Friday , January 10 2025

News

Magsasaka arestado sa P6.8M shabu sa QC

Magsasaka arestado sa P6.8M shabu sa QC

Inaresto ang isang magsasaka na hinihinalang tulak makaraang mahulihan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBrig. Gen. Remus Medina, ang suspek na si Kanda Andongan Usman, 35, magsasaka at residente ng 011 Consultant Road, Dupax St., Brgy. Matandang Balara, Quezon City. …

Read More »

7 coastal waters positibo sa red tide

red tide

Inanunsiyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong MIyerkules na pitong coastal waters ang positibo sa red tide sa mga lalawigan sa bansa. Ito ay ang Bolinao sa Pangasinan; Milagros sa Masbate; Dauis sa Bohol; Tagbilaran sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay sa Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur. Dahil …

Read More »

Droga 35 gramo, nasabat 3 ex-convicts, balik-selda

arrest, posas, fingerprints

BALIK sa kulungan ang tatlong dating persons deprived of liberty (PDL) nang masakote ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operations sa bayan ng Taytay,  Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga naarestong sina Michael James Bueno, alyas Barog, Mark Christian Natividad, alyas Bilog, at Ranny James …

Read More »

Kambal na pagsabog yumanig sa Basilan

explosion Explode

NIYANIG ng magkahiwalay na pagsabog ang parking area ng isang fastfood chain at isang bus terminal sa lungsod ng Isabela, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes ng hapon, 30 May. Ayon kay P/Col. Jun Sittin, hepe ng Isabela CPS, naiulat ang unang pagsabog sa parking area ng isang fast food chain dakong 5:33 pm. Agad nabatid na faulty wiring ang dahilan …

Read More »

Alagang baka sinubukang paliguan
TOTOY SA PANGASINAN NALUNOD SA ILOG, PATAY

Lunod, Drown

BINAWIAN ng buhay ang isang 8-anyos batang lalaki nang malunod sa Ilog Agno, sa bayan ng Alcala, lalawigan ng Pangasinan, habang pinaliliguan ang kanilang alagang baka. Kinilala ang biktimang si Jozzel John Rigor, 8 anyos, grade 2 pupil, mula sa Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan, kasama ang kanyang tatlong pinsan, ay nagdesisyong tulungan ang kanyang mga magulang sa …

Read More »

Kasapi ng KFR group,
4 CHINESE NATIONALS PATAY SA SHOOTOUT

dead gun police

PATAY ang apat Chinese nationals na hinihinalang mga miyembro ng kidnap-for-ransom group sa shootout laban sa mga pulis nitong Lunes ng gabi, 30 Mayo, sa lungsod ng Lapu-Lapu, lalawigan gn Cebu. Naganap ang insidente nang tangkaing iligtas ng mga pulis ang isang 70-anyos Chinese national sa loob ng isang ekslusibong subdivision sa Brgy. Bangkal, sa naturang lungsod. Ilalabas ng Anti-Kidnapping …

Read More »

Single mom, ginahasa, pinatay sa bigti ng dyowa

harassed hold hand rape

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang babaeng napag-alamang solo parent, pinaniniwalaang ginahasa at binigti sa loob ng kanyang sariling tahanan sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 29 Mayo. Sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ang biktimang si Regine Sebastian, 30 anyos, isang negosyante. Nakita nag biktima noong Linggo ng tanghali na tadtad ng pasa …

Read More »

Ika-12 drug-cleared barangay sa Navotas, binati ni Tiangco

Navotas

BINATI at pinuri ni Mayor Toby Tiangco ang Brgy. Daanghari bilang 12th barangay sa Navotas na idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Inabot ni Tiangco, kasama ang mga representative mulas sa PDEA at Philippine National Police – Navotas, ang drug-cleared certificate kay Alvin Oliveros, Daanghari barangay chairperson. “Despite the challenges of the pandemic, Navotas continued its relentless campaign …

Read More »

P.2M shabu nasabat sa drug ops
4 TULAK ARESTADO

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhaan ng higit P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 9:15 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, kasama …

Read More »

Wanted sa qualified rape
LABORER, NALAMBAT SA NAVOTAS

prison rape

HINDI nakapalag nang arestohin ang isang laborer na wanted sa kasong qualified rape matapos malambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Bagsak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Anthony Verutiao, 35 anyos, residente sa R10 Sitio, Sto. Niño, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Proper ng nasabing lungsod. Ayon kay Navotas City police …

Read More »

5 drug suspects kulong sa droga, mga baril at bala

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

HULI ang limang drug suspect sa isinagawang pagsalakay ng mga operatiba ng Southern Police District – Drug Enforcement Unit (SPD-DEU), District Intel Division, at District Mobile Force Battalion sa isang drug den sa C6 Service Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City. Sinabi ni SPD Director, P/BGen. Jimiili Macaraeg, ang drug den ay minamantina ng isa sa mga suspek na …

Read More »

Sa Taguig City
WORLD BIKE DAY HINIKAYAT IPAGDIWANG

Taguig bike lane Laguna Lake Highway

HINDI hadlang ang pandemya upang isagawa ang hindi makakalimutang World Bicycle Day Celebration ngayong buwan. Hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga siklista na makiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng World Bicycle Day na magbibigay ng lakas at magandang kalusugan sa katawan ng tao. Magsisimula ang aktibidad ngayong araw, 1 Hunyo,  para sa Taguig Bike Loop Challenge, habang sa 3 …

Read More »

NCRPO inalerto vs atake ng terorista

NCRPO PNP police

IPINAG-UTOS ni National Capital Regional Police Office (NCRPO), Regional Director, P/MGen. Felipe Natividad ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad at police visibility sa paligid ng Metro Manila. Kasunod ito ng dalawang insidente ng pambobomba sa South Cotabato at Sultan Kudarat noong nakaraang linggo. Ayon kay Natividad, isinasaalang-alang na maging isa sa mga target ng pag-atake ng mga terorista at pambobomba …

Read More »

DFA kakasa vs ilegal na aksiyon sa PH maritime jurisdiction

Ayungin Shoal DFA

MAGSASAGAWA ng diplomatikong aksiyon ang Department of Foreign (DFA) laban sa mga paglabag sa soberanya ng Filipinas at mga karapatan nito sa loob ng maritime jurisdiction. Ayon sa DFA, una rito ang illegal activities sa paligid ng Ayungin Shoal ay subject ng diplomatic protests sa paggamit ng mga karapatan at hurisdiksiyon ng Filipinas sa Ayungin Shoal na bahagi ng eksklusibong …

Read More »

Genuine history ituro sa paaralan – Briones

060122 Hataw Frontpage

HINIMOK ni Education Secretary Leonor Briones ang susunod na administrasyon na tiyaking maituturo nang wasto ang kasaysayan at mga aral nito sa mga paaralan. “Hindi ako napapagod na ulit-ulitin na [mag] catch up tayo sa nangyayari sa mundo, ano nangyayari sa pinakabago, pinaka-exciting na development pero huwag natin kalimutan, kailangan itanim natin sa isip natin ‘yung ating kasaysayan, ‘yung hirap …

Read More »

Pag-abandona ng sanggol, naawat

Baby Hands

PANIBAGONG insidente ng pag-abandona sa isang sanggol ang naitala Linggo ng hapon sa Caloocan City. Dakong 5:00 ng hapon nang mamataan ni Irene Miguel, 45, Kagawad ng Barangay 120, BMBA Compoundsa 2nd Avenue sa naturang lungsod ang 15anyos na dalagitang may kapansanan sa pagsasalita at pandinig na karga ang isang tatlo hanggang apat na buwang gulang na sanggol na lalaki …

Read More »

Driver, sugatan…
MACHINE OPERATOR, TODAS SA TRAILER TRUCK

road accident

PATAY ang isang 51-anyos na back-rider habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimamng kinilalang si Ariel Macaraeg, machine operator at residente ng #44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan. Patuloy namanang inoobserbahan sa  Valenzuela Medical Center (VMC) ang  …

Read More »

2 drug suspect todas sa QC shootout

gun QC

Patay ang dalawang hinihinalang drug suspect matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-operation sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City, nitong Lunes ng hapon. Ayon kay QCPD Director, PBrig. Gen. Remus Medina, ang mga supek na napatay ay nakilala lamang sa alias Uncle/Angkol, nakasuot ng black shirt at black short pants habang ang kasama niya ay nakasuot naman …

Read More »

Wish ng DepEd, 100% FACE-TO-FACE CLASSES NEXT SCHOOL YEAR

deped

ni Rose Novenario UMAASA ang Department of Education (DepEd) na siyento por siyentong maipatutupad ang face-to-face classes sa susunod na school year. Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones,an implementasyon ng face-to-face classes ay depende sa lokal na pamahalaan at pagtaya ng Department of Health (DoH). “Sa next academic school year, ini-expect natin a fully 100% na talaga ang pag-implement ng …

Read More »

Nahilo habang nagse-‘selfie
ESTUDYANTE NAILIGTAS NANG MAHULOG SA BANGIN

selfie groupie grandma falling

HIMALANG nakaligtas isang 18-anyos na estudyante nang mahulog sa 50-metrong lalim ng bangin habang nagse-‘selfie’ sa Balete Pass National Shrine, sa Brgy. Tactac, bayan ng Santa Fe, lalawigan ng Nueva Vizcaya nitong Linggo, 29 Mayo. Isa ang Balete Pass National Shrine sa mga makasaysayang lugar sa lalawigan na kilalang pinupuntahan ng mga lokal at mga banyagang turista. Tinatawag ding Dalton …

Read More »

Sa Mabalacat City, Pampanga…
MONTE DEN SINALAKAY, 4 NA ILIGALISTA TIKLO

arrest, posas, fingerprints

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang monte den sa lungsod ng  Mabalacat, sa lalawigan ng Pampanga na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na kataong naaktuhan habang nagsusugal nitong Linggo, 29 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat CPS kay P/Col. Alvin Consolacion, acting police director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Mabalacat CPS …

Read More »

Nataranta sa tumirik na jeep babae tumalon, patay

jeepney

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng tumalon mula sa sinasakyang jeep nang nataranta dahil sa pagtirik nito sa daan sa bayan ng San Guillermo, lalawigan ng Isabela, nitong Linggo, 29 Mayo. Batay sa imbestigasyon ng San Guillermo MPS, kinilala ang biktimang si Josie Ordenas, 51 anyos, na namatay dahil sa pinsala sa kanyang ulo. Papunta sanang sentro ng bayan ang …

Read More »

Sa 1 linggong SACLEO sa Bulacan…
P.79-M DROGA NASAMSAM, 382 LAW VIOLATORS TIMBOG

Bulacan Police PNP

SA pagtatapos ng isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nakumpiska ang higit sa P797,000 halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 382 kataong lumabag sa batas hanggang nitong Linggo ng gabi, 29 Mayo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, nakumpiska ang P797,764 halaga ng hinihinalang ilegal na droga …

Read More »