Wednesday , December 25 2024

Nation

Convicted tax evader
COC NI BBM IPINAKAKANSELA SA COMELEC

110321 Hataw Frontpage

ni  ROSE NOVENARIO CONVICTED tax evader ang anak ng diktador at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaya’t hindi siya puwedeng maging presidential bet sa 2022 elections. “Marcos is not eligible to run for any public office as he is, plainly, a convicted criminal,” ayon sa political detainees, human rights at medical organizations sa 57 pahinang Petition to Cancel or …

Read More »

Presyo ng LPG muling sumirit

oil lpg money

MALAKING dagdag presyo ang ipatutupad ng ilang kompanya ng langis sa liquefied petroleum gas (LPG) nitong 1 Nobyembre. Sa anunsiyo ng Petron Corporation, epektibo dakong 4:00 pm nitong Lunes, itataas sa P3.10 (VAT-inclusive) ang presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P34.10 dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram LPG tank. Papatungan din ng Petron ng P1.73 ang …

Read More »

May go signal na
US TRIP NI NOBEL LAUREATE RESSA, APROBADO SA CA

110221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO INAPROBHAN ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Nobel Peace Prize winner Maria Ressa na makalabas ng bansa dahil kinakailangan ang kagyat at personal na pagdalo niya sa serye ng panayam sa Harvard Kennedy School sa Boston, Massachusetts. Ipinaliwanag ng appellate court na ang dating pagbasura sa “motion to travel abroad” ni Ressa ay bunsod ng …

Read More »

1 sa 4 pasyente ng CoVid-19 madaling ma-stroke at magkaroon ng brain damage

Dr Epifania Collantes, Dr Gerardo Legaspi, UP-PGH Stroke Services

MANILA — Ayon sa lokal na pag-aaral na isinagawa ng Philippine Neurological Association, isa sa bawat apat na Filipino na naospital sanhi ng CoVid-19 ay maaaring makaranas ng stroke at iba pang disorder na nakaaapekto sa utak. Nakita ito sa retrospective study ng mga researcher sa Philippine General Hospital (PGH) na sinuri ang may 10,881 Pinoys na diagnosed ng coronavirus …

Read More »

Top CPP-NPA leader patay sa ‘ambush’

110121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAPATAY sa pananambang ng military, hindi sa enkuwentro si Jorge “Ka Oris” Madlos, tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF) sa Mindanao at top New People’s Army (NPA) commander, at ang isang babaeng medic sa Impasug-ong Bukidnon nitong Biyernes. Inisyal na paglilinaw ito ng isang Maria Malaya, spokesperson ng NDF-Northeast Minda­nao sa isang kalatas kagabi. Ayon kay Malaya, …

Read More »

Foreign pandemic supplier
TAX EVADER KAALYADO RIN NI DUTERTE

102921 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na bukod sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ay may isa pang foreign pandemic supplier na nakasungkit ng P2.23-bilyong kontrata sa gobyerno ay nakipagkita rin kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017. Inihayag ni Sen. Risa Hontiveros, ang chairman ng state-owned company sa China na Xuzhou Construction Machinery Group (XCMG) na si Wang …

Read More »

‘Fake news’ vs bakuna pananagutin — NCRPO

Covid-19 Vaccine Fake news

NAGBABALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga nagpapakalat ng ‘fake news’ tungkol sa pagbabakuna, na mayroong kaakibat na parusa sa ilalim ng Republic Act 11469 Section 6 (F) na nagpapakalat ng maling impormasyon. Ayon kay NCRPO Regional Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa kasalukuyang data, ipinakita nito na ang pagpababakuna ay hindi lamang proteksiyon sa …

Read More »

Dolomite beach ground commander sinibak

Manila Bay Dolomite Beach

SINIBAK ang ground commander ng Manila Bay dolomite beach kasunod ng kabiguang pigilan ang pagdagsa ng libo-libong tao sa lugar, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Inihayag  ni Environment Secretary Roy Cimatu na tinanggal niya si Director Jacob Meimban, Jr., bilang ground commander ng dolomite beach at pinalitan ni Reuel Sorilla, Director ng Environmental Law Enforcement and …

Read More »

Abala sa eleksiyon
DUTERTE DEADMA SA DUSA NG BAYAN SA OIL PRICE HIKE

102821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ELEKSIYON sa susunod na taon ang pinagkakaabalahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at walang pakialam sa pagdurusa ng bayan sa kada linggong pagtaas ng presyo ng langis. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), kahit kabi-kabila ang protesta at panawagan ng mamamayan kay Duterte na gawin ang lahat para maibaba ang presyo ng langis, hanggang ngayon ay wala siyang …

Read More »

Isko sa IATF:
ASUNTO VS DENR EXECS SA DOLOMITE BEACH ‘SUPERSPREADER’ EVENT

102721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domogoso sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglabag sa health protocols sa pagbubukas sa publiko ng Manila Bay dolomite beachfront. “Ang ironic kasi riyan, sila ‘yung nagpapatupad, sila …

Read More »

Pantawid Pasada Program binuhay,
P1-B CASH AID SA 178K TSUPER IPINANGAKO

Pantawid Pasada Program, LTFRB, DBCC

ISANG bilyong pisong cash aid ang ipamamahagi ng gobyerno sa 178,000 tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa sa nalalabing tatlong buwan ng 2021. Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) matatanggap ito ng mga tsuper sa ilalim ng binuhay na Pantawid Pasada Program na pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang ayuda ng pamahalaan sa …

Read More »

Hikayat sa DOH
BAKUNA SA ESTUDYANTE GAWING ‘MANDATORY’

102621 Hataw Frontpage

MATAPOS  simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa tinatatawag na ‘general population’ ng bansa, naniniwala si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino na dapat obligahin ng Department of Health (DOH) ang mga magulang upang pabakunahan ang kanilang mga anak kontra CoVid-19. Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Tolentino, sa ilalim ng Republic Act 10152 o Mandatory Infants and Children Health Immunization Act, ang …

Read More »

DoJ drug killings review, mapanlito, mapanlinlang — NUPL

DoJ, NUPL

MAPANLITO at mapan­linlang ang isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa 52 insidente ng pagkamatay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte sa nakalipas na limang taon dahil walang naisampang kaso laban sa mga sangkot na pulis. Inihayag ito ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) member Atty. Kristina Conti kasunod ng pagsasapubliko ng DOJ sa resulta ng …

Read More »

PH ayaw pasukin ng investors dahil sa super mahal na koryente — Solon

electricity meralco

MULING binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre, at sinabing ayaw pumasok ng mga investor sa bansa dahil sa napakamahal na koryente. “Talaga namang napakamahal ng koryente dito more than sa sinasabi nilang rason na mataas ang labor cost dito. I don’t think that is the real reason, ‘yung reason talaga kaya ayaw …

Read More »

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

102221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa isinasawagang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong drug war ng kanyang administrasyon. Ayon kay Duterte, sinabi niya kay Bato na huwag mag-alala dahil sagot niya ang lahat ng nangyari kaugnay sa drug war at nakahanda siyang makulong kapag …

Read More »

SUBSCRIBERS LUMIPAT SA DITO NAPAKATITING

TCI, Dito, Globe, Smart

TALIWAS sa inaasahan ay napakaliit na bilang lamang ng mga subscriber ang nagpalit ng network sa ilalim ng tinatawag na MNP o mobile number portability. Marami ang nag-akala na malaking bilang ng mga subscriber ng Philippine Long Distance Telephone Co. -Smart Communications at Globe Telecom ang lilipat sa Dito Telecommunity Corp., ang third telco player sa bansa, sa gitna ng …

Read More »

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

Smart, BTS

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga dayuhan bilang product endorsers na nagpababa sa mga Filipino artist. Sinabi ng mambabatas, desmayado sa pagiging bias umano nina telco chair Manny Pangilinan at president Al Panlilio laban sa local talents na, “paying hundreds of million-pesos to foreign artists for the telco’s product promotions amid …

Read More »

Sa Kamara
Pagbabawal sa substitution ng kandidato isinulong

politician candidate

INIHAIN ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang dalawang panukalang naglalayong ipagbawal ang pagpapalit ng mga kandidato pagkatapos maisumite ang certificates of candidacy (COC). Kasama rin sa inihain ni Rodriguez ang panukalang ideklara ang isang nakaupong opisyal bilang nagbitiw sa tungkulin matapos magsumite ng COC para sa isang posisyon. “These twin measures aim to put …

Read More »

Pharmally ‘una’ sa 30 kompanyang sumungkit ng P27.4-B (Sa P65.19-B Bayanihan 1 & 2 funds)

101521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NANGUNA ang Pharmally Pharmaceutical Corp., sa 30 kompanyang nakasungkit sa gobyerno ng 42% ng kabuuang pandemic contracts na nagkakahalaga ng P27.4-B. Ayon sa special report ng Right to Know, Right Now Coalition (R2KRN), ito’y pinakamalaking bahagi ng kabuuang P65.19-B kontrata na pinaghatian ng 7,267 suppliers mula Marso 2020 hanggang Setyembre 2021. Ang ulat ng R2KRN ay batay …

Read More »

Sen. Bato ‘istorbong’ kandidato (Sa hayag na pagpaparaya kay Sara)

101221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring maideklarang nuisance candidate o istorbong kandidato si PDP Laban Cusi faction presidential bet Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pag-amin niyang handa siyang umatras para bigyan daan ang presidential  bid ni Davao City Mayor Sara Duterte.  “Puwede akong magparaya kay Mayor Sara. Alam ko may senaryo na ganoon …

Read More »

Bayaning Tsuper partylist naghain ng CONA para sa Halalan 2022 (Transport groups sumuporta)

Bayaning Tsuper partylist, BTS

NAGHAIN ang Bayaning Tsuper (BTS) partylist ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa darating na halalan sa 9 Mayo 2022, nitong Biyernes, 8 Oktubre. Adbokasiya ng BTS partylist ang pagkakaroon ng konkretong panuntunan sa kaligtasan sa kalsada, pagpapalaganap ng kaalaman ukol dito, at pagkakaroon ng kamalayan ng stakeholders para sa kanilang kapakanan. Ayon kay Atty. Aminola Abaton, …

Read More »

Digong ‘nega’ kay BBM bilang tandem ni Sara

Rodrigo Duterte, Bongbong Marcos, Sara Duterte

AYAW ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duter­te na maging running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang anak ng diktador, talunang vice presidential bet at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos. Inihayag ito ni Earl Parreño, isang political analyst at awtor ng Beyond Will and Power, biography ni Duterte. “Sa tingin ko, base sa nababalitaan ko, ayaw …

Read More »

Palasyo tameme sa Nobel Peace Prize ni Maria Ressa

Maria Ressa, Nobel Peace Prize

WALANG kibo ang Malacañang sa pag­gawad ng 2021 Nobel Peace Prize kay Rappler CEO Maria Ressa sa kabila ng papuri sa kanya ni US President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., at ng iba’t ibang grupo at personalidad sa loob at labas ng bansa. Si Ressa ang kauna-unahang Filipino na nakasungkit ng presti­hiyosong Nobel Peace Prize kasabay ni Russin journalist Dmitry …

Read More »

Oposisyon vs Duterte lumalakas (Dahil sa Senate ‘plundemic’ probe)

101121 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NIYAYANIG ng lumalakas na puwersa ng opisyon sa Davao City ang mga Duterte kaya hindi makapag­desisyon ang pamilya kung sasabak si Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential race o tatapusin ang termino bilang alkalde ng lungsod. Ayon kay Earl Parreño, isang political analyst at awtor ng Beyond Will and Power, biography ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duter­te, nakaapekto …

Read More »

PH kulelat sa global Covid-19 recovery index

Philippines Covid-19

KULELAT ang Filipinas sa CoVid-19 recovery index na ginawa ng Nikkei Asia. Nasa ika-121 ang Filipinas nang iranggo ang 121 bansa sa mundo pagdating sa kakayahang maka-recover sa pandemya. Ibinatay ng Nikkei Asia ang pag-aaral sa infection management, vaccination rollout, programs at social mobility. Kabilang sa pinagbasehan ang mababang vaccination rate ng bansa na 30% lamang ng populasyon ang nababakunahan. …

Read More »