TATLONG nagmula sa media industry ang mga kandidatong susunod na Press Secretary ng administrasyong Marcos, Jr. Sina Atty. Mike Toledo, dating news anchor ng ABC 5, Gilbert Remulla, dating reporter sa ABS-CBN TV, at Cesar Chavez, dating reporter sa DZRH bago naging station manager nito, ay napaulat na pinagpipiliang maging kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na hindi ni-reappoint ni Pangulong …
Read More »
SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS
ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead ayon sa kanilang nakita sa dashcam ng sasakyan at cellular phone ng inambus at napatay na beteranong hard-hitting broadcast journalist na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, nang i-turnover sa pulisya ng naiwang pamilya ng biktima. Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na …
Read More »Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip
INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 3 Oktubre, batay sa sumbong ng mga opisyal ng paaralan na nagdadala ng baril tuwing pumapasok. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Abredo, OIC ng Bulacan PPO, ang suspek ay isang 17-anyos estudyanteng hindi na pinangalanan, at residente sa Brgy. Abangan Sur, …
Read More »2 rapists sa Bulacan deretso sa rehas
NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Bulacan sa ikinasang manhunt operasyon nitong Lunes, 3 Oktubre. Batay sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jimboy Tolentino, 27 anyos, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Sibul, San Miguel, at nakatalang provincial most …
Read More »MWP, kinakasama timbog sa droga
ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jeffrey Concepcion ng Brgy. Loma de Gato, sa nabanggit na bayan, inaresto sa bisa …
Read More »Pagpaslang sa beteranong broadcast journalist ‘di pinalampas ng Partylist
MARIING kinondena ng Kabataan Partylist ang pagpaslang kay Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid, isa sa mga brodkaster na masugid na kritiko ng administrasyong Marcos-Duterte, sa Las Piñas City kagabi. Ayon sa kanyang manugang, binubuntutan si Percy Lapid habang papunta sa kanyang bahay para mag-online broadcasting, pero bago pa man nakapasok sa kanilang village ay pinagbabaril na siya …
Read More »
Alok ni Atty. Alex Lopez
P1-M PABUYA VS KILLER NG BROADCAST JOURNALIST 
NAG-ALOK ng P1 milyong pabuya si Atty. Alex Lopez sa makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa pumaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa, a.k.a. Percy Lapid para sa mabilisang pagdakip sa mga kriminal at pagresolba ng kaso. Kasunod ng pag-aalok ng pabuya ay mariing kinondena ni Lopez ang pagpaslang kay Mabasa (Lapid). Ayon kay Lopez hindi dapat kailanman binubuwag …
Read More »Pagpaslang kay Percy Lapid kinondena ng 2 solons
MARIING kinondena nina Senadora Risa Hontiveros at Senador Robinhood “Robin” Padilla ang pagpaslang kay sa hard-hitting commentator at columnist na si Percival Mabasa, a.k.a. Percy Lapid, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Las Piñas. Ayon kina Hontiveros at Padilla, maituturing na pagyurak sa malayang pamamahayag ang pagpaslang kay Mabasa (Lapid). Nagpaabot ng pakikiramay sina Hontiveros at Padilla sa pamilya at …
Read More »Indignation rally laban sa karahasan at para sa katarungan
PINANGUNAHAN ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang indignation rally sa Boy Scout Monument sa Quezon City na kumokondena sa pagpasalang kay Percival Mabasa, kilala bilang Percy Lapid. Lumahok ang mga miyembro ng mga progresibong grupo, media organizations, at press freedom advocates sa isinagawang indignation program at pag-iilaw ng kandila bilang panawagan ng katarungan sa pinaslang na …
Read More »
Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 
SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery store at tumangay ng mga gamit at paninda sa bayan ng Candaba, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 2 Oktubre. Batay sa ulat mula kay Pampanga PPO acting Provincial Director P/Col. Alvin Consolacion, dakong 1:00 am, nang magresponde ang mga tauhan ng Candaba MPS na pinamumunuan …
Read More »Media freedom coalition sinuportahan ng Canada, UK, Denmark, at France vs broadcast journalist slaying
SA KANILANG twitter account, inihayag ng Canadian Embassy sa Filipinas ang kanilang matinding malasakit sa pagpaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa, a.k.a.Percy Lapid ng hindi kilalang mga suspek ng nakaraang gabi. Anila, ang pagpaslang sa isang mamamahayag ay may hagupit sa sentro ng malayang pamamahayag at maaaring lumikha ng panlalamig na makaaapekto sakakayahan ng mga mamamahayag na …
Read More »Pagpaslang sa veteran broadcast journalist kinondena ng mundo
MATAPOS manawagan sa publiko ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) na sumama sa pagkondena sa pagpaslang sa ikalawang mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos-Duterte, bumuhos ang simpatiya at pakikiisa hindi lamang ng mga kapwa Filipino kundi pati ang mga dayuhang embahada na nasa bansa. Unang nagpahayag ng mariing pagkondena ang NUJP sa pagpaslang sa broadcast journalist …
Read More »2 manggagantso timbog sa bitag
HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng mga awtoridad matapos ireklamo ng panggagantso sa ilang mga residente sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 2 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang dalawang arestadong suspek na sina Albert Tipace at Arczel Jhoanna Lynee …
Read More »
Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA
ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo ng armadong riding-in tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nitong Lunes ng gabi, 3 Oktubre, sa lungsod ng Las Piñas. Kinilala ang biktimang si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, komentarista sa kanyang programang “Lapid Fire” sa estasyon ng radyong DWBL, at may libo-libong …
Read More »Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang
SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng Pamahalaang Panlalwigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Development Enterprise Office ang buong buwang selebrasyon ng 2022 Cooperative and Enterprise Month sa pamamagitan ng Cooperative Parade Kickoff Ceremony and Kooplympics na dinaluhan ng 2,500 na mga miyembro at mga opisyal na ginanap sa …
Read More »Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan
BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon. Sa ngalan nina George E. Agustin mula sa Iba O’ Este, Calumpit; Troy …
Read More »Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’
KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng masama sa pamamagitan ng pagbebenta ng iligal na droga pero hindi ito nakaligtas sa mata ng mga awtoridad na kumalawit sa kanya sa Sta.Maria, Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala ni PLt.Colonel Christian Balucod, acting chief of police ng Sta.Maria Municipal Police Station (MPS) kay …
Read More »Sean de Guzman, markado ang husay sa pelikulang Fall Guy
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIGURADONG madadagdagan pa ang dalawang acting trophy ni Sean de Guzman para sa pelikulang Fall Guy. Ibang klase kasi ang ipinakita niyang husay ng performance rito, ibang Sean de Guzman ang mapapanood sa pelikulang ito ng award-winning director na si Joel Lamangan. Napanood namin ang private screening nito at talagang markado ang role ni Sean …
Read More »Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad
MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the Entertainment Bar na si Genesis Gallios titled Reign, na ginanap sa Manila Hall Centennial Hall noong Sabado ng gabi. Ito ay mula sa partnership ng Gergal Production at Ka Freshness ni Wilbert Tolentino. Nagsimula ang show sa pamamagitan ng isang production number ni Mommy Gen sa tugtuging Vogue at This Is Me Remix, kasama ang GMale, Pink …
Read More »Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding
MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, Setyembre 27, 2022, matapos lumikas sa pananalasa ng super typhoon Karding noong Lunes. Sa kanilang pananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa Bulacan, tumanggap ang mga evacuees ng family food packs (FFP) at non-food items (NFI) kabilang na ang emergency kits na may lamang mga …
Read More »5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay
ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng buhay noong kasagsagan ng super typhoon Karding ang nakatakdang ganapin sa Biyernes, Setyembre 30, 2022, alas 3:00 ng hapon sa Bulacan Capitol Gymnasium dito. Tinawag na “Salamat at Paalam… Bayaning Tagapagligtas! Luksang Parangal para sa mga Yumaong Lingkod Bayan”, dadaluhan ito ng pamilya ng mga …
Read More »
Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD
BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog at higupin ng drainage system sa kasagsagan ng ulan sa Pandi, Bulacan, Setyembre 27. Ang biktima ay kinilalang si Prince Marvin B Mortejo, 2-taong gulang, na ang pamilya ay naninirahan sa Pandi Residence 3, Mapulang Lupa kung saan naganap ang insidente. Ayon kay Raymond Austria, …
Read More »
Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO
TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug suspek at anim na law offenders ang naaresto sa pinatindi pang operasyon ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga. Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na PP 578,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa mga drug dealer …
Read More »Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan
NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na benepisyo para sa mga first responder na tumutulong sa panahon ng mga sakuna. Namatay ang mga rescuer na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, Narciso Calayag habang nagsasagawa ng operasyon sa gitna na pananalasa ng bagyong Karding sa Luzon nitong weekend. …
Read More »
3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA
MAHIGIT P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak ang naaresto sa Olongapo City kamakalawa. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang magkasanib na mga elemento ng CPDEU, PS-3 SPDEU, SOU 3 PNP DEG, at OCMFC ay nagkasa ng anti-illegal drugs operation sa Brgy. New Asinan, Olongapo City. Naging …
Read More »