Saturday , May 28 2022
stab ice pick

Barker vs barker lalaki sugatan

ARESTADO ang isang miyembro ng Sputnik gang nang saksakin ang kapwa barker na nakaasaran sa pagtatawag ng mga pasahero, sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Pasay City Police chief, P/Col. Cesar Paday-os, ang suspek na si Rolando Reano, 44, barker ng Zamora St., Pasay City, nakapiit sa Pasay City police custodial facility.

Inoobserbahan sa San Juan de Dios Hospital ang 26-anyos kapwa barker na si Lorenzo Sadaya, dahil sa dalawang saksak sa tiyan.

Sa ulat, dakong 5:00 pm ng 8 Mayo nang maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Zamora St., sa Pasay City kamakalawa.

Sa imbestigasyon, sabay na nagtatawag ng pasahero ang dalawang barker nang nagkainisan hanggang nagtatalo kaya bumunot ng mahabang ice pick ang suspek saka inundayan ng dalawang tusok sa tiyan ang biktima bago tumakas.

Sa follow-up operation ng Pasay Police Sub-Station 4, nahuli ang suspek at nakuha ang ginamit na ice pick. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …