Saturday , April 27 2024
Daniel Fernando Bulacan

Gov. Fernando, iginiit ang pagkakaroon ng mas ligtas at payapang probinsiya

BINIGYANG DIIN ni Gobernador Daniel R. Fernando na seryoso siya pagdating sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang lalawigan habang pinamunuan ang 1st Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) kamakalawa sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

“Kailangan po nating bantayan mabuti itong mga kaso ng shabu, marijuana, at cocaine dito sa atin. Wala pa tayong ordinansa sa kasalukuyan, but I’ll give my directives regarding sa mga checkpoint para masuri mabuti kung may nakakalusot na mga iligal na droga,” ani Fernando.

Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat para sa patuloy na suporta mula sa bawat miyembro ng konseho at iginiit ang kahalagahan ng pagkakaisa upang mapanatili at makamtan ang mga layunin ng konseho ngayong taon.

“Marami pa po tayong gagawing mga trabaho and I hope na harapin natin ito nang maayos at katuwang natin ang isa’t isa para mapanatili ang kaayusan. Basta sa Bulacan, gawin natin ang kapayapaan, harangin natin ang lahat,” anang gobernador.

Sumentro ang diskusyon sa mga posibleng hamon na maaaring harapin ng Bulacan sa pagsisimula ng taon pati na rin ang mga hakbang na kinakailangang gawin ng mga konseho upang malutas ang mga ito.

Upang magkaroon ng mas malinaw na pag-unawa, inilahad sa presentasyon ng Bulacan Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency Bulacan, PTF-ELCAC, 70th Infantry Battalion of the Armed Force of the Philippines, at Department of the Interior and Local Government Bulacan ng mahahalagang hakbang upang mapanatili ang implementasyon ng mga programa para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan kabilang na ang implementasyon ng drug clearing program sa mga barangay, pagsasagawa ng mga checkpoint, at pagpasa ng lokal na ordinansa upang mapabuti ang pagpapatupad ng batas sa trapiko.

Bago matapos ang pagpupulong, ipinagkaloob ang mga sertipiko ng pagkilala sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan bilang recipient ng Seal of Good Local Governance at pagpasa sa tamang rating sa 2023 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment at Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC). (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …