Thursday , June 4 2026
SPD, Southern Police District

SPD tiniyak seguridad sa AOR

TINIYAK ng Southern Police District (SPD) na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng sunod-sunod na iba’t ibang krimen sa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon.

Sinabi ni SPD director P/BGen. Leon Victor Z.  Rosete na naiintindihan nila ang takot at pangambang dulot ng mga shooting incident sa mga residente ngunit tiniyak na nanatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng bawat indibiduwal.

Aminado si Rosette na nababahala sila sa pagtaas ng bilang ng shooting incident sa kanilang lugar.

Matatandaan, kamakailan ay sunod-sunod ang nangyaring pamamaril sa katimugang bahagi ng Metro Manila gaya ng road rage incident sa Makati na nauwi sa pamamaril, pananambang sa isang barangay chairman sa Muntinlupa, at barilan sa isang bar sa Las Piñas.

Panawagan nito sa publiko ang pakikiisa laban sa karahasan upang tuluyan nang mawala ang takot ng bawat komunidad. (NA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …