SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOBRANG na-enjoy ng fans gayundin ng entertainment press at nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ang isinagawang livestream sa Facebook page at Youtube channel ng The IdeaFirst Company para sa kanilangGameboys Season 2. Panay kasi ang biruan nina Elijah at Kokoy at marami rin ang nagsasabing sweet ang mga ito. At dahil nasa season 2 na ang Gameboys may nagtanong sa kanila kung ano pa ang …
Read More »
Matapang kapag nakainom
SENGLOT TIKLO SA BOGA
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtatapang-tapangan matapos ireklamo ng pagbabanta at pagpapaputok ng baril habang nasa impluwensiya ng alak sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 22 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang suspek na si Dindo Carballo, residente sa Brgy. Ugongm Valenzuela, na dumayo ng Marilao …
Read More »Tandem na HVT ng ‘Gapo nasakote P.4-M shabu nasamsam
ARESTADO ang dalawang nakatalang high value target (HVT), nakompiskahan ng higit sa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa lungsod ng Olongapo nitong Linggo, 22 Mayo. Batay sa ulat ni P/Col. Carlito Grijaldo, acting city director ng Olongapo CPS, nagsagawa ang mga elemento ng CPDEU, PS3 SPDEU, at OCMFC ng anti-illegal drug operation sa loob ng …
Read More »
Umawat sa pagwawala tinaga
KAGAWAD SUGATAN, SA UTOL NA INUTAS NG REVOLVER
SUGATAN ang isang barangay kagawad matapos tagain ng nakababatang kapatid na kalaunan ay kaniyang nabaril at napatay dahil ayaw magpaawat sa pagwawala sa Brgy. Basak, bayan ng Cauayan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo, 22 Mayo. Kinilala ang kagawad na si Freddie Baballero, 51 anyos, tinaga ng kaniyang nakababatang kapatid na si Richard. Ayon kay P/Lt. Col. Roberto Indiape, Jr., …
Read More »
Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO
PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off (RORO) passenger vessel, may sakay na 135 katao, halos 1,000 metro ang layo mula sa pier ng Real, sa lalawigan ng Quezon nitong Lunes ng umaga, 23 Mayo. Ayon kay Philippine Coast Guard Public Affairs Office chief, Commodore Armando Balilo, inilabas ang paunang ulat na …
Read More »
Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK
ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Tantawi Salic, alyas Tangie, 35 anyos, residente sa Phase 12, Riverside Brgy. …
Read More »462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi
PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 Marawi Siege na matatagpuan sa Barangay Patani. Ang handover ceremony ay dinaluhan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlements and Development (DHSUD) Secretary Eduardo D. Del Rosario at iba pang opisyal. Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Japan government …
Read More »Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA
KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions ang lahat ng pumping stations. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, pinaghandaan ng ahensiya ang panahon ng tag-ulan, kasama ang mga pumping stations na nakatulong sa pagpigil ng matinding pagbaha sa Metro Manila. Sinabi ni Artes, mababa ang elevation ng Metro Manila kaya kapag high …
Read More »P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers
TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na drug pushers nang salakayin ng pulisya ang isang drug den sa Parañaque City kamakalawa. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, BGen. Jimili Macaraeg ang mga nahuling suspek na sina Datupuwa Kanapia Datumantang, 32 anyos, (HVI pusher); Babydhats Kaliman Midtimbang, 31, (HVI at maintainer ng …
Read More »P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado
AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang nakompiska ng mga awtoridad nang mahuli ang walong tulak sa magkakahiwalay na buy bust operations sa Parañaque City kamakalawa. Kinilala ni P/BGen. Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Joshua Christopher Buenconsejo, 26 anyos, residente sa Road 7, …
Read More »Pagsirit ng presyo ng gasolina asahan diesel, kerosene magbabawas
MALAKING pagtaas ng presyo ng gasolina ang ipatutupad ngayong araw ng Martes habang malaki ang ibabawas sa presyo ng diesel at kerosene kada litro. Ayon sa magkahiwalay na advisories, ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil Philippines Inc., at Total Philippines ay magpapatupad ng P3.95 patong sa presyo kada litro ng gasolina habang babawasan ng P2.30 ang …
Read More »NBoC panel sa senado kompleto na
BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board of Canvassers (NBoC) na magbibilang ng boto at magpoproklama ng mga nagwagi nitong nakaraang 9 Mayo 2022 presidential at vice presidential elections. Tinukoy ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pito na sina Senate President Ralph G. Recto, Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, …
Read More »
Mainstream media binanatan
REMULLA, JUSTICE SECRETARY NI MARCOS, JR.
ni ROSE NOVENARIO TINANGGAP ni Cavite 2nd District Rep. Boying Remulla ang alok ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr., na maging secretary ng Department of Justice (DOJ) ng kanyang administrasyon. Hindi pa man pormal na nakaupo bilang justice secretary, binatikos agad ni Remulla ang media na aniya’y kontrolado ng malalaking korporasyon at may bisyong banatan ang ‘nation states.’ Sa pananaw …
Read More »Kelot na nanaksak ng trike driver, binaril ng pulis
DEDBOL ang isang lalaking nag-amok at nanaksak ng isang tricycle driver matapos barilin ng isang bagitong pulis nitong Sabado ng umaga, 21 Mayo, sa bayan ng San Pascual, lalawigan ng Batangas. Kinilala ang suspek na si Rolly Axalan, 45 anyos, residente sa nabanggit na bayan, habang ang nagrespondeng pulis ay kinilalang si Pat. Jonathan Wee Bacroya ng San Pascual MPS. …
Read More »
Sa Villaverde, Nueva Vizcaya,
BUNTIS NANGANAK SA POLICE PATROL CAR, NAGKOMADRONA
NAGSILBING mga komadrona ang mga pulis sa bayan ng Villaverde, lalawigan ng Nueva Vizcaya nang tulungan nilang manganak ang isang buntis na ihahatid sana sa ospital ngunit inabutan ng labor pain sa kanilang patrol car, nitong Linggo ng umaga, 22 Mayo. Magkakatuwang na tinulungan nina Pat. Jardin Paulo Galima at P/Cpl. Kennent Cabanilla, at ilang mga tauhang naka-duty sa Villaverde …
Read More »Mga asong ibibiyahe sa katayan nasagip 3 tirador nasukol
ARESTADO ang tatlong lalaki matapos mahuli sa aktong nagtatago ng mga buhay na aso upang katayin at ibenta sa isinagawang rescue operation sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 21 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng rescue operation ang mga tauhan ng Bustos MPS at Pandi MPS katuwang ang Animal Kingdom …
Read More »
Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY
AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan sa leeg sa isang kalye sa Brgy. Nagsaing, sa bayan ng Calasiao, lalawigan ng Pangasinan, nitong Biyernes ng umaga, 20 Mayo. Ayon sa pulisya, agad binawian ng buhay ang 15-anyos biktima dahil sa anim na tama ng bala sa kaniyang katawan at mga laslas sa …
Read More »24th 3S center sa Vale binuksan
PINANGUNAHAN ni Mayor Rex Gatchalian at Deputy Speaker Wes Gatchalian ang opisyal na pagbubukas ng ika-24 Sentro ng Sama-samang Serbisyo o 3S Center sa Barangay Tagalag kasabay ng isinagawang inagurasyon nito. Ang 24th Sentro ng Sama-samang Serbisyo ay isang two-storey building na may mga pasilidad na binubo ng Barangay Hall, Health Station, Daycare Center, ALS (Alternative Learning System) Center, Sangguniang …
Read More »P1.7 milyon marijuana at shabu nasamsam <br> TULAK NA BEBOT, MENOR DE EDAD TIMBOG
MAHIGIT P1.7 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakompiska sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang menor de edad na nasagip sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Batay sa ulat ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ulysses Cruz, dakong 4:30 am nang magsagawa ang mga …
Read More »
P81-M shabu nasabat,
GEN. DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA
NAGTUNGO si PNP officer-in-charge (OIC) P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa matagumpay na buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kung saan nasabat ang tinatayang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81 milyon sa tatlong high value drug suspects lulan ng isang Honda Civic Sedan. Nasakote sa tapat ng isang convenience store sa kanto ng Maysan Road …
Read More »Galvez Covid-19 Positive
NAGPOSITIBO sa CoVid-19 si National Task Force Against Covid-19 chief Carlito Galvez, Jr., kahapon kaya’t humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga nakasalamuha sa nakalipas na isang linggo dahil kailangan nilang obserbahan ang kanilang mga sarili at sumailalim sa CoVid-19 test. “I wish to inform our countrymen that I have tested positive for CoVid-19 after undergoing my weekly RT-PCR test …
Read More »
Basketball court winasak
BBM YOUTH ‘UMIYAK’ NA INAPI VS ISKO
NAGULANTANG ang mga kabataan sa Brgy. 329, Lope de Vega nang wala man lamang koordinasyon sa kahit kaninong opisyal ng naturang barangay na hahakutin ng pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Department of Public Service (DPS) ang kanilang basketball court. Napag-alaman, noong nakaraang 14 Mayo 2022, nagtungo sa nasabing lugar ang pamunuan ng MTPB at DPS para …
Read More »
‘Patong’ sa illegal gambling?
QC DPOS OFF’L‘NONG-NI’ NG PASUGAL
PUMUTOK ang pangalan ng isang opisyal ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na hinihinalang protektor ng patuloy na operasyon ng ilegal na pasugal sa Quezon City. Ito ay kasunod ng malawakang operasyon kontra sa lahat ng uri ng ilegal na sugal batay sa kautusan ni Quezon City District Director P/BGen. Remus B. Medina. Ayon sa impormasyong nakalap mula …
Read More »P3.4-M shabu ‘nasamsam’ sa 3 biyahero, 5 tulak timbog
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang tinatayang P3,400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong suspek sa isinagawang buy bust operation sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 18 Mayo. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasamsam ang isang selyadong foil pack na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 500 gramo …
Read More »P.25-M droga nasabat 2 tulak tiklo sa Rizal
UMAABOT sa 31 gramo ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) habang arestado ang dalawang pinaniniwalaang mga tulak sa kanilang ikinasang anti-drug operation sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala …
Read More »