Thursday , June 4 2026

Manager binoga, banko sinunog

KALIBO, Aklan – Patay ang bank manager ng Rural Bank of Ibajay sa lalawigan ng Aklan makaraan barilin at pagkaraan ay sinunog ang banko ng hindi nakikilalang salarin kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Gabriel Manican, residente ng Poblacion Ibajay, Aklan.

Base sa pahayag ni Senior Insp. Ariel Nacar ng Ibajay PNP, nauna silang nakatanggap ng impormasyong nasusunog ang naturang banko.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP-Ibajay) at sa kanilang pagpasok sa banko upang maapula ang apoy, nakita nila ang bank manager na nakaupo sa sahig at duguan.

Dinala sa Ibajay District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.       (B. JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …