Thursday , February 13 2025
riding in tandem dead

Tulak itinumba ng  tandem

PATAY ang isang hinihinalang ‘tulak’ nang pagbabarilin ng  riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa  Quezon City.

Kinilala ang biktima na si  Cris Paul Palcotelo Gapa, 34, residente sa Brgy. Baesa, may mga  tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Christian Loyola ng  QCPD-CIDU,  na nangyari ang  krimen dakong 9:00 pm sa harap ng gate ng Asamba Compound sa Sitio Mendez St., Brgy. Baesa, Quezon City. 

Ayon sa saksi, nakarinig siya ng  magkakasunod na putok ng baril hanggang makita niyang duguang nakabulagta ang biktima.

Nakasamsam sa crime scene ang SOCO Team sa pangunguna ni P/Cpt. Michael Jabel ng dalawang basyo ng bala ng baril at isang  plastic sachet ng shabu.

Sinisiyasat ng pulisya ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Rommel Sales

Check Also

Flood Baha Landslide

Sa La Paz, Leyte
6 magkakapamilya nakaligtas sa landslide

HIMALANG nakaligtas ang anim na magkakapamilya matapos gumuho ang lupa sanhi ng malakas na pag-ulan …

No Firearms No Gun

Para sa ligtas at maayos na halalan sa Mayo
Crackdown sa loose firearms sa Central Luzon pinaigting

SA PAPALAPIT na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2025, pinaigting ng PRO3 PNP …

PNP PRO3

3 tiklo sa back-to-back operations ng PRO3

SA WALANG TIGIL na pagsusumikap at paglaban sa ilegal na droga sa Central Luzon, matagumpay …

Bugoy Drilon Sheryn Regis Rocksteddy

Andew E., Bugoy Drilon, iba pang sikat na performers pabobonggahin kickoff campaign ng ‘Alyansa’ sa Laoag

CAMPAIGN kickoff, may kasama pang party, party! Inaasahang buhay na buhay at super bongga ang …

Crime and Corruption Watch International CCWI Ombudsman

DPWH Usec Pipo, iba pang opisyales nahaharap sa graft charges

HINILING ng Crime and Corruption Watch International (CCWI) sa Office of the Ombudsman na repasohin …