Friday , May 27 2022
Oil Price Hike

Taas-presyo ng petrolyo lalarga na naman

MAGPAPATUPAD ang mga kompanya ng langis ng big time oil price hike ngayong araw, Martes, 10 Mayo 2022.

Ito ang ika-15 ulit na taas-presyo ng mga produktong petrolyo sa taong 2022.

Dakong 12:01 am ng 10 Mayo, ng Caltex Philippines ang dagdag na P4.20 kada litro ng gasolina at diesel habang ang kerosene ay P5.85 kada litro.

Gayondin ang itataas sa pump prices ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at Flying V sa kanilang produktong gasolina, diesel, at kerosene.

Magsisimula itong ipatupad 6:00 am, ngayong Martes.

Agad sumunod sa katulad na dagdag-presyo sa kanilang gasolina at disesl ang mga independent oil companies na PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Unioil, at Eastern Petroleum, dakong 6:00 am ngayong Martes.

Habang 8:01 am magpapatupad ang Clean Fuel sa kanilang produktong gasolina at diesel sa katulad na presyong idadagdag. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
KILABOT NA KAWATAN, SWAK SA SELDA

Sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa mga kriminal na pinaghahanap ng batas, nadakip ng mga …

“Sambigkis Laban sa Kriminilidad” inilunsad sa Laguna

“Sambigkis Laban sa Kriminilidad” inilunsad sa Laguna

Pomal na inilunsad nitong Martes nga hapon, 24 Mayo, ang Sambigkis Advocacy Support Group kasabay …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

7 illegal E-sabong, naipasara na — DILG

Naipasara na ang pitong e-sabong websites na ilegal na nag-o-operate, matapos ipag-utos ni Department of …

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …