Sunday , April 6 2025

News

PNoy nagbanta vs MWSS board sa Milyon-milyong bonus (Dahil sa mga kaso ng katiwalian)

IPINASISIBAK kay Pangulong Aquino ang mga opisyales ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tumanggap umano ng milyon-milyong pisong bonus at allowances sa kabila ng ‘di magandang financial performance ng ahensya. Iginiit ng grupo ng mga empleyado sa MWSS board na isauli ang mahigit P1.7 milyon allowance at bonuses na ibinigay sa apat na miyembro ng board sa kabila …

Read More »

Mag-uutol patay 100 bahay naabo sa Maguindanao

PATAY ang magkakapatid habang 100 bahay ang naabo sa naganap na sunog sa Brgy. Taviran, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang bangkay ng magkakapatid na sina Bailingga Benito, 25; Baiculot Benito, 18; at Baishirca Benito, 15-anyos. Sa ulat ng pulisya, bigla na lamang lumiyab ang malaking apoy sa nasabing barangay pagkatapos ng brownout. Hirap …

Read More »

Bigas sa Bohol at Cebu segurado

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na magiging sapat ang supply ng bigas at iba pang pagkain sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao sa kabila ng malaking pinsala na idinulot ng magnitude 7.2 lindol na tumama roon nitong Martes. Base sa huling mga ulat umaabot na sa 144 katao …

Read More »

Crop insurance isinusulong ng solon (Para sa mga magsasaka)

DAHIL sa sunod-sunod na pananalasa ng kalamidad sa sektor ng agrikultura, iginiit ngayon ni COOP NATCO Partylist Rep. Anthony Bravo sa Kongreso ang agarang pagpasa ng kanyang panukalang batas na naglalayong buhusan ng pamahalaan ng sapat na pamumuhunan ang crop insurance upang “bigyan ng paseguro ang puhunang isinugal ng ating mga magsasaka,” lalo na sa produksiyon ng bigas. Ang panukalang …

Read More »

93 patay, 200+ sugatan sa 7.2 lindol (22 simbahan pininsala)

GUMUHO ang 400-anyos estruktura ng San Pedro Church sa Loboc, Bohol, nang tamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao. Hindi rin nakaligtas ang Chocolate Hills view deck at national highway sa sa Carmen Bohol. (Grab sa Facebook mula sa kuha ni Robert Michael Poole) UMAKYAT na sa mahigit 93 ang patay …

Read More »

DepEd supervisor, mister utas sa hired killers (Principal sugatan)

CALASIAO, Pangasinan – Patay ang supervisor  ng Department of Education sa Pangasinan at ang kanyang mister na guro habang sugatan ang isang punong-guro matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Brgy. Mancup sa bayang ito kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mag-asawang napatay na sina Dr. Lelita Rancodo at Rolando Rancodo, parehong residente sa bayan ng Basista, Pangasinan. …

Read More »

Flights nabalam, paglalayag kanselado (Dahil sa lindol sa Bohol at Cebu)

ILANG flights patungong Tagbilaran at Cebu ang nabalam kahapon ng umaga makaraang tumama ang malakas na lindol sa Visayas region. “All Cebu Pacific Air flights from Tagbilaran, Bohol and Cebu are suspended in the meantime, due to a strong earthquake this morning,” anang Cebu Pacific sa kanilang advisory. Ilang oras din nabalam ang Philippine  Airlines flight PR 773 na patungong …

Read More »

200+ barangay sa Masbate nasa election watchlist

LEGAZPI CITY – Nakaalerto ang buong lalawigan ng Masbate para sa nalalapit na barangay elections. Ito’y matapos mailagay sa watchlist ng pulisya ang mahigit kalahati ng kabuuang 550 barangay sa lalawigan dahil sa mga lugar na ito maaaring mangyari ang kaguluhang isinisisi sa mga rebeldeng komunista o ng mainit na pag-aagawan sa pwesto ng mga kandidato. Sa apela ni Masbate …

Read More »

Comedy bar manager, 1 pa patay sa boga

DALAWANG lalaki ang napatay na kapwa biktima ng pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa Maynila iniulat kahapon. Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng MPD homicide, kinilala ang  unang biktimang si  Danilo ‘Dante’ Onanad, 52, manager ng comedy bar, umano’y kolumnista ng Diaryong Pinoy, residente ng Block 5, Ext., Baseco Compound, Port Area, Maynila. Dakong 7:00 ng gabi nakaupo si …

Read More »

Holdaper tigok sa kuyog

PATAY ang isa sa dalawang holdaper nang dumugin ng galit na mga lalaking nakasaksi sa panghoholdap  habang sugatan sa pananaksak ang isa sa mga humabol sa mga suspek sa Pasay City kahapon ng umaga. Halos hindi makilala sa tindi ng pinsala sa mukha ang hinihinalang holdaper na kinilalang si Jayson Encabo alyas “Batman,” residente ng 2430 Gamban Extension, Ilang-Ilang St., …

Read More »

Trike driver dedo, 3 malubha sa adik

ISANG tricycle driver ang namatay habang malubhang nasu-gatan ang tatlong iba pa nang pagbabarilin ng isang adik sa isang lamayan ng patay sa Caloocan City kahapon ng mada-ling araw. Dead on the spot ang biktimang si Cesar Todilla, 44-anyos, ng Pama-Sawata, Brgy. 28 sa nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril …

Read More »

3 carnapper timbog, 2 pa dedbol sa enkwentro

TATLONG carnapper ang nadakip habang dalawa ang napaslang ng mga awtoridad sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Quezon City kahapon. Nasakote ng pulisya ang kilalang carnapper at narekober ang ninakaw na motorskilo habang nagsasagawa ng spotting ope-ration. Kinilala ang notorious carnapper na si Arvy Salvador alyas Neo Salvador, na matagal nang  pinaghahanap ng pulisya dahil sa mga ninakaw na …

Read More »

Karuhatan market admin utas sa bala

PATAY ang isang market administrator matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang naniningil ng renta sa loob ng isang palengke sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Patay agad ang biktimang kinilalang si Juliana Lopez, 42-anyos, residente ng Cristobal, St., Brgy. Karuhatan ng na-sabing lungsod sanhi ng isang tama ng bala nang hindi nabatid na kalibre ng baril sa likurang bahagi …

Read More »

11 adik na parak sinibak

SINIBAK ang 11 pulis sa Region 12 matapos mapatunayang sangkot sa ilegal na droga sa kanilang nasasakupan. Ang mga pulis na sinibak ay pawang nakompirmang positibo sa paggamit ng ilegal na droga at sangkot sa iba’t ibang drug-related activities sa kanilang lugar. Ayon kay Region 12 police director, Chief Supt. Charles Calima, Jr., tinanggal sa pwesto ang 11 pulis na …

Read More »

Fire chief, 2 pa sinibak (‘Di nagresponde sa sunog)

SINIBAK ang isang hepe ng Fire Department at dalawa niyang tauhan makaraang hindi mag-responde sa nangyaring sunog sa pampublikong mataas na paaralan sa Bgy. Unzad Villasis, Pa-ngasinan kamakalawa. Ang mga sinibak ay kinilalang sina FO2 Gusta-vio Gonzales, FO3 Nor-berto Ricarde at ang kanilang hepe na si FO4 Millan Pangan. Ang pagsibak sa tatlong BFP officers ay pormal na inihayag kahapon …

Read More »

GUMUHO ang 400-anyos estruktura ng San Pedro Church sa Loboc, Bohol, nang tamaan ng 7.2 magnitude earthquake ang Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao. Hindi rin nakaligtas ang Chocolate Hills view deck at national highway sa sa Carmen Bohol. (Grab sa Facebook mula sa kuha ni Robert Michael Poole)

Read More »

‘Board exam’ sa Journalists isinulong ng 2 solon

DALAWANG kongresista ang naghain ng panukala na naglalayong isailalim ang sino mang nais magtrabaho sa media na pumasa sa pagsusulit bago bigyan ng akreditasyon bilang miyembro ng press. Sa ilalim ng House Bill 2550, o “Magna Carta for Journalists” na ini-akda nina Reps. Rufus at Maximo Rodriguez, ang mga journalist ay ikaklasipika bilang “accredited” at “non-accredited.” Bubuuin ayon sa panukala, …

Read More »

14 katao arestado sa Jueteng sa Munti

MATAPOS mabunyag sa pahayagang HATAW ang operasyon ng jueteng sa premier city ng Muntinlupa, agad nagsagawa ng operasyon ang isang unit ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa nasa-bing lungsod na ikinaares-to ng 14 katao. Isinailalim sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Supt. Alenzano ang 14 katao at ilan sa kanila ay umamin na kobrador …

Read More »

Megan Young pinarangalan

  PINARANGALAN ng Senado si Megan Young, ang kinatawan ng Filipinas sa katatapos na 2013 Ms World Competition kung saan nasungkit niya ang titulo laban sa mahigit isang daang mga delegado na kinatawan ng iba’t ibang mga bansa. Ang pagpaparangal ng Senado ay ginawa matapos ang paghahain ng resolusyon ni Senador Grace Poe  bilang pagkilala sa beauty queen at tagumpay …

Read More »

P300-B Customs target collection kaya — Biazon

IPINALIWANAG ni Bureau of Custom Commissioner Ruffy Biazon ang suggested policy ng Bureau of Finance (BoF) hinggil sa next-in rank succession, at inilinaw sa Kapihan sa Aduana sa pangunguna ni BoC Press Corps Pres. Chito Junia, na isang general policy na i-adopt ang nasabing patakaran. Bilang pagsunod na rin sa kautusan ng BoC, ipinaliwanag din ni Bia-zon ang target nilang …

Read More »

Grupo ni dating Mayor Leyble inabswelto sa murder

IBINASURA ng Department of Justice ang kasong murder laban kay dating Antipolo City Mayor Danilo Leyble at anim na iba pang respondent kaugnay sa pagpatay sa sinasabing gunman sa nabigong paglikida sa mag-amang sina Antipolo City Mayor Casimiro Jun Ynares III at ama niyang si dating Rizal Gover Caismiro ‘Ito’ Ynares Sa pitong pahinang resolusyon na nilagdaan ni Associate Prosecutor …

Read More »

Sariling etits pinutol kelot agaw-buhay

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang 46-anyos lalaki matapos putulin ang sariling ari sa Brgy. Tabok, Mandaue City, Cebu. Naka-confine ngayon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktimang si Federico de Clarus, ng nabanggit lugar. Sa kwento ng misis niyang si Narcisa, umalis siya ng bahay dahil nagtalo sila ng biktima. Ngunit nang bumalik siya ay nagtago sa likod ng …

Read More »

Tsuper ng jeepney nangholdap kulong, taxi driver hinoldap utas

KULONG ang isang jeepney driver  habang nakatakas ang kanyang  kasamahan matapos hablutin ang bag ng isang dalaga na nag-aabang ng sasakyan  sa Navotas City kahapon umaga. Kinilala ang suspek na si Leonardo Almacen, 29-anyos ng 100 Interior St., Brgy. Bagong  Bayan South (NBBS) sa nasa-bing lungsod na nahaharap sa kasong robbery-snatching habang pinag-hahanap ang kasama ni-yang alyas Nonoy na mabilis …

Read More »