Sunday , November 24 2024

News

Halaga ng P1,000 bill gusot o sira apektado ba? — Salceda

Joey Salceda new 1000 Peso Bill

HUMIHINGI ng paglinaw si Albay Rep. Joey Salceda sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa pahayag nito patungkol sa bisa ng ‘damaged’ P1000 polymer bills na ilalabas ng gobyerno. Ayon kay Salceda (Albay, 2nd district) kailangan linawin ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe M. Medalla kung mawawalan ba ng halaga ang P1,000 perang papel sakaling magkaroon ito ng gusot …

Read More »

Dalaw sa Bilibid timbog sa P2-milyong shabu

shabu drug arrest

TINATAYANG mahigit sa P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakompiska ng mga awtoridad nang tangkaing ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng hapon. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Jimili Macaraeg ang suspek na si Raquel Zuñiga, 33, residente sa Marasaga St., Tatalon, Quezon City. Dakong …

Read More »

NANAY TODAS SA SUMPAK NG 17-ANYOS LASING NA ANAK
Tatay pinagbantaang isusunod

071222 Hataw Frontpage

PATAY ang isang ina makaraang barilin ng sumpak ng binatilyong anak habang nakikipag-inuman sa mga barkada sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Remus Medina, ang biktima ay kinilalang si Violeta Petua Jover, 53, may asawa, walang trabaho, tubong Negros Occidental, at residente sa No. …

Read More »

Wanted sa murder nadaklot ng parak

arrest, posas, fingerprints

HINDI nakapalag ang isang lalaki nang arestohin matapos madiskubreng may nakabinbing kasong murder sa Parañaque City. Magpapasailalim sana sa Witness Protection Program (WPP) ang inaresto ngunit natuklasang may nakabinbing kasong Murder sa Parañaque City. Sinabi ni NCRPO Regional Director P/MGen. Felipe Natividad, walang nagawa ang akusadong si Roque Sumayo na gusto sanang magpasailalim sa WPP pero natuklasang may Warrant of …

Read More »

Direktibang refund ng ERC sa Meralco pinuri ni Gatchalian

UMANI ng papuri mula kay Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) matapos magbaba ng kautusan sa Manila Electric Company (MERALCO) na i-refund sa mga customer ang P21.8 bilyong katumbas ng 87 sentimos kada kilowat hour (kWh).  Ibig sabihin, para sa karaniwang household na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, magkakaroon ng P174 refund sa singil sa koryente simula …

Read More »

PNP Official nagbaril sa sarili  

dead gun

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng kaniyang bahay na hinihinalang nagbaril sa sarili kahapon ng umaga sa Pateros. Ayon sa ulat ng Pateros Municipal Police Station, ang nagpatiwakal ay kinilalang si P/Lt. Col. Junsay Orate, huling assignment bilang officer-in-charge (OIC) ng Administrative and Resource Management Division (ARMD) sa PNP-Special Action …

Read More »

PBBM, wala pang napupusuang  maging PNP chief

Bongbong Marcos PNP chief

WALA pang napupusuan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kung kanino ipagkakatiwala ang pagiging unang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng kanyang administrasyon, dahil patuloy pa itong sinasala. Ang pahayag ay ginawa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., matapos maglutangan ang mga ulat na si P/Lt. Gen. Rhodel Sermonia, PNP …

Read More »

 ‘Katiwalian’ ni Cualoping, ipinabeberipika ng Palasyo

071122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IPINABEBERIPIKA ng Palasyo ang mga ebidensiya ng katiwalian na nakasaad sa petisyon ng mga opisyal at kawani ng Philippine Information Agency (PIA) laban kay Ramon Cualoping III, director-general ng ahensiya. “As with any complaint, the same will be forwarded to the appropriate agency for validation, and the person complained of will be given the opportunity to answer,” …

Read More »

2 miyembro ng akyat-bahay gang nasakote

arrest, posas, fingerprints

WALANG KAWALA ang dalawang hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang nang masukol at maaresto sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 6 Hulyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, napag-alamang dakong 1:00 am nang nakatanggap ng tawag ang Malolos CPS sa naganap na nakawan na kagagawan …

Read More »

Sa serye ng mga operasyon kontra krimen
7 TULAK, 4 PUGANTE, KAWATAN, 2 PA TIMBOG

Bulacan Police PNP

DERETSO sa kulungan ang pitong personalidad sa droga, isang kawatan, apat na pugante, at dalawang pasaway matapos maaresto sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Huwebes ng umaga, 7 Hulyo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, inilatag ang anti-illegal drug operations ng mga police stations …

Read More »

Sa mga nawawalang kabataang babae
GOB. FERNANDO, BULPPO NAGLINAW SA ‘MALING’ ULAT

Sa mga nawawalang kabataang babae GOB FERNANDO, BULPPO NAGLINAW SA ‘MALING’ ULAT

INILINAW ni Bulacan Gov. Daniel Fernando at ng Bulacan PPO ang mga maling impormasyon at ulat na kumakalat sa social media platforms hinggil sa magkakasunod na kaso ng mga nawawalang dalagang nasa edad 13 hanggang 25 anyos sa lalawigan ng Bulacan. Sa isang press conference na pinangunahan ng Provincial Public Affairs Office sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, …

Read More »

Suspek sa pagpaslang sa dalaga sa Bulacan tiklo

Suspek sa pagpaslang sa dalaga sa Bulacan tiklo

ILANG oras matapos matagpuan ang bangkay ng isang dalaga sa Brgy. Tikay, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, naaresto ang sinasabing salarin sa hot pursuit operation na isinagawa ng pulisya nitong Huwebes, 7 Hulyo. Kinilala ang suspek na si Darwin Hernandez de Jesus, nasakote sa bahay ng kanyang ina sa Brgy. Tabang, Guiguinto na nabatid na malapit din sa …

Read More »

Sa Sta. Cruz, Laguna
KARPINTERO TIMBOG SA BUYBUST OPERATION

Sa Sta. Cruz, Laguna KARPINTERO TIMBOG SA BUYBUST OPERATION

NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkahiwalay na buy bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Miyerkoles, 6 Hulyo. Iniulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay CALABARZON Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakaaresto sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operations …

Read More »

EXCLUSIVE  
PIA execs, employees, umalma
PAGTALAGA NI FM JR., SA PIA DIR-GEN PINALAGAN

Ramon Cualoping PIA

ni ROSE NOVENARIO PUMALAG ang mga opisyal at mga kawani ng Philippine Information Agency (PIA) sa pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kay Ramon Cualoping bilang director-general ng ahensiya. Sa ipinadalang petition letter kay Marcos, Jr.,,na nilagdaan ng career officials, regional heads, division heads at employees association representative, nakasaad, “may erratic moods and sullen mind” si Cualoping at inoobliga ang …

Read More »

Binaril ng shotgun habang nangangampanya
JAPAN EX-PRIME MINISTER ABE PUSO HUMINTO, NO VITAL SIGNS

Shinzo Abe Shot

BINARIL habang nagpapahayag ng campaign speech si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa western Japan kaninang umaga. Sa ulat ng NHK news, duguang bumulagta matapos umalingawngaw ang dalawang magkasunod na putok na tumama sa kanyang likod. Agad dinala sa pagamutan si Abe. Ibinalita ng ABC News, ang puso ni Abe ay nasa “stopped condition” at walang vital signs habang …

Read More »

Integridad at kakayahan kailangan sa Bangsamoro Transition Authority

BARMM

KUNG gagamitin ni President Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang poder sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL), mas makabubuting sa BARMM magbuo ng screening committee upang siguruhin na ang lahat ng 80 itatalaga bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay base sa kakayahan at integridad. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman kailangang kilatising mabuti ang mga uupo rito. “Nais …

Read More »

DILG magtatalaga sa DOJ ng representative para sa drug cases

DILG DOJ

MAGTATALAGA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos  ng permanenteng empleyado sa mga fiscals’ office upang umakto bilang kinatawan ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Layunin ng hakbangin para matiyak na ang mga inihahaing kaso ng mga awtoridad ay hindi maibabasura dahil lamang sa teknikalidad bunsod ng …

Read More »

7 bagong opisyal ng Marcos, Jr., admin nanumpa

Bongbong Marcos BBM oath taking cabinet members

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang panunumpa sa tungkulin ng itinalaga niyang pitong bagong opisyal ng kanyang administrasyon. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naturang opisyal sina Cesar Chavez bilang undersecretary ng Department of Transportation (DoTr); ret. Maj. Gen. Delfin Negrillo Lorenzana bilang chairperson ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA); Diorella Gamboa Sotto-Antonio, bilang chairperson …

Read More »

Anti-corruption commission binuwag ni FM Jr.

Bongbong Marcos BBM PACC

ANG Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Cabinet Secretary ang mga ahensiyang unang binuwag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang pag-upo bilang ika-17 pangulo ng Filipinas. Sa nilagdaang Executive Order No. 1 ni Marcos, Jr., sinabing ang paglusaw sa PACC at tanggapan ng Cabinet Secretary ay kaugnay ng ginagawang reorganisasyon sa Office of the President (OP).                …

Read More »

Walang alam sa ‘economics’
FM JR., ‘CLUELESS’ SA KALBARYO NI JUAN DELA CRUZ

070822 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO HINDI ikinagulat ng isang progresibong ekonomista na balewala kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang paglobo ng inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil mismong relo niya ay mas mahal pa sa yaman ng 99% pamilyang Pinoy. Sinabi ni Sonny Africa, Ibon Foundation Executive Director, kapaniwa-paniwala na hindi alam ni Marcos, Jr., ang usapin ng …

Read More »

Dayuhang IT contractor ng LTO ipinaaaresto

LTO Money Land Transportation Office

IPINAAARESTO ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 224 ang apat na opisyal ng Dermalog Identifications Systems, GmBH (Dermalog) – ang banyagang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) sa kasong Qualified Theft. Naglabas ng non-bailable arrest warrants si RTC Branch 224 Presiding Judge Zita Marie Magundayao Atienza-Fajardo laban kina Dermalog Chief Executive Officer/Managing Director Gunther Mull, …

Read More »

Sa Makati City
ELEVATOR BUMULUSOK, 2 INSTALLER PATAY, 2 HELPER SUGATAN

Sa Makati City ELEVATOR BUMULUSOK, 2 INSTALLER PATAY, 2 HELPER SUGATAN

HINDI nakaligtas sa bigat ng bumulusok na elevator ang dalawang installer na binawian ng buhay, habang dalawa ang sugatan sa Makati City, kaninang madaling araw.Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Manuel Linayao at Rey Miguel Gilera, kapwa elevator installer at empleyado ng DLC Contractor.Bukod sa dalawang namatay, sinabing may dalawa pang sugatan.Sa ulat ng pulisya, nabatid dakong 3:20 am …

Read More »

Vivian Velez iniwan na ang FAP

Vivian Velez FAP

HATAWANni Ed de Leon NAG-RESIGN na rin pala si Vivian Velez bilang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP). Ayon sa batas simula pa noong una, iyang FAP ay isang tripartite body na nilikha para sa industriya, kaya nga nariyan ang mga producer na siyang namumuhunan, ang mga manggagawa na may kanya-kanyang guild, at ang director-general na karaniwang inia-appoint din ng presidente …

Read More »

FDCP aaksiyon agad-agad <br> PIPO KOMUNSULTA NA SA MGA LIDER SA INDUSTRIYA 

Tirso Cruz III FDCP

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG masaya nga ang mga lider ng industriya sa pagkaka-appoint kay Tirso Cruz III bilang director-general ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Mabilis namang nakagawa ng konsultasyon si Pip sa mga lider ng industriya para malaman kung ano ang una niyang dapat harapin. Wala namang sinasabi ang mga lider ng industriya laban sa FDCP, maliban sa sinasabing …

Read More »

Anak ni Tito Sotto na si Lala itinalaga ni PBBM bilang bagong MTRCB Chair

Lala Sotto Antonio Bongbong Marcos BBM

ANG anak ni Senate President Tito Sotto na si Lala Sotto-Antonio ang bagong nadagdag sa mga bagong appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kahapon nanumpa si Sotto-Antonio bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Bago ito’y naibalita namin noong July 6 na ang beteranong aktor na si Johnny Revilla ang na-appoint bilang bagong chairman ng MTRCB. Nanumpa pala si Revilla bilang board member …

Read More »