BINATIKOS ni Senator Joel Villanueva ang Professional Regulation Commission (PRC) sa muli nitong pagkansela sa nalalapit na Licensure Exam for Teachers (LET), pitong araw bago ang schedule nito sa 26 Setyembre. Tila “stuck in the past” ang komisyon dahil hindi pa rin nasunod ang mandato ng PRC Modernization Act of 2000 na nagtakda sa komisyon na gawing “fully computerized” ang …
Read More »Yaman nina Yang, Lao, at Pharmally directors dapat i-freeze — De Lima
HINILING ni Senadora Leila de Lima sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang agarang pag-freeze sa mga yaman at ari-arian ng Pharmally Pharmaceutical Corporation executives kasunod ng pagtawag sa kanila na “soulless monsters” batay sa takbo ng imbestigasyon ng senado ukol sa pagbili ng luxury cars matapos makuha ang multibillion-peso worth of government contracts. Ayon kay De Lima, Chairwoman ng Senate …
Read More »Pagbuwag sa PS-DBM iginiit ng Solon
IPINABUBUWAG ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang kontrobersiyal na Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM). Ayon kay Rodriguez nababalot sa katiwalian ang ahensiya na binuo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasama sa Bill No. 10222 ang mandato para sa national government agencies, at state-owned or controlled corporations, kolehiyo at …
Read More »Limited f2f classes, aprub sa Palasyo (Kinder hanggang Grade 3 pupils eksperimento)
PINAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng CoVid-19. Inihayag ito kahapon nina Presidential Spokesman Harry Roque at Education Secretary Leonor Briones. Ayon kay Roque, ang mga naturang erya ay tutukuyin ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) at ang in-person classes ay idaraos araw-araw kundi …
Read More »Anak ng bilyonaryo tiklo sa cocaine kasamang pintor natagpuang patay (Sa La Union)
DINAKIP ang anak ng isang prominenteng negosyante matapos makakita ang mga awtoridad ng cocaine sa tinutuluyang silid, na kinaroroonan din ng nobyang walang malay, sa isang hotel sa San Juan, La Union nitong Sabado, 18 Setyembre. Kinilala ni P/Maj. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan MPS, ang suspek na si Julian Ongpin, 29 anyos, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin, …
Read More »Online probe vs Duterte sa EJKs puwede — ex-ICC judge
ni Rose Novenario WALANG makapipigil sa International Criminal Court (ICC) na ilarga ang imbestigasyon sa crimes against humanity of murder kaugnay sa mga naganap na patayan sa drug war kahit harangin ng administrasyong Duterte. Sinabi ni dating ICC Judge Raul Pangalangan na may hurisdiksyon ang ICC sa mga krimen na naganap habang ang Filipinas ay kasapi pa ng Rome Statute. …
Read More »Problema sa Tocilizumab aksiyonan — Bongbong
NANANAWAGAN si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pamahalaan na hulihin at magkaroon ng kampanya laban sa mga nagsasamantala at nagbebenta ng mahal na CoVid-19 drug na Tocilizumab. “Dapat lang na hulihin ang mga taong nagagawa pang magsamantala sa kapwa sa panahong ito na may pandemya. Mga taong walang konsensiya at baluktot ang pag-iisip lang ang nakagagawa ng ganito,” …
Read More »PacMan sasabak na pangulo 2022 (Sa nominasyon ng PDP Laban)
TINANGGAP ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao ang nominasyon ng Partido Demokratikong Pilipino Laban (PDP-Laban) sa ilalim ng kanilang paksyon na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 Presidential election. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang paksyon ang partido at isa rito ang Cusi wing na nag-endoso ng kandidatura ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go bilang presidente, at si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente. Hinihintay …
Read More »Kickback sa Sinovac imbestigahan
NANAWAGAN si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na imbestigahan din ang mga kontratang pinasok ng administrasyong Duterte sa pagbili ng bakuna. Kombinsido si Trillanes na hindi lamang sa pagbili ng medical supplies kumita nang malaki ang ilang opisyal ng pamahalaan kundi nagkaroon din ng kickback sa bakuna. Kapag inilarga aniya ang imbestigasyon sa pagbili ng bakuna ay makikita na …
Read More »Global arrest warrant, nakaamba kay Duterte
NAKAAMBA ang global arrest warrant kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag iniutos ng International Criminal Court (ICC) na dakpin siya sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay sa mga patayan sa isinulong niyang drug war. Paliwanag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa naghain ng reklamo sa ICC, pandaigdigan ang bisa ng warrant of arrest ng ICC kaya ang sinomang …
Read More »Oplan tokhang ebidensiya sa ICC vs EJKs
ni ROSE NOVENARIO ISUSUMITE ng mga abogado ng mga pamilya ng mga pinaslang sa Duterte drug war ang dokumento ng Operational Plan o OPLAN Tokhang sa International Criminal Court (ICC) bilang ebidensiya na naglunsad sa malawakan at sistematikong patayan sa isinulong na drug war ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Atty. Kristina Conti ng Rise Up, ang isa sa grupo ng mga …
Read More »Cayetano hinikayat tumakbong presidente (Daan-daang pastor, simbahan)
DAANG-DAANG pastor at mga simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagkaisa sa panawagan kay dating Speaker Alan Peter Cayetano na tumakbo bilang pangulo sa paparating na halalan. Sa isang bukas na liham kay Cayetano noong 16 Setyembre, sinabi ng 588 pastor, kasama ang 1,564 miyembro ng kanilang mga simbahan, kay Cayetano nila nakikita ang isang lider na kayang …
Read More »‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH
AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ay galing sa P42-B pondo ng Department of Health (DOH) na ipinasa sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Inihayag ito ni Sen. Risa Hontiveros sa panayam sa After the Fact sa ANC kagabi. “Posibleng itunuring ng ilang taga-PS-DM, …
Read More »ICC probe sa tokhang ni Digong umpisa na
ni ROSE NOVENARIO “IT’S over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako doon sa Netherlands patay. You will have a carcass. Hindi ako pupunta roon buhay, mga ulol. Pero ‘pag nakita ko kayo rito, unahan ko na kayo!” Hamon ang bantang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pormal na pagbubukas ng International Criminal Court (ICC) ng imbestigasyon sa …
Read More »2022 budget dagdagan ituon sa batayang pangangailangan (Hamon ng CoVid-19 Delta variant harapin)
IMINUNGKAHI ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na i-overhaul ang panukalang P5.024 trilyong budget sa 2022 upang matugunan ang mga karagdagang hamon dulot ng CoVid-19 Delta variant pati ang mahalagang pangangailangan ng mga Filipino. Ito ang payo ni Pangilinan sa economic managers ng gobyerno sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) ukol sa 2022 national budget. Ayon kay Pangilinan, ilang …
Read More »Imbestigasyon sa ‘illegal drug links’ ni Michael Yang giit ni De Lima
MATAPOS masangkot ang pangalan ni Michael Yang sa kontrobersiyal na pagbili ng pamahalaan ng facemasks, face shields, personal protection equipment (PPE), at test kits, muling isinusulong ni Senadora Leila de Lima ang pagsasagawa ng imbestigayon sa dating Presidential adviser sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga. Ayon kay De Lima, ngayong panibagong kontrobersiya ang kinasasangkutan ni Yang, marapat na hubarin …
Read More »Harry Roque isinuka ng UP
ISINUKA ng kanyang mismong alma mater na University of the Philippines (UP) si Presidential Spokesman Harry Roque. Sa isang kalatas, inihayag ng UP Diliman Executive Committee ang nominasyon para maging isa sa 34 na miyembro ng International Law Commission. “The UP Diliman Executive Committee at its 314th meeting held on 13 September 2021, resolves that it opposes the nomination of …
Read More »‘Pharmally deals’ scam of the decade
ni ROSE NOVENARIO MAITUTURING na ‘scam of the decade’ ang maanomalyang paggagawad ng administrasyong Duterte ng P12 bilyong halaga ng kontrata sa Pharmally Pharmceutical Corporation para sa medical supplies. “The Pharmally Deals have the makings of a ‘scam of the decade’ that could rival the Napoles PDAF scam,” sabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr. Mas malaki …
Read More »10K ayuda biyaya sa 10K benepisaryo
UMABOT sa 10,458 ang mga nakatanggap ng P10K ayuda sa ilalim ng programang Sampung Libong Pag-asa ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyadong kongresista sa BTS o Back To Service kasama si Congw. Lani Cayetano. Pangunahing layunin ng 10K ayuda na maiahon, hindi lamang maitawid sa kanilang lugmok na kalagayan ang mga Filipino dulot ng pandemyang CoVid-19. Kabilang …
Read More »P2-B hindi idineklara ng Pharmally sa ITR
HALOS P2 bilyon ang nabigong ideklara ng Pharmaly Pharmaceutical Corporation sa kanilang income tax report (ITR). Ito ang nabunyag sa pagtatanong ni Senador Imee Marco, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na pondong ipinambili ng face shields, facemasks at iba pang personal protection equipment (PPE). Batay sa dokumentong isinumite ng Pharmally sa Senado, lumalabas …
Read More »QC congressional wannabe, business pal ni Michael Yang (Asawa itinurong ‘druglord’ sa intel report)
IPINATATAWAG ng Senate Blue Ribbon Committee ang mag-asawang kasosyo ni dating presidential economic adviser at Pharmally Pharmaceutical Corporation financier Michael Yang upang alamin ang koneksiyon sa illegal drug trade. Inisyu ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ang subpoena laban kina Lin Weixiong at asawa nitong si Rose Nono Lin, sinabing kasosyo ni Yang. Pinaniniwalaang si Lin …
Read More »Duterte, Yang ‘magkasangga’ sa illegal drug trade (Ninong ng narco-politics) — Trillanes
ni ROSE NOVENARIO “ANG presidente ng Filipinas, involved sa illegal drug trade.” Isiniwalat ito ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa panayam sa online news site Press Room PH. Ayon kay Trillanes, ang kapareha umanong drug lord ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Michael Yang mula alkalde pa ng Davao City ang punong ehekutibo. Umiral ang ‘narco-politics’ aniya sa bansa …
Read More »6 arestado, P1.2-B shabu kompiskado (Sa Danao ‘ops’)
ni BRIAN BILASANO ANIM katao ang dinakip at nakompiska ang P1.2 bilyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyong inilunsad kontra sa lahat ng uri ng ilegal na gawain at ipinagbabawal na gamot na pinamunuan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Vicente D. Danao, Jr. Nakompiska ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Mobile …
Read More »Pharmally naglaba ng ‘dirty money’ sa pandemya (AMLC pasok sa probe)
ni ROSE NOVENARIO MAAARING drug money ang ginamit na puhunan ng Pharmally Pharmaceutical Corporation para pondohan ang nasungkit na P8.6-B kontrata ng medical supplies mula sa administrasyong Duterte kaya walang money trail o walang bakas kung saan nanggaling ang puhunan ng kompanya. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon kaya hiniling niya sa Anti-Money Laundering Council …
Read More »Confidential personnel sa PS-DBM, hirit ni Lao sa CSC
ISANG buwan makaraang italagang pinuno ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) si Lloyd Christopher Lao, hiniling niya sa Civil Service Commission (CSC) na iklasipika bilang confidential employees ang ilang tauhan niya. Inihayag ni Sen. Panfilo Lacson, lumiham si Lao sa CSC para sa “reclassification of employees as confidential employees” ngunit tinanggihan ng komisyon. Sa naging hakbang ni Lao, …
Read More »