nagsususpendi sa pagmimina at pagka-quarry sa …
Read More »Bulacan kaisa sa pagdiriwang ng Nat’l Indigenous People’s month
BILANG pakikibahagi sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” ngayong Biyernes, 21 Oktubre, sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, sa bayan ng Norzagaray. May temang “Pagsasakatuparan ng mga …
Read More »Most wanted estapadora ng Bulacan arestado
NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang babaeng matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa hukuman na kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na si Marichu Vivas, residente sa Brgy. San Pablo, Hagonoy, nakatalang most wanted person sa municipal …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com