Friday , November 22 2024

Metro

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

Stab saksak dead

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang masaksak sa naganap na rambol sa harap ng isang paaralan malapit sa SM North, Quezon City, Martes ng gabi. Ang biktimang napatay ay kinilalang si Samuel De Villa Aguila, 18, kahero, at residente sa Zamboanga St., Pael Compound, Brgy. Culiat, habang sugatan ang kapatid niyang …

Read More »

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang sariling asawa nitong Linggo ng hapon, 27 Nobyembre. Sa ulat ni P/Lt. Michael Danao kay P/Col. Earl Castillo, hepe ng Marikina police, kinilala ang naarestong suspek na si Darnel Dasal, alyas Darwin, 48 anyos, at nakatira sa Brgy. Santolan, sa nabanggit na lungsod. Dakong 5:00 …

Read More »

24,000+ drug personalities naaresto sa bagong BIDA

DILG BIDA

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr., mahigit sa 24,000 ang naarestong drug personalities sa ilalim ng bagong multisectoral na programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA). Ayon kay Abalos, tuloy-tuloy ang isasagawang mga drug raid at operasyon ng pulisya at iba pang drug enforcement units sa ilalim ng BIDA program bukod …

Read More »

67-anyos Lolo patay nang mabagok habang lumilikas sa sunog

fire dead

ISANG 67-anyos lolo ang patay nang mabagok habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa isang residential area sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Delfin Enerva, 67 anyos, residente sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, dakong 4:00 am nang magsimulang …

Read More »

P.8-M shabu sa Vale
HIGH VALUE INDIVIDUAL, KALABOSO

shabu drug arrest

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong suspek na  si Turin Razul, 42 anyos, residente ng Brgy. 33, Tondo, Maynila. Sa …

Read More »

Navotas Greenzone Park binuksan

Navotas Greenzone Park

PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes kamakailan ang inauguration at blessing ng Phase 2 ng Navotas Greenzone Park. Ang 3,500 square meter park na matatagpuan sa R-10 Road sa Brgy. Ang Bangkulasi-North Bay Boulevard North (NBBN) ay nagtatampok ng plant boxes, sementadong daanan, landscaping, …

Read More »

Rank 10 MWP ng PRO8, huli ng NPD

Arrest Posas Handcuff

ARESTADO  ang isang lalaki na nakatala bilang rank 10 most wanted person (MWP) sa kasong rape ng Police Regional Office (PRO) 8 ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa isinagawang manhunt operation sa Apalit, Pampanga. Kinilala ni NPD Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang naarestong suspek na si Ruel Quizol, …

Read More »

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

Quezon City QC

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na child labor-free zone ang Quezon Memorial Circle (QMC) nitong Linggo. Sa kanyang State of the City’s Children Report sa QMC, iginawad ni Mayor Joy Belmonte ang Seal of Child Labor-Free Zone sa QMC sa lahat ng mga nangungupahan, guwardiya, hardinero, at admin staff na …

Read More »

Nahuling tulog sa duty
TATLONG PULIS LAWTON BINALASA NI GEN DIZON

Nahuling tulog sa duty TATLONG PULIS LAWTON BINALASA NI GEN DIZON Brian Bilasano Photo

BINALASA ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon ang tatlong pulis na naaktohang natutulog sa oras ng duty nitong Martes ng madaling araw sa Lawton Police Community Precinct (PCP) sa Ermita, Maynila. Sa ulat, sinabing pagpasok ni MPD DD P/BGen. Dizon sa nasabing PCP ay inabutang nakaupo ngunit tila nasa kasarapan ng tulog ang tatlong pulis na …

Read More »

Nasakote sa Kankaloo at Vale
2 MWP SA KASONG RAPE AT MURDER

Northern Police District, NPD

BAGSAK sa kulungan ang dalawang most wanted persons (MWPs) matapos masakote sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa …

Read More »

Motorcyle driver, todas sa umaatras na trailer truck

road traffic accident

ISANG driver ng motorsiklo ang namatay nang mahagip ng puwitan ng isang dambuhalang trailer truck at pumailalim hanggang maipit ng gulong sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Jade Matthew Diez, 28 anyos, residente sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) – Proper sa naturang lungsod, sanhi ng pagkadurog ng katawan. Mahigit isang oras bago …

Read More »

Peace and order pinatututukan  ni Mayora Lacuna

Honey Lacuna

IBINIHAGI ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang kanyang direktiba para sa pulisya ng Manila Police District (MPD) bilang pamamaraan upang mapaigting ang peace and order na kabilang sa prayoridad na programa sa lungsod ng Maynila. Nais ni Lacuna, tutukan ang mga insidente ng crime against person lalo ang mga pag-abuso sa mga kababaihan at mga kabataan. Batid ng …

Read More »

Para sa informal settlers sa NCR
IN-CITY RESETTLEMENT APROBADO SA KAMARA

Metro Manila NCR

KUNG noon ang mga binansagang squatters (Informal settlers) ay itinatapon sa mga lugar na walang tubig, koryente at trabaho, ngayon ay magkakaroon sila ng pag-asang manatili sa bayan na kinatitirikan ng kanilang bahay. Ayon kay TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, inaprobahan na ang House Bill (HB) No. 5, na nag-uutos sa pamahalaan na ang relokasyon ng informal settlers …

Read More »

RDP-NCR medium-term plan aprub

MMDA, NCR, Metro Manila

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), aprub sa Regional Development Council (RDC-NCR) ang Regional Development Plan (RDP) 2017-2022 Midterm Update at Regional Development Investment Program (RDIP) 2020-2022 para sa National Capital Region (NCR). Ang RDP-NCR ay medium-term plan na magsisilbing gabay sa pagpapaunlad ng Metro Manila para ito ay maging highly competitive metropolis, alinsunod sa overall strategic framework ng …

Read More »

Solon, DSWD namahagi ng ayudang medical, burial

Valenzuela

PINANGUNAHAN ni 1st district representative Rex Gatchalian ang pamamahagi ng medical at burial assistance sa mga Valenzuelano sa ilalim ng probisyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Assistance to Individuals/Families in Crisis Situation (AICS). Nasa 300 katao ang nakatanggap ng tulong medikal at 50 indibidwal ang nabigyan ng burial assistance ng lokal na pamahalaan. Ang tulong medikal …

Read More »

Kelot kalaboso sa ilegal na boga

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang isang mister matapos makuhaan ng baril sa bisa ng search warrant na ipinatupad ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Jayson Faustino, 45 anyos, residente sa Brgy. 175 ng nasabing lungsod. Ayon kay Col. Lacuesta, nakatanggap ng impormasyoon ang mga tauhan ng Sub-Station 11 …

Read More »

Sa P6.7-M halaga ng computer graphics EMPLEYADO NABISTO, 2 KASABWAT WANTED

3060 series computer graphic card

ARESTADO ang isang empleyado, habang dalawang kasabwat ang pinaghahanap matapos tangayin ang nasa P6,777,000 halaga ng computer graphic cards sa Valenzuela City. Kinilala ang suspek na si Rint Joshua Babao, 25 anyos, residente sa Brgy. 144, Bagong Barrio, Caloocan City. Patuloy na pinaghahanap ang dalawang kasabwat ng suspek na kinilala sa pangalang  Rustom Maata Jr., alyas Baby Ama, at Jomar …

Read More »

10K katao, huli sa Anti-Criminality at Anti-Drug Operations sa QC

PNP QCPD

INIANUNSIYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director,  P/BGen.Nicolas Torre III na umabot sa 10,174 katao ang naaresto ng kanyang mga tauhan sa pinaigting na anti-criminality at anti-drug operations sa Quezon City, nitong nakalipas na linggo. Ayon kay Torre, ang operasyon ay isinagawa mula 14-20 Nobyembre 2022. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 81 suspek sa illegal drugs; 39 most wanted …

Read More »

Wanted sa Bulacan, nanlaban sa QC-pulis, dedbol

dead gun

PATAY ang binata na wanted sa kasong attempted homicide sa Bulacan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba na nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation sa Brgy. Payatas, Quezon City, ayon sa ulat kahapon. Ang suspek ay kinilalang si Ramil Gruta Villegas, 21, alyas Ramboy, karpintero, binata, at residente sa No.  2650, Pinagkaisa St., Brgy.  Commonwealth, Quezon City. Sa naantalang report ng Payatas …

Read More »

60 tahanan giniba tensiyon sumiklab sa Tondo, Maynila

60 tahanan giniba tensiyon sumiklab sa Tondo, Maynila

UMALMA ang mga residente sa isang lugar sa Juan Luna St., Tondo, Maynila nang dumating ang demolition team upang gibain ang 60 bahay na tahanan ng 100 pamilya, nakatirik sa 300 metro kuwadradong lupa na pag-aari umano ng Meridian Forwarders Inc., kaya’t sumiklab ang tensiyon sa  naturang lugar. Giit ng Presidente ng Tondo Central Neighborhood Association, Inc., mga residente sa …

Read More »

Para sa traffic mitigation
MMDA, MALL OPERATORS  MAGPUPULONG  

MMDA, NCR, Metro Manila

PUPULUNGIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mall operators kaugnay sa nalalapit na Kapaskuhan. Nais ng MMDA na mabawasan ang nararanasang matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA na kadalasang mabagal ang usad ng mga sasakyan dahil sa Christmas sales ng ilang malls. Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Romando Artes, pupulungin nila ang mall operators upang isapinal ang pagpapatupad …

Read More »

Totoy, 4 pa arestado  sa buy-bust

shabu drug arrest

LIMANG hinihinalang drug personalities ang naaresto, kabilang ang isang menor de edad na lalaki, nasagip sa magkakawilay na buy-bust operation sa Malabon City. Ayon kay Malabon City police chief, Col. Amante Daro, dakong 2:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa Hiwas …

Read More »

2 most wanted sa Vale nasakote sa manhunt

arrest prison

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaking listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya kaugnay ng SAFE NCRPO sa naturang lungsod. Kinilala ni Valenzuela  City police chief, Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong suspek na si Jino Gabriel Yu, 18 anyos, residente sa Brgy. Ugong. Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya …

Read More »

6 Centenarians ng Valenzuela pinarangalan

Valenzuela

PINARANGALAN ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang anim na centenarian sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchailan at Dorothy Evangelista, head ng Office of The Senior Citizens Affair (OSCA), City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Pinagkalooban ng tig-P50,000 ang bawat centenarian mula sa pamahalaang lungsod bilang bahagi ng taunang seremonya tuwing buwan ng Oktubre, kasabay ng pagdiriwang ng Elderly Filipino …

Read More »

Motornaper patay sa shootout sa QC

dead gun

DEDBOL ang isa sa dalawang motornaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Carnapping Unit (QCPD – DACU) sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Martes ng madaling araw. Inilarawan ni QCPD Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang suspek na napatay ay may taas na 5”4’, payat ang pangangatawan, nakasuot ng black hoody jacket, brown short …

Read More »